CJ' POV
First day ko pa man din ngayon sa Uni mukhang mali-late pa ako. Kaloka naman kasi si ninong Andoy hindi man lang ako ginising. 'Di bale sa shortcut nalang ako dadaan para sa likod ng campus na ako pumasok mas mabilis yun ng mga 10 minutes. Freshman palang ako sa kurso kong Business Management. Ang demanding kasi ng nagbigay ng scholarship sa akin. Kasama sa kondisyon ang mag-aral ako sa Estrella University. Hindi ko nga alam kung paano nawagan ng paraan yun dahil sa pagkakaalam ko tanging mayayaman lang ang pwede sa school na yun at wala silang scholarship grant. Basta confidential ang files ko at tanging ang Dean lang at ang Sponsor ko ang nakakaalam ng totoo. Hindi ko nga personal na kilala ang sponsor ko dahil tanging abogado lang ang pinapadala nya lagi pero kilala naman siya ng mga madre kaya tiwala ako sa kanya.
Hay naku. Ito na ba yung sinasabi no innong na iwasan kong dumaan sa iskinitang to? Hindi ko talaga alam kung may kamalasan ako now o swerte maituturing ang makadaan ako sa iskinitang to habang may isang lalaking pinagtutulungan ang limang mukhang gangster. Uso ba yun sa mayayamang nilalang? Sa eskuater kasi masagulero, magnanakaw at adik lang ang uso e. So ayun na nga naglakad lang ako ng kalmado sa kabilang parte ng eskinita para hindi nila ako mapansin. Saktong panglingon naman ng isang trying hard gangster na hiphop.
"Boss, may tao." Biglang sabi nito naabahagyang nanlaki ang mata ng makita ako.
"Sorry po. Mga sir, makikiraan lang po ako malapit na kasi ako ma-late sa klase. Fisrt day pa din." Pasintabi ko sa kanila. "Wala po akong nakita at narinig. Promise. Dadaan lang ho talaga ako." Dagdag ko pa pero medyo kinakabahan na ako ng biglang lumingon ang tinawag na boss.
"Miss, pasensya na din hindi ka namin pwedeng paalisin baka isumbong mo kami mahirap na." Sagot naman nung boss sabay senyas sa dalawang kasama para harangin ako.
Napatingin ako sa relo ko nang palapit na sila. Hay, sampong minuto nalang ang merun ako malayo layo pa ang tatakbuhin ko. Confirmed. Malas talaga ako today. Bahala na this. Binato ko ng bag na dala ko sa isang palapit sa akin sabay sipa sa yaman ng isa pa.
Lord, patawad nananakit na naman ako pero gaya ng dati nagipit lang po. Sorry na agad agad.
"Puta. Sugurin nyo!" Sigaw ulit ng boss ng makabawi sa gulat. Sabay ulit na sumugod ang dalawa pa. At dahil wala na akong time, sinalubong ko na. Kaliwa't kanang suntok ang pinakawalan ko hanggabg sa mapatulog ko ng tuluyan ang apat. Paglingon ko tulog na din ang boss nila at masamang tingin naman ang sumalubong sa akin mula doon sa lalaking nabugbog. Pero dahil wala na talaga akong time, pinulot ko nalang ang bag ko sabay takbo.
Good morning, Lord. Good morning, world. This is Claire Janelle "CJ" Fuentes, 18 years of age. Freshman student of BS Business Management in Estrella University at late sa kkayang first day. Hay life. What to do? Di bale, bawi nalang bukas, di ba Lord? Apir tau jan. Pero Up here talaga yun. 😂