BUHAY PARA SA BUHAY

26 1 0
                                    


Ang wakas ay ang simula ng panibagong yugto para sa mga namaalam.

Ang simula ay ang wakas para sa mga nabubuhay.

Paano at bakit ? mga katanungang pilit kong hinahanapan ng kasagutan, samahan niyo akong lakbayin ang kakaibang mundo ng mga nabubuhay at mga namaalam na. Saan ako nabibilang? Maaring alin man sa dalawang nabanggit. Sa pag tapos ng bilang na tatlo, sabay sabay nating lakbayin ito.

ISA .....

DALAWA.......

TATLO.....

Ang mga kaluluwa ng mga namatay na tao ay naiiwan sapagkat may mga misyon pa silang nais tapusin o dikaya ay mga kaluluwang ninanais pang mabuhay muli, kagaya na lamang ni Satina, siay ay isang kaluluwang ligaw naghahanap ng sisildlan na maari niyang pasukin at pamahayan.

Isang mapayapang gabi na tila walang nagbabadayang panganib ang nilalasap ni santina, mga himig lang ng mumunting kulisap ang maririnig ,ngunit habang lumalalim ag gabi ay nagiiba ang himig ng hangin n atila nagbibigay babala para sa dalaga. Kalaunan ay may narinig siyang mga yapak galling sakanyang bakuran sa kanyang pagtataka ay kanyang binaybay ang daan patungo rito, ngunit ito pala ay maghahatid sa kanya sa huling yapak at huling yugto ng buhay niya? Paano at bakit? Ito ang gumugulo ngayon sa isipan ni cody , ang kasintahan ni santina matapos niyang mabalitaan ang nangyari sa kasintahan, pilit niyang inaalam kung anong dahilan ng biglaang kamatayan ng dalaga at kung bakit ito ginawa sa kanya.

Ilang lingo na ang nagdaan at tila kapansin pansin ang mga iba't – ibang ingay na inyong maririnig gabi gabi mga pagpalahaw at kakaibang tunog ng nanggagaling sa iisang lugar lamang. Ang lugar kung saan namatay ang dalagang nag ngangalang Santina , lingid sa kaalaman ng lahat at naroon din sa lugar na iyon ang binatang si cody,

"buhay para sa buhay, lahat ng kinuha ay babawiing muli, sa inyong pamamalaam , isang buhay ay muling magbabalik " mga katagang paulit ulit na binibigkas ng binata.

Sunod-sunod na araw ang nagdaan at tila paulit ulit ang mga pangyayari at napukaw nito ang atensyong ng mga tao. Ngunit hanggang ngayon at tila paisipan sa kanila kung saan o sino ang may gawa. Muli nanamang nagimbal ang mga tao sapagkat may isa nanamang bangkay ang kanilang nakita , ngunit ibang parte muli ng katawan ng tao ang nawawala, sa di kalayuan ay nagmamasid ang isang pares ng mata na tila nasisiyahan sa kanyang nakita.

"buhay para sa buhay, kaunting paghihintay na lamang aking sinta muli na tayong magsasama" usal nito

At muli itong nagbalik sa lugar kung saan nagsimula ang wakas, at nagwawakas ang simula. Ang lugar kung saan walang awang nilapstangan ay pinatay ang kanyang kasintahan ,ang lugar ng paghuhukom para sa mga makasalanang nilalang.

Naulit ng naulit ang mga karumaldumal na pagpatay at tila nahihiwaagan na ang mga tao dahil walang humpay ang kaganapan sa bayan nila. Ngunit tila hindi ito alantana ni cody at mayroon nanaman itong biktima.

" kamusta ginoo? Handa ka na bang matunghayang ang wakas? – usal ng binata

Puro pagpalahaw lang ang nagging tugon nito sakanya, bakas sa mga palahaw nito ang labis na paghihirap dahil sa kanyang mga natamo, mga sugat na halos Makita na ang kanyang lamang loob, mga hampas ng tubo na bakat sa kanyang katawan at ang sugat na halos umubos sa kanyang dugo, ang putol nitong mga binti . ngunit tila nasisisyahan pa si cody sa kanyang naririnig at nakikita.

"aking mahal kaunting pagtitiis nalang ay muli na tayong magkakasama, dalawang huling alay na lamang" usal ng binata sa walang buhay na katawan ng kanyang kasintahan.

"buhay para sa buhay, lahat ng kinuha ay babawiing muli, sa inyong pamamalaam , isang buhay ay muling magbabalik

"buhay para sa buhay, lahat ng kinuha ay babawiing muli, sa inyong pamamalaam , isang buhay ay muling magbabalik "

"buhay para sa buhay, lahat ng kinuha ay babawiing muli, sa inyong pamamalaam , isang buhay ay muling magbabalik "

Mga katagang paulit ulit na binibigkas ng binata na tila wala na sa sarili. Naalarma na ang mga alagad ng batas at tinunton ang pinagmulan ng mga krimeng hindi maipaliwanag, ngunit bago pa man nila ito matunton ay nakumpleto na ni Cody ang mga alay na kinakailangan nito.

Huling gabi ng pag aalay, at muli ng magbabalik ang buhay na nawala, buhay para sa buhay na kinuha. Yan ang kasunduang pinanghawakan ni Cody para sa kanyang kasintahan. Tahimik ang gabi ngunit binulabog ito ng ingay na nagmumula sa isang bagay na tila unti unting dinudurog , lingid sa kaalaman ng lahat ay nagaganap na ang huling pag aalay .

Mga tunog ng kahoy at butong unti unting nadudurog, mga tunog ng pag agos ng sariwang dugo, pagkasawak ng balat at paghila ng lamang loob , mga tunog na nagmumula sa mga uwak na nag aabang , nag aabang ng panibagong lamang pagsasaluhan.

Isang malalim na gabi at tahimik ang kapaligiran, taimting inuusal ni cody ang mga salitang ito;

"buhay para sa buhay, lahat ng kinuha ay babawiing muli, sa inyong pamamalaam , isang buhay ay muling magbabalik "

"Sa bilang na tatlo buhay mo'y muling magbabalik , katawang nilisan ay iyong babalikan, buhay na nasayang muling ibabalik" ilan pa sa katagang binanggit nito.

Mga ilang ulit pang inulit ni Cody ang kanyang mga inusal , at maya maya ay tila nagising si Santina sa mahabang pag kakatulog. Mga mata'y naga-alab sa galit ngunit bakas ang kasiyahan dahil sa kanyang pagbabalik. Walang kahit anong salita ang halos mabigkas ng magkasintahan dahil sa kanilang tagumpay ngunit tila may bumabagabag kay Santina, at ito ay ang paghahanap pa sa iba pang tao na lumapastangan sakanya, tila naintindihan naman ng binata ang iniisip ng dalaga, sabay silang kumuha ng matatalim na bagay at nagtatakbo sa gubat.

Kinabukasan sa paggagalugad ay nahanap ng mga kapulisan ang bangkay, nakakasulaok na itsura at amoy ng bangkay ang kanilang nadatnan, mga bakas ng natuyong dugo at naiwan ngunti walang bakas na naiwan mula sa magkasintahan. Kahit anong paghahanap ay di na ito matagpuan, maliban sa isang pirasong papel na nag iiwan ng mga salitang " Ano mang inutang ay pagbabayaran, buhay para sa buhay, dugo para sa dugo at kaluluwa para sa kaluluwa".

Hanggang ngayon ay nag-iwan ito ng takot at pangamba sa mga taong bayan, walang nakakalam kung nasaan ang magkasintahan, maaring nariyan sa malapit at nag hahanap ng susunod..

wakas

BUHAY PARA SA BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon