Written in Our Stars

5 0 0
                                    

WRITTEN IN OUR STARS

By: Queen Anne

"Congrats sa success ng libro mo, Athena! I'm so happy for you, sis!"

"Maraming salamat, Elle."

"Sino ba namang mag-aakala na ang librong isinulat mo para makalimot ay papatok? Hay, nasaan na kaya siya ngayon?"

Napakagat labi na lamang ako upon remembering kung sino ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat. Alam kong may bahid ng lungkot ang ekspresyon ng mukha ko na kaagad namang napuna ni Elle- ang best friend at kasama ko sa apartment. Nasa biyahe kami lulan ng isang taxi papunta sa venue kung saan gaganapin ang unang meet and greet slash book signing ko with my readers.

"Hala sis, sorry kung napaalala ko sa'yo."

"Hindi, okay lang. Dahil sa kanya kaya ako nakapagsulat ng isang magandang kwento kaya natural lang na from time to time ay maitatanong talaga sa akin kung sino ang dahilan kung paano ako nakapagsulat ng isang sad but beautiful novel."

"Masaya talaga ako para sa'yo Athena. At kung nasaan man siya ay nagpapasalamat ako dahil somehow dahil na rin sa kanya kaya ka successful sa isang bagay that you are passionate about," nakakatouch na mensahe ni Elle bago niya ako ikinulong sa isang warm hug na tila nagpa warm na rin ng aking puso.

"Ikaw talaga, Elle. O siya, nandito na tayo.Kapag nag umpisa na ang meet and greet at mamaya sa booksigning na magaganap ay gusto kong nandyan ka ah."

"Yes naman, sis! Syempre support ako sa'yo no."

Habang nag uumpisa ang isang maliit na programa na inorganisa ng isang grupo ng readers ko ay hindi ko maiwasang sariwain kung paano nagsimula ang isang kwentong hango sa sarili kong karanasan na nagkaroon ng impact sa mga taong nakabasa nito at ngayon ang ilan ay mga nasa harapan ko.

THREE YEARS AGO

"Sleep."

It all started one chat message, one person and one midnight. I was busy writing for an assignment when I received a private message from an unknown person. Do I know him? Maybe we're online friends. I went to this person's account to see kung kilala ko nga ba talaga siya before replying. May ngiting sumilay sa aking labi nang malaman ko kung sino ang nagmamay ari ng account. Halatang ito na naman ang bagong dummy account niya dahil mahilig siyang magpalipat lipat ng accounts at ito naman ang isa sa mga bagong account niya.

"Nah, mamaya pa ako matutulog. Hindi pa ako inaantok and Gabe, seriously?"

"Magpupyat ka na naman. Tsk. Not a good habit."

I rolled my eyes at his reply. Kahit kailan talaga itong taong 'to oh. Sanay na ako na lagi niya akong binabantayan na parang security guard.

"Don't roll your eyes at me, young lady. And by the way, don't you find my name hot?'"

"Ew lang ha. Ang bait kaya at innocent ng pangalan mo sa account na 'yan. Anghel ang dating para sa isang pasaway na katulad mo, Mr. Gabriel. Haha."

"Ikaw talaga Athena, ah. Anong ginagawa mo at hindi ka pa nakakatulog?"

Alam kong tila mapupunit na ang aking mga labi. I might look retarded right now in front of my laptop for I can't stop grinning that might be from ear to ear.

"I just can't kaya nagsusulat na lang ako."

"And why is that? Still thinking of him?"

Napakagat-labi na lang ako dahil alam niya ang sagot sa tanong niya. Hinintay ko na lamang na dugtungan niya pa ang tanong niya.

Written in Our StarsWhere stories live. Discover now