Kabanata 01

2 0 0
                                    

Tik~Tok~Tik~Tok (alarm clock)

Ahm...

Good morning,self. Good morning,world.

Masaya akong pumunta sa banyo at ginawa na ang dapat gawin pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit. Over-size Tshirt at Short shorts.

Naabutan ko naman sa kusina si Nanay Levie.

"Good Morning, Nay Levie." Masaya kong bati rito. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Oh napaaga ka yata ng gising? Himala ata" sabi nito at inilagay sa plato ang ulam na niluto.

"Wala naman po akong ginawa kagabi nay eh kaya siguro maaga akong nagising at tsaka nay! Diba bukas na po ako mage-eighteen."
natigilan naman agad si nanay sa sinabi ko may nasabi ba akong mali?

"Nak may sasabihin ako sayo" seryoso nitong ani at saka tinanggal ang apron na suot suot nito.

"Ano po iyon, nay" ano na naman kayang sasabihin ni nanay?

"Gusto mo ba'ng makalipat ng paaralan may alam ako. Libre lahat plus may monthly allowance pa." Nagningning naman bigla ang mga mata ko. Waaahh may ganun ba'ng Paaralan? Ano kayang ganap bakit libre lahat ng gastos?

"T-talaga nay? Hindi ka nagbibiro?" Paninigurado ko.

"Mukha ba  akong nagbibiro?" napafacepalm naman ito.-.-

Sabi ko nga hindi siya nagbibiro.

"Eh bakit po ganun? Libre? Sigurado? Eh sa pagkakaalam ko wala namang paaralan na libre diba?" Pero di bale nalang I will take this opportunity. Para makatulong na rin ako kay nanay.

Ding~Dong~Ding~Dong...

" Ako na magbubukas. Asikusahin mo muna itong mga pinggan." Presenta ni nanay at saka pumunta sa pintuan at binuksan ito.

Hindi ko na narinig pa ang usapan nila dahil ginawa ko na ang ipinaguutos niya.

"Yssa! pumunta ka muna rito saglit" rinig kung sigaw ni nanay mula sa sala. Eh?

Pumunta naman ako doon at saka nakita ko ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap ni nanay. Ayt hindi naman nagsabi si nanay na lalaki pala ang bisita nakapag-ayos sa na ako.
Pout>3<.

*bam

Araykopo.

"Aray ko naman,nay. Masakit kaya" angal ko
narinig ko namang tumawa ng mahina yung lalaking may kulay abo ang buhok.

"Tumigil ka nga Yssa pinapaandar mo na naman yang pagka-isip bata mo. Matuto ka ngang mag-seryoso dahil hindi sa lahat ng bagay madadala mo ang pagiging isip bata mo." Araykopo ang lalim naman ata ng hugot ni nanay. Saan kaya niya yan nakuha?

"Ano nga pala ang sadya niyo rito mga iho? At nag-abala pa talaga kayong pumunta?" Mahinahong saad ni Nanay.

"Talagang sinadya po naming pumunta rito para sunduin si Yssa."magalang na sabi naman nung kulay black yung buhok. Napansin ko naman sa gilid yung kulay pula na animo'y walang emosyon ang mga mukha. Gwapo. Erase-erase.

Ay ano ba 'tong pumapasok sa utak ko.

Napatango-tango naman si nanay at lumingon sa akin.

"Sige na't mag empake ka na dun." tumango naman ako at saka pumunta sa kwarto.

Hayyy ano na kayang mangyayari sa buhay ko kapag papasok ako sa bagong eskwelahan ko siguro mayaman ang may-ari nun ay di bale na  nga.

•••
A/N

Sana nagustuhan niyo. Salamat pala sa mga bumasa at nagbabasa. (Kungmeronman) <.<
Sorry for the grammatical errors at Typos baguhan lang po ako. Kaya expected na po ang pagkakamali.

Questions:

Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ni Yssa pagkapasok niya sa Academy?

Sino kaya yung tatlong lalaki?

Sino kaya ang nakakuha sa atensyon niya?

Ano kaya ang mga role ng tatlong lalaki?

Yan lang po muna. Enjoy Reading :)

Magia Academy : School Of MagicWhere stories live. Discover now