Kabanata 2

11 0 0
                                    

Nakita ko na ang lalaking manhid na gwapo, medyo bad boy, lapitin ng chicks paglaki manok hehe joke lang syempre ung chicks na babae, mysterious type at higit sa lahat ang lalaking nakapag paibig sa akin ng hindi nya alam. Haaay...Gavin

"Aray! Anu ba naman yan?!" Sabi ko ng bigla na lang may nakabangga sa akin.

"Eh bakit ba kasi paharang harang ka jan sa daanan?!"

Sabi naman ng lalakeng nakabangga sa akin. Aba naman sumasagot pa.

"Hindi naman tama na mang babangga ka na lang bigla di ba?!" Tama naman di ba? Dapat hindi ka na lang basta-basta nangbabangga.

"Aishh! Ewan ko sayo miss."

Sabi ulit niya. Hala buti nga naubusan ng sasabihin haha. Bleeh :P

Ay! Ang shunga ko naman. Bakit mas pinagtuonan ko ng pansin yung asar na lalakeng yun. Hindi ko tuloy natitigan si Gavin. Hayst! Kapag kasi sa loob ng room ko siya titigan eh baka mapansin niya at matameme ako kung tatanungin niya king bakit ako nakatitig sa kanya or worst mawala ako sa concentration ko habang nakikining sa teacher. Hay. . ang hirap naman ng ganito.

Ahh oo nga pala di pa ako nagpapakilala. Sorry I forgot to introduce myself.

Ako nga pala si Skade Heide Alvaro Agustin. 16 y/o at nasa 4th year highschool na. Nag-aaral ako sa Stonehill Academy isang private school. Nakakapag aral ako because of my mom. Were not really poor, we are not also that rich. We are on the average. Katamtaman lang, sapat na para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Nakatira ako sa Tita Zeny ko kasi si Mama nasa Canada at ang Papa ko naman iniwanan daw kami nung malaman niyang nabuntis niya ang Mama ko. Ang saklap noh.? Pero ayos lang naman kasi binusog naman nila ako ng pagkain hehe joke. Binusog nila ako ng pagmamahal at pag-aalaga. Punong-puno rin ako ng suporta. Lahat ng gusto ko naibibigay naman but I just chose to have things that I need. Saka na yong wants kapag my trabaho na ko.

Sa physical features ko naman, mahaba ang buhok, fair complexion, tama lang ang tangos ng ilong, medyo chinita, mahaba ang mga pilik mata, medyo chubby but I'm happy with my body hehe ^_^ at nakabraces din ako, pero malapit ko ng alisin kasi nag-iimprove na ang ngipin kong noon eh medyo sungki-sungki.

Sa mga hilig ko hmmm. Fan ako ng mga animated cartoons na parang tao, yung parang sa Barbie or Frozen ganun. Maghilig ako sa horror movies basta my kasama akong manoud kasi natatakot ako eh hehe ang weird ko noh.? Kinakain ko naman lahat ng pwedeng kainin wag mo lang akong pakakainin ng okra at lason. Sa gamit.? Gusto ko lahat ng gamit ko eh my design na floral, o kaya naman may pagka -vintage ung design kahit katiting na floral or vintage design lang I'm fine with it. Yung mga damit ko pang girl talaga medyo kikay kasi ako eh. Halos lahat ng damit my floral design. Sa shoes, mas prefer ko magsout ng flats, kasi mas comfortable ako doon, but if it's important to wear heels or rubber shoes syempre magsusuot din naman ako.

Sa social life ko naman. I have my friends, my two best friends sina Jilliana Kyra Faustino or Lia for short, and my guy best friend  Enrico Ashton or Rico for short. He's a half american and a half Filipino.

Ang lalake naman na kanina ko pa binabanggit, ay ang lalakeng nakapagpatibok ng aking puso, pero hindi naman ako na love at first sight. Alam niyo ba kung paano ko siya nakilala at paano ko siya nagustuhan.?

Flashback

Magthi-3rd year highschool na ko nun ng mapagdesisyunan ni

Mama na ilipat ako ng school kasi medyo malayo layo ang school ko sa bahay ng Tita ko ngayon. Sa Stonehill Academy ako inilipat ni Mama kasi bukod sa malapit, doon rin kasi nag-aaral ang dalawa kong pinsan na sina Jana at Jake. Tuwing lunch kasi nandoon si Tita para pakainin sila kambal. Kaya sabi ni Mama para hindi na makadagdag pa sa gastusin ko ang lunch eh makikisabay na raw ako kila Tita. Mabait ang pamilya ni Tita. Itinuring na nila akong panganay na anak habang nagta-trabaho si Mama sa Canada.

Pumayag na rin ako sa gusto ni Mama kasi tama naman siya makakatipid ako ng kunti.

---

Ilang araw na lang pala at magsisimula na ang pasukan. Nasa mall kami ngayon at bumibili ng mga school supplies. Kasama ko sina Tita Zeny, Jana, Jake at si Tito Reymart. Nasa school supplies section kami ngayon. Nakapili na ko ng mga notebook ko, ball pens and all the stuff needed for school. Lahat ng gamit ko ay my touch ng floral designs and vintage. I am addicted to flowers and all stuff with flowers or just the flower itself.

"Tapos ka na ba kade? Nabili mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ni Tita Zeny.
"Yes Tita, tapos na ko. Nabili ko  na po yung mga kailangan ko." I answered.
"Ok that's good." She replied.
"Mommy di pa ba tayo kakain?" That's Jana. "Right mommy, I'm starving" that's Jake. Hay. Kambal nga talaga, magkadikit ang bituka. Haha
"Ok, pagkatapos kong bayaran tong mga school supplies niyo. While you were waiting, why don't you roam around. Basta wag kayong lalayo." Sabi ni Tita. Siguro sinabi niya yun para hindi mabored yung dalawa kong pinsan.
"Kade, pwede mo ba silang samahan?" Sabi ulit ni Tita.
"Sige po Tita." Sagot ko naman.
"Ok Jana Jake san niyo gustong pumunta?" I asked.
"Ate Kade I want to go to the toy section." Jana "Me too, me too" Jake. "Ok let's go. Tita sa toy section lang po kami." I said "Go ahead. Basta balik kayo after ten minutes." Tita "okay po." Me.

*Toy Section
"Wow." Jana. Nakakita kasi sya ng doll na Elsa at Anna. Magmula kasi ng napanoud niya ang Frozen eh halos araw-araw na niya itong pinapanoud after school.  Si Jake naman nakakita ng car collectible. "Woah. . . awesooome :)" "Ate Kade I want to buy this two dolls." That's Jana. "Where's mommy.?" Jake.
"Ok let's find your mom and ask if she will buy those toys you want. Okay?" That's me. "Okay." They both exclaimed.

Habang papunta kami kay Tita Zeny may napansin akong isang lalake na bumibili ng teddy bear. Siguro para sa girlfriend niya yon. Swerte naman ng girlfriend niya. Ang cute kaya ng teddy bear na yon. "Ate Ate ayun na si mommy oh." Sila kambal. "Ay, sorry. Tara tara sabihin niyo na sa mommy niyo." Ako yan. Ayun at sinabi na ng kambal. Habang hinihintay ko sila nakita ko na naman ang lalake at this time my kasama na siyang girl. "Siguro that's his girlfriend. In fairness magkamukha sila." Bulong ko naman. Opss! May naalala ako di ba sabi nila di ba sabi nila na pagmag kamukha kayo ng girlfriend or boyfriend mo. Eh kayong dalawa na ang makakatuluyan. Totoo kaya un? Hay...hayaan na nga.

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon