GURO

4 0 0
                                    

Ayoko na
Suko na...
Ayoko ng makinig
Ayoko ng magsulat maghapon
Ayoko ng maupo 
ayoko ng yumuko
at ititig ang mga mata sa isang mistulang kahon
yan ang mga linya
na nais ibulong ng bawat hininga...

subalit dumating
dumating ang pagkakataon
na ang mga linyang iyan ay malapit ko ng itapon

ngayon akoy naririto
naglalakad patungo
sa entablado
entablado kung saan masisilayan
ng lahat ang bunga ng aking pagkatuto

Subalit biglang pumukaw
mga ala alang nagpatanaw

kagabi ay mistulang
nilalamon ng Liwanag at dilim
subalit mas nanaig ang dilim

doon
doon ko nakita
ang isang bata
isang batang nagwawala
doon nakita ko
ang dating ako...

Ayoko ng magdamo
ayoko
ayoko
ano bang mapapala ko
pagka't dyaan ay hindi ako matututo
ito ba ang ipinapasok ko
at binabayaran ng magulang ko
sana pala nasa bahay nalang ako
at doon magdamo...

Ayoko na Ayoko ng magsulat
mga pamagat
mahahabang alamat

na walang kinalaman
sa mga kaalamang nais malaman

yan ang mga guro
mga guro
na nakilala ko
nakasalamuha ko
binabayaran ng gobyerno
pero walang maituro

papasok ng huli
mauuna pa ang estudyante
magsasalita sa nakakarami
upang ang sariling mali
ay maikubli

ganyan ang nakilala ko
ganyan ang naranasan ko

proyekto proyekto
na may  bulaklak na disenyo
tiyak ang marka mo
ay magiging uno..

Paborito Paborito
isang himas mo
isang hi! mo
sunod sa utos ko
tiyak mataas ang grado
kahit na ang naghirap ay ang matalino
kahit na ang dehado
ay ang nagpuyat
naglagas ng balbas
at nagtiis hindi magahit ng kilay
para sa maraming tama
na nais makamtan...

sa bigayan ng grado
pilitin mo
ubligahin mo
na may maiabot ka
na kanyang paborito
na magpapaalala
na magbababababala
na hindi ka nya
pedeng isingko
dahil meron kang
pakunswelo...

matapos makita ang mga ala ala
doon naglaho
ang dilim
at ang nagpakita
ay isang liwanag

liwanag na nagpapakita
ng isang
nagpapakadalubhasang maging guro
sa kolehiyo

nakatayo na parang edukado
nakaharap sa mga bata
mga batang bakas na bakas
ang tuwa
tuwa at pagkatuto
mula sa taong
sa harapan nila ay nakatayo

na nagbibigay ng halimabawa
aral
at nagsisilbing mabuting ehemplo...

doon nakita ko
nabago pala ako
nabago ang pananaw ko

Ang guro na dating sa klase
ay nahuli
ay may ipinaphotocopy
at binili
na kanyang gagamitin
sa aming klase

Na ang dating guro
na apura ang padamo
na nais lang palang kami ay matuto
na sa kalikasan ay magbigay respeto

Na ang dating guro na puro pasulat
nais lang palang kami ay laging magbuklat
ng kwaderno at aklat

upang sa isip ay makintal
ang kaalaman na historikal

Na ang guro na malapit
sa iba sa amin
ay gustong maiparamdam
ang pagiging magulang
sa aking kamagaral
na nangungulila
sa pagmamahal
ng magulang at pangaral...

doon naintindihan
at lubos na naunawaan

dahil ngayon ay akin ng pinagdaanan
ang maging isang guro
ay hindi biro

maghapong nakatayo
nakikipagbuno

at pagsapit ng gabi
sa anak ay makikipaglaro
at pagsapit ng ilang minuto
para sa kinabukasang plano
ang kaniyang tungo..

nakakasakit isipin
na kung kailan
ko palang naranasan
ay tsaka ko lamang naintindihan
at lubos na naunawaan

sana ay hindi pa huli ang lahat
para sa mga magaaral
na ang ating mga guro
ay mahalin na parang ating Ilaw ng tahanan
sundin na parang haligi ng tahanan
unawain na parang isang kapatid
at higit sa lahat

ay igalang na parang isang bayang sinilangan

doon ang ala ala ay nagwakas
mga paa ko ay nagpatuloy kumalas
sa sahig na aking
matagal na nakatayuan

at nagpatuloy sa taas ng entablado
at inabot ang tagumpay ko
kasabay ng palakpak ng mga tao...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon