CHAPTER 8 Whats Wrong?!

19 2 2
                                    

Zanasha Montes is Back XD

Napapansin ko lang na sobrang madikit ngayun si Kobe.

At nakakainis. Sobra na sya mang asar. >…<

Tas mahilig pang magtanong sa buhay ko. Yung totoo.

*TUESDAY*

"Goodmorning Zanasha. " - Sharlyn (GF ni daddy)

"Wait wat?! Good? sorry my morning is bad. Paki sabi kay daddy pupunta na ako sa school."

"Bye Yayay."

Badtrip na talaga ako sa GF ni daddy feel na feel.

Putang*na sarap murahin e.

NEW MESSAGE

-Kobe kulit-
"Good morning Zanasha : )"

Isa pa to! Lahat nalang masakit sa ulo.

Hayyy nandito na ako sa School. 

"KHARLY tara uwian mag park tayo." -Zanasha

"Awww hindi ako avail may family gathering kami Za!"

At kung kailan mo naman inaya to tska bawal.

Binagsakan ba ako ng bato?

---- Sa iskwelahan paulit ulit lang ang nangyayari. Aral recess. Aral lunch. Aral uwi. Kaya fast forward na natin ----

Pag kauwi ko sa bahay May maingay sa may gate namin. Parang may party. Parang may kasiyahan.

Pag pasok ko.

Nakita ko si daddy na nakaluhod at may hawak sa singsing.

"Yes!" - sharlyn

At huli na ng makarating ako. Ganun nalang ba un? Hindi man lang  tinanong ni daddy kung gusto ko si Sharlyn.

Nakita ako ni Daddy at Sharlyn pero nag walk out ako at tumakbo papalayo sa bahay na un!

Naramdaman ko na lang na nasa Park pala ako.

Binuho ko lahat ng sakit ng dibdib ko. Hindi ko na kasii kaya.

Iyak ako ng iyak hanggang sa napatahan na lang ako. Pero humahagulgol parin ako.

KOBE'S POV

Dahil na bobored ako sa bahay Lumabas ako at nag lakad lakad.

Nakapunta na pala ako sa Park.

Teka. May narinig akong umiiyak. Sino ka yun?

Sinundan ko ung tunog at bumungad sakin si Zanasha na giniginaw at namumula ang buong pisngi.

Agad agad ko syang nilapitan.

"Ano ang problema Zanasya?"

Pero umiiyak lang sya.

------------

"SALAMAT sa Jacket kobe. Ayos na ako. Wala lang to."

"Ano ba kasii ang problema at lagi ka na lang umiiyak"

"WALA NGA LANG T..."

napatigil ako sa pag sasalita kasii niyakap ako ni Kobe.

Kahit ang Daddy ko hindi pa ako niyayakap.

Ngayun na lang ako nakaramdam ng yakap.

Dahil sa sama ng loob ko napayakap na lang din ako at iniyak ang lahat.

----------

Pag kagising ko.

Nasa kwarto na ako.

Kwarto ko sa bahay.

Maraming salamat kay kobe.

Matext nga sya.

Add message

Oyyy kobe. Thank you :)

Wait. May tumunong di kalayuan.

Pag silip ko sa lapag.

Kobe?!!!!!!!

"Ang ingayy natutulog pa ako!"

"Yayayayay. Bat nandto si kobe?"

"E madam sa sobrang pag iyak mo nawalan ka ng malay. Dinala ni Sir Kobe dito. Tas pinunasan din yung mukha mo. Sabi ko sakanya ako na pero ayaw nya."

"Dat nga mag pasalamat ka sakin e." -Kobe

"Salamat! ayan happy?"

"Madam tsaka sir hindi na kayo aabot sa iskool"

Hayyy salamat. Ayaw ko munang pumasok e.

"Kobe umuwi ka na sainyo....Asan si...."

Bumaba ako at ayun kumakain na sya ng breakfast. Ang bait talaga.

"Kain na Zanasha" - Kobe

" Ahaha sige lang."

Nalaman nya kaya ang dahilan kung bakit ako umiyak kagabi?

WILD AND FREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon