Looking for solution

44 0 0
                                    

''Huwag kang mag-alala Aika sa unang araw na ito makaka-encounter ka ng madaming kaibigan''

''Sana nga Sam'' pabuntong hininga kong sabi 

Paano kaya kung maging loner ulit ako ? Ayoko na ng ganon, gusto ko ng maraming kaibigan ngayong first day of high school life ko. 

''Uhm Sa--''  Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil bumulagta na lang ako sa sahig ng park."Aaah ang sakit" pakiramdam ko magkakabukol ako sa pagkahagis sakin ng bola

Hinanap ko kung saan ang pinanggalingan ng bola na yun 

"Ate pakihagis nga po ng bola samin" Ano?? di nyo man lang ako tinanong kung ayos lang ako. Ganyan na ba ngayon ang mga bata ngayon? Pagtitirisin ko kaya kayong mga kutong lupa kayo ? 

"Nakakatakot sya, kapareho pa natin ng school, kailangan natin syang iwasan" 
"Oo nga" a-ano ? pinagbubulungan na pala ako ng mga schoolmate ko. kailangan kong gumawa ng paraan. 

kinuha ko ang bola "Tignan nyo kung paano maghagis ng bola ang future pro sister nyo" taas noo kong sabi at sinipa agad ang bola. Nakarinig na lamang kami ng bintanang nabasag "Oops my bad" 

"Aika anong ginagawa mo ?" 

---------

Nakakahiya yung ginawa ko kanina. Sana di ako makita ng mga ka-schoolmate kong nakita kanina. 

'Aika dito ang room mo" andito na pala ako "Sige Aika mauna nako baka mahuli pako eh" 

"Sige ingat ka Sam"

Inhale , Exhale haaaaaaaaaaaaah kinakabahan ako 

Pumasok nako ng room ko "Good Morni--" bakit nakagrupo-grupo na sila ? meron na kaagad silang kaibigan ako wala ? gumawa ka ng paraan Aika hindi pepwedeng loner ka ulit this year. 

Saktong may dumaang babae na nakapony tail. 

"Uhm hi" ngumiti ka Aika "Ako nga pala si "

"Isabelle long time no see" Aaaaw Snob ako . 

"Guess what ? nagdate kami sa Macau ng boyfriend ko buong vacation" wow ang yaman ah 
ako kaya ? kelan ako magkakaboyfriend ? haha bahala na si batman 

"Talaga ? kami kasi ng boyfriend ko naghiking lang kami sa korea" ni-lalang nyo pa yan ah sakin sobra sobra na yun 

"Ayun lang ba ginawa nyo ng mga boyfriend nyo ?" Napatingin sakin ang dalawang nag-uusap "Kami kasi We make Love" mukha namang umepekto ang mga sinabi ko kasi nagsilapitan sakin yung dalawa. Ako naman tong nagmamayabang nagpalumbaba ako sa desk ko "My Boyfriend is such a perv" 

"PERV??!! " Sabay nilang pagkagulat.

---after 1 month---

"Yeah darling tinali nya ako sa kama" pagsisinungaling ko na ikinagulat naman ng dalawa"

"Talaga ? " Sabay nilang pagkagulat.

"Beep Beep" anjan na sya "aah guys I have to go My Boyfriend is calling"

Tumakbo ako papuntang gate ng school baka iniintay nako ni Sam at magalit pa sakin yun. 

"Oh hi darling " 

"Anong hi darling ? Tigilan mo na kasi yang pagkukunwari mo "

"Di pepwede masasayang naman ang effort ko at isa pa madami nakong kaibigan ngayon" pumasok kami ni Sam isang cubicle ng CR . meron namang sumunod saamin sa pagpasok 

"Alam mo parang nahahalata ko si Aika na nagsisinungaling sya abotu sa boyfriend nya" nako si Isabelle at si Kate nahahalata na nila ako 

'oo nga everytime na tanungin natin sya about sa bf nya lagi syang nag-eexcuse, at eto pa ah wala syang picture ng boyfriend nya"
 
anooooo ? kailangan pa ba nun ? 

"Oh ano Aika ? kaibigan ba ang turing jan ? 

"Shhhhh" 

"Tara na Kate I forgot something on my locker" 

Lumabas na din ako ng CR. Total mag-uuwian na naman na eh maglalakad lakad na lang ako. Bakit ganun ? kailangan ko lang naman ng kaibigan eh wala naman talaga akogn boyfriend. Di pa kasi ako naiinlove kahit kelan, kung nabibili nga lang ang boyfriend binili ko na yun eh pero saan ?. 


"Girls look at that boy he's shining and shimmering in the dark" napatingin ako sa tinuturo ng mga babaeng nagkukumpulan sa tabi "Omg He's So haaaawt " Tumingin din ako sa bahagya . Oo nga ang gwapo nya. pwede na to . Lumapit ako sa kanya at kinuhanan ko sya ng letrato. isa lang naman eh. 

"Ano yang ginagawa mo ? " OOops patay ako neto 

"Tignan mo may butterfly" ng tumingin sya ay tumako nako baka mahuli pa nya ako eh. 

"Tagumpay" pagkahingal kong sabi. 


May maipapakita nako sa inyo Belle at Kate 

----------

"woooow ang pogi nya " makikita mo sa kanilang mata na hangang hanga sila sa letrato ng lalaking ninakawan ko ng letrato. "parang namumukhaan ko sya Aika" A-ano ? "He looks familiar to me "

kinuha ko ang cellphone ko sa kanya "Kapag pogi madaming kamukha " 

"Aika, Kate Diba sya yung nasa letrato ? yung boyfriend mo" tumingin ako sa kanya........ SIYA NGAAAAAA!!! 

"Diba ikaw yung kumuha sakin ng let--" Tinakpan ko bibig nya at hinila palayo . Ano ng gagawin ko patay ako neto aissh ... 


Dinala ko sya sa isang bench sa may park. umupo kami dun at ganun din sya. Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari. Lahat lahat at nakahanda nakong sigawan nya pero..

"Ok I'll pretend I'm your boyfriend" ngumiti sya ng pamoso nyang ngiti na nakakapagpaakit ng mga babae.

"talaga ??"

"But"

"Pero ?? "

"You'll be my slave" yung ngiti nya kanina binalot na ng ngiting nakakatakot ngayon. Ganyan pala sya kasama nakakatakot sya. "Ano ? Deal ? " waaaaaaaaaaah ano na gagawin ko ngayon 

"O-oo " 

"Good" 

Itutuloy.......



A/N: Hi guys first time ko pong gumawa ng story sorry kung corny ^o^. this story is originally "Ookami Shoujo to Kuro Ouji" iniba ko lang yung ibang scene ^o^ tnx for reading hope you enjoy :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Black Prince and The SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon