Sa bawat araw na lagi ko siyang nakikita parang tumitigil ang mundo ko.
Sa bawat araw na lumilipas parang kay saya ng mundo na lagi siyang katabi, bawat araw na dumadaan parang kay sarap manatili.
Sa bawat oras-minuto na dumadaan na siyang lagi mong kasama na parang wala ng kinabukasan.
Sa bawat araw na puro hagalpak ng tawa at mga kwentuhan naming dalawa.
Mga masayang laruan..
taguan sa ilalim ng buwan
kulitan sa ating paburitong taguan
asaran kahit tayo'y napapagalitan na
at mga alaala na kay sarap ulit ulitin..
Pano na ngayon?
Ang hirap isipin.. habang patagal ng patagal mas lalong sumasakit..
~~~~
Ilang taon na rin ang lumipas simula nung magkahiwalay kami ni Zyrine. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong tao at sobrang mahal na mahal ko siya.
Nakaupo ako ngayon sa paborito naming tambayan sa tree house naming dalawa sa park.
Nakakalungkot lang isipin na yung partner mo sa buhay ay nawala na sa tabi mo ng dahil sa isang pagkakamali.
~Past~
"Uyy Zyrine tara laro ulit tayo buhatin kita" kahit masakit na mata ko niyaya ko pa din siya
"Ayoko na Clint masakit na mata ko bukas na lang ulit baka pagalitan na ako ni mama sumobra na naman ako sa pagcecellphone"
"Okay basta buhat ulit sige babyee magwattpad kana diyan"
"Ayoko nasa cellphone ko yung babasahin ko"
"Sino namang nagsabi na sa cellphone ayun tignan mo sa taas may binili akong mga libro sa National"
"Talaga? The best ka talagang partner I love you Clint"
"I love you too baby!" sambit kong mahina habang nakatingin sa kanyang mukha na masaya dahil sa libro.
~~
Hayst! Ang sarap talaga balikan yung panahong yun haha kitang kita ko yung saya sa mukha niya kasi binibilhan ko siya ng libro.
Eto ako ngayon nagmumukmok sa tagpuan habang tinitignan yung library niya.
Naisipan kong magbasa nung paborito niyang libro na Broken Melody ni alyloony.
Ilang beses niyang sinabi sakin na parang ganun yung story niya. Sinimulan ko na basahin iyon.
"I was a dreamer before you went and let me down" -Taylor Swift, White House
Hmmm napangiti ako. Interesting!
Sinimulan ko na agad yung story kasi una pa lang interesting na.
Di ko namalayan na nakatapos ko na agad yung libro grabe ang ganda nga kaso ang laking pagkakapareho nila pero si Mia bumalik siya si Zyrine wala na.
*flashback*
"Zy tugtog tayo tara?"abot tengang ngiti ko sa kanya.
"Pass Clint masakit kamay ko"
"Ano ba yan kelan ka pa maggigitara? Namiss na kitang kajaming"
"Sorry Clint pero mukhang hindi na. Nawalan na akong gana tumugtog"sambit niya sabay kuha ng jacket
"Hey hey! Sorry di na kita pipilitin pero last one favor bago ka aalis papuntang New York gusto kitang makitang tumugtog sa isang gig namin. Please last one then I let you"pagmakaawa ko sa kanya"
"Sige sigeee pero last na yun"mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang araw na makikita ko ulit siyang tumugtog.
Hanggang sa dumating yung araw na pinakahihintay ko. Yung araw na dapat tutugtog kami.
--
August 26, 2005
8:30 pm goodluck zy!❣️From: biboy
0916229****--
Text ko sa kanya para hindi niya makalimutan yung gig namin mamaya! Grabe gusto ko na ulit siya makitang tumugtog 2 years ago nung last ko siyang makita na humawak ng gitara.
"Pre asan na siya?kanina pa naghihintay yung mga customer"
"Sige pre sunod na ako saglit lang"pumasok na din ako pagkalipas ng ilang minuto. Wala na kimalimutan niya na
"Ilang beses nagvibrate ang cellphone ko pero hindi ko pinansin baka si Zy yun hihingi ng sorry kasi kimalimutan niya yung gig.
Tinawag ako ni Vale sabay bigay ng phone habang maluha luha.
"Hello tita ano po yun?"
"Nak si Zy, si Zy nak *sambit habang umiiyak* si Zy nak wala na"napaluhod na lang ako sa narinig ko
"Hello tita asan po kayo? pupuntahan ko po kayo. Hintayin niyo ako hindi toh pwedeng mangyari kay Zy madami pa siyang pangarap tutugtog pa kami.
Dali daling akong pumunta sa Antipolo hospital nagbabakasakaling mali ang sinabi ni tita. Pero pagkapasok ko sa morge wala na, wala na talaga siyang buhay.
Napaluhod ako sa sahig sa sobrang pagsisisi dahil sa nangyari kay Zyrine.
Sana hindi ko na lang pala niya pinilit na tumugtog, sana hinayaan ko na lang siya. Kung hindi sana ako nagpumilit hindi mangyayari ito. Sana buhay pa din siya hanggang ngayon. Kasalanan ko ito, kasalanan ko lahat lahat ng nangyari sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dahil kung hindi sakin walang mangyayari na ganito. Hindi mamamatay ang taong mahal ko.
*end of flashback*
Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa pagkawala ng babae mahal ko. Namimiss ko na din siya, pano kaya kung puntahan ko siya ngayon din.
Dumaan muna ako sa isang flower shop para bilhan siya ng bouquet. Habang nagdadrive ako papunta sa kanya may biglang dumaang aso kaya bigla ko na lang itong iniwasan at sa hindi inaasahan na pangyayari nabunggo ako sa isang poste at hindi na alam ang sumunod na pangyayari.
*at the hospital*
" Clear!"
1
2
3
"Clear!"
~~
"Hoy Clint bakit ka nandito?"
"Z-zy?Hala totoo nga! namiss kita, simula ngayon hindi na ako aalis sa tabi mo magsasama na tayo habang buhay"
"Pero Clint may pamilya ka pa. May nagmamahal pa sayo. Ako matagal nang patay, atsaka pano ka nakapunta dito?anong nangyari sayo?bakit may sugat ka sa ulo?"kita ko sa mukha niyang gulat...
"Hindi ko din alam basta ang alam ko lang may aso akong iniwasan at nabunggo ako sa isang malaking poste"
"Hindi pwede ito bumalik ka sa lupa!!"
"Ayoko magsasama na lang tayo dito habang buhay. Sawa na akong magmukmok, sawa na akong mag isa miss na miss na kita"
~~
dut...dut...duuuuuuuuttt...
Hindi na napigilan ng mga kamag anak ni Clint na humagulgol ng marinig nila ang masamang nangyari sa kanya.
"Hindi kana malulungkot anak. Hindi kana mag iisa sa tambayan niyo kapiling mo na siya. Kasama mo na siya habang buhay. Mahal na mahal kita! Paalam anak ko!"sambit ng nanay ni Clint habang nakatingin sa bangkay.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomEvery break down I wrote a piece that will break your heart so ready your tissue :))