4

230 2 0
                                    

Nasaan na nga ba ang kabataang binanggit ni Gat Rizal?

Nasaan na ang sinasabing pag asa ng bayan?

Nasaan na nga ba?

Nagtagu-taguan?

Nagbingi-bingihan?

O

Nagpipi-pipihan?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na ang sarili mismo nila ay hindi nila mahagilap?

Bakit marami sa kanila ngayon na mismong tungkulin napabayaan?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pagtayo ng matuwid,

Sa simpleng paglagay ng kanang kamay sa dibdib,

Na sa paggalang ng Bandilang Pilipinas,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pagtulong sa kaunlaran,

Kagalingan ng estado,

At pagtangkilik sa produktong atin,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pagtulong sa mga taong nangangailangan,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pagsunod sa mga patakarang ipinaiiral ng bansa,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pagsali ng mga programang ipinatutupad ng bansa,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng paggawa ng mga gawaing-bahay,

Ay hindi magawa?

Bakit marami sa kanila ngayon,

Na sa simpleng pag ingat at pag alaga ng kalikasan,

Ay hindi magawa?

Napapansin niyo ba ang pagbabago ng kabataan?

Kagaya ng napapansin ninyo sa sarili niyo?

Oo!

Kayo ang tinutukoy ko!

Bakit ang hindi natin nagawa,

Ay atin ng simulan?

Oo nga't may limitasyon ang ating kakayahan,

Pero hindi ito sapat na dahilan,

Dahil balik-baliktarin man ang mundo,

Na sa ating mga kamay parin nakasalalay ang kinabukasan ng ating pamayanan.

"Bakit marami sa kanila ngayon?"

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now