Chapter 19: M.U.

3.3K 55 10
                                    

Alice's POV

Since that I'm 100% sure na hindi ko makaka-first dance si Dylan, inaya ko nalang si Raphael na siya ang maka-first dance ko. Wala namang masama doon dahil best friend ko naman siya. Pumayag naman siya. Pero syempre bago niya ako isayaw, isasayaw daw muna niya si Jazelle. Pumayag din naman ako kasi nga crush niya 'yon, e.

Buti pa nga siya, ang swerte niya sa love life. Habang ako naman itong umaasa tapos sa huli, nasasaktan. Ganito ba talaga ako kamalas pagdating sa love? Hay.

Back to reality. Nakaupo kaming lahat sa gilid ng gym habang nakikinig sa mga instructions ng teachers namin.

Bukod pa sa processional, may ipinaalam din sa amin ang mga teachers namin na may mga proper ways para sumayaw ng slow dance kapag dumating na 'yong oras na bubuksan na ang ballroom floor sa prom.

May tinawag na mga ilang grade 12 students para i-demonstrate kung ano ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa na estudyante ang magpakita ng demo kung pwede namang teachers nalang. Pero sa tingin ko'y this may also be they're way to make things lively na rin since na bo-bored na rin kami kaka-practice ng processional.

"May I call on Dylan and Colleen to proceed to the center of the gym." naghiyawan nang malakas ang buong grade 12 students.

Hindi ko naman maalis yung tingin ko sa kanilang dalawa habang papunta sila sa gitna ng gym. Naghihiyawan pa rin yung mga grade 12 students sa kanila. Grabe. Ganito ba talaga sila nahuhumaling sa kanilang dalawa? May namamagitan ba sa kanilang dalawa kaya kilig na kilig 'yong mga ka-batch nila sa kanila?

"Grabe talaga ang chemistry ng dalawang 'yan." narinig kong sabi no'ng kaklase ko sa katabi niya.

"Oo nga. Ang rinig ko mag-M.U. daw sila." sabi naman no'ng katabi niya.

What?! Mag-M.U. sila?!

"Talaga? Kaya naman pala kinikilig sila sa kanilang dalawa."

Nabigla ako sa narinig ko. Kaya naman pala. Parang nawawalan na ako ng lakas ng loob na lumapit kay Dylan. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit binubully ng mga kaibigan ni Colleen si Irene. Pero parang sobra naman 'yong ginagawa nilang pambubully?

Siguro gustong-gusto lang talaga nila sina Dylan at Colleen para sa isa't isa.

Hindi man lang sinabi sa'kin ni Camylle ang tungkol dito. Hindi niya rin siguro alam.

Naalala ko tuloy 'yong mga times na magkasama kami ni Dylan. Ang bait-bait niya sa'kin kaya inisip ko tuloy na may gusto rin siya sa'kin. 'Yon pala nag-i-ilusyon lang ako. Sa sobrang bait niya sa'kin para talaga siyang pa-fall na hindi.

Hindi kaya masyado lang akong nag-o-over think or sadyang mabait lang talaga siya? Nakaka-depressed tuloy.

Hay. Heto na naman ako. Nasasaktan dahil umasa ako.  

"First, the girl must place her left hand on the boy's shoulder and the boy's right hand is placed on the girl's waist. While their other free hand is clasped onto each other. Like this." sabi no'ng isang teacher habang pinapakita naman no'ng mga nasa gitna 'yong demo.

Mayamaya lang bigla nalang silang nagpatugtog ng Beautiful Girl. Naghiyawan na naman tuloy ang mga grade 12 students.

"And of course! Hindi lang mga grade 12 students. Syempre, some representatives from the grade 11 ay magpapakita din ng demo for us!" sabi ni Mr. Ken.

Mga grade 11 students naman ngayon ang naghiyawan sa kilig. Pinatabi muna sa gilid ang mga grade 12 students na nagpakita ng demo sa gitna. Tapos, nagtawag naman si Mr. Ken ng mga grade 11 student na magpe-present ng demo sa gitna.

Something Tells Me I'm Falling in Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon