Leo's P.O.V.
Ugh! nakaka-antok talaga.. (-_-) Siya ang pinaka ayaw kong coach sa lahat (-_-) bukod sa medyo masungit, nakaka-antok pa siya magturo. Tuwing siya yung nagtuturo, naka salong baba lang ako at sa bintana nakatingin. Minsan naman, inaantok ako at natutulog nalang. Kasi, casting spells lang naman yung tinuturo niya. Nandyan naman yung libro para turuan ako. kaya ko na yon, ako pa...Hayssssss... How I wish uwian na. Wala namang pinagkaiba. nakatunganga ako dito at tutunganga rin lang naman sa bahay. (-_-) *yawn* inaantok na talaga ako.. Haysss.....
"Now get your wands and i'm going to teach you---- "
Nakapikit na sana ako dahil sa nakakaantok niyang pagtuturo nang tumigil si wizard Aban sa pagsasalita. Nakatingin siya sa katabi kong bintana at napatingin din ako agad. Isang babae na nakasakay sa isang CC (cloud carpet- ginagawa ng mga aquatics na gagamitin sa pag lipad ) ang papalapit sa bintana kung saan ako naka pwesto. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na ako naka ilag. kaya naman cinover nalang ng dalawa kong braso yung ulo ko (o diba automatic ;-D) at eto, natumba ako kasama ng upuan ko. At nakadagan sakin ngayon tong babaeng di marunong gumamit ng CC niya! (-_-) badtrip talaga tong araw na to.
Paola's P.O.V.
Naku po! lagot talaga ako. Tumayo na ako ka agad mula sa pagkakabagsak kay kuyang...... basta sa kanya...
"Sorry po mr.-----??? "
Muka talaga siyang nasaktan...
"Leonard. Leo for short..... Aray!"
Naku! umaaray na nga. tsk, tsk.
"Tulungan na kita tumayo."
Hinawakan ko yung braso niya at dahan dahang itinayo. Pero bigla akong tinawag ni wizard Aban kaya...........
"Excuse me ms.----??? " -Wizard Aban
"Aray!" -Leo
Kaya naman nabitawan ko ulit siya at nauntog siya sa upuan.
"Oops. Sorry." -ako
"Ms., anong pangalan mo?" -Wizard Aban
"Umm... P-paola Martinez po.." -ako
"Sinira mo ang klase ko at ang bintana ng training room!" -Wizard Aban
Naku po. Lagot ako. Nakatingin sakin yung buong klase. Nakakailang...
Leo's P.O.V.
Masakit yung pagkakauntog ko ha. Pero siya pala si Paola. Maganda siya. At siya palang yata ang nakapagpasigaw kay Aban. Cool!
"Leo..." -Wizard Aban
kausap niya si ms. beautiful na hindi marunong ng CC nang bigla siya tumingin sakin at tinawag ako.
"Po?..." -ako
Siguro concern lang to. nakita niya siguro yung pagkakatumba ko. haha.
"Nababasa ko ang isip mo at alam kong lagi kang inaantok sa klase ko at ngayon mo lang ako narinig sumigaw. At ako ang pinakaayaw mong coach sa lahat. yun ang nasa isip mo, tama ba?"
Oh may gulay. Nabasa nanaman niya. Oh no.
"O-opo. T-tama po kayo. Sorry po."
Gusto ko din yun matutunan. Pero ayoko talaga ng telecommunication kasi parang nakakatakot. yun pa naman ang next subject.
"At ikaw naman ms. Martinez, anong ginawa mo?!" -Wizard Aban
"Unang una, sorry po talaga sa nagawa ko. Isa po akong trainee ni coach Theia mula sa water section. Gusto ko po kasi talaga matuto ng paggawa at paggamit ng CC kaya nung nagawa ko na, sa sobrang tuwa, pagsakay ko hindi ko na po makontrol....." -Paola
"At???..." -Wizard Aban
Di pa ba sapat yung paliwanag niya? haysss.
"Umm... Dumirediretso ako sa training room ng wizards, nabasag ko yung bintana, nakasakit ako ng estudyante at nasira ko ang klase nyo. kaya sorry po talaga. Hindi na po mauulit." -Paola
"Bakit? may balak ka pang umulit?" -Wizard Aban
Sungit naman. mabait naman si Paola ah. Maganda pa <3
"Wala po. Sorry po." -Paola
"Good. Ok class, papayagan ko kayo ngayon mag early recess pero ibalik niyo muna sa dati yang nabasag na bintana. Go." -Wizard Aban
Kanya kanya naman silang kuha ng wand at spell book para ayusin yung bintana. samantalang ako, syempre nakaupo. keri na yan ng mga kaklase ko. nakakatamad e.
"Ms. Martinez, sumama ka. pumunta tayo kay ms. Theia. Siya ang coach mo diba?" -Wizard Aban
"Opo." -Paola
"Kung ganon, dalhin mo ako sa coach mo." -Wizard Aban
Sayang. Umalis na siya. Este, sila pala. Haysss. Maganda siya ha. Pwede pwede. Pero ano kaya yung gagawin sa kanya? kawawa naman siya.
Paola's P.O.V.
lumabas na kami ng room ni wizard Aban. At pumunta na kami kay coach Theia.
kumatok si wizard Aban at hinnanap niya si ms. Theia
"Coach Theia?...""Yes wizard Aban?.."
lumabas si ms Theia sa training room para kausapin kami. Hala lagot. Nakita na niya ko kasama si wizard Aban. At mukang nagtataka na siya.
"Good morning coach Theia. Kilala niyo naman siguro si Paola hindi ba?"
Oh shet.
"Ay, oo naman. Isa siya sa pinaka tahimik sa klase ko. Bakit may nagyari ba?"
Naku eto na. Lagot na talaga ako.
"Binasag lang naman niya ang bintana ng isa sa malalaking training room ng wizards sa kalagitnaan ng klase ko."
Grabe. di ko naman sinasadyang basagin e.
"Ah ganun ba? pero hindi magagawa ni Paola yon. Diba Paola?"
Naku. Tingin ko na disappoint ko siya. Pero kailangan kong umamin.
"Pasensya na po talaga coach Theia. Gusto ko lang naman pong matuto gumamit ng cloud carpet dahil naiinggit ako kapag nakikita ko silang bihasa sa paglipad gamit yon tapos ako, hindi kaya. Gusto ko lang naman po na may mapatunayan para magkaroon ng kaibigan at maipagmalaki din po ng iba. Gusto ko pong matutunan yung pagkontrol ng tubig pero hindi ko magawa dahil mahina ako at-------"
Gusto ko nang itulo yung luha ko. Pero ayokong umiyak dahil lang sa mahina ako at hindi ako katulad nila.
"Wag mong sabihin na mahina ka. At wag kang mainggit sa mga kaya nilang gawin. dahil hindi lahat ng kaya mong gawin ay kaya din nila. Kakaiba ka. Tandaan mo yan. Kaya wag mong mamaliitin ang sarili mo. Ok? Pumasok ka na dito at umupo ka na sa pwesto mo. At bukas, sisimulan natin ang special training para sayo. Dahil bilang coach mo, handa akong tumulong dahil ayoko ng mahina sa water section maliwanag?"
Tama si coach Theia. Simula ngayon hindi ko na mamaliitin ang sarili ko. At papatunayan ko sa kanila na may kaya akong gawin.
"Opo. Salamat po sa inyo"
Bukas na bukas sisimulan ko nang maging katulad nila.
·
·
·
·
·
-------------------------------------
next chapter: Mythical Academy-2
by: xiaome2305
-------------------------------------