Kashungaan #6

709 36 10
                                    

Dear diary,

Nagluto kanina yung ate ko ng hotdog.

Ang weird ng itsura kasi pula na pahaba tapos parang bilog yung dulo. Magulo ba? Ganyan talaga. Ang mga magaganda magugulo.

Pero naweirdan ako sa pangalan, 'hotdog' ano yun?

Napaisip ako. Hmm.. Parang, english na naman hays.

At tama nga ako english! Pero, dahil nga sabi ko sainyo, genius ako kahit di naman talaga. Alam ko na yung ibig sabihin nung hotdog!

Hindi ako english kasi tagalog ako pero naintindihan ko yung hotdog kasi nga medyo o pwede ring sobrang genius ako!

Diba nga yung hot ay mainit? Tapos yung dog naman ay aso. Kaya ang tagalog nun ay 'mainit na aso'!

Pero napaisip ako uli, parang kadiri naman! Ayoko pa namang kumain ng aso huhuhu

Tsaka, pano naging pula kung aso?

Tsaka, pano pag lumamig na? Hotdog parin ba? Edi dapat Colddog na!

Sino ba naman kasi ang shungang nagimbento nun?!

Love,

Shy

Diary Ni Miss ShungaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon