Episode 10

994 68 4
                                    

Episode 10

KYRIE

Malakas na inilapag ni Reynald ang isang malaking mapa sa desk ko't tinuro ang naka-mark na X. "Pupunta tayo diyan sa sinasabi nilang deep cave this School Outing! Walang aatras, ah?" Hamon niya at tiningnan isa-isa ang mga kasamahan ko sa grupong pinili ng adviser namin. 

Nagbuga ako ng hininga. Hindi talaga ako interesado sa mga ganitong bagay. As usual, they're going to invite everyone to make fun of them, at para na rin takutin ang mga sarili nila. Though it's not a bad thing since minsan lang naman ito mangyari sa school life ko, sulitin na dapat.

Muli akong napabuntong-hininga noong kalabitin ako ni Reynald. "Ano, Kyrie? Tara?" Invite niya sa akin at nginisihan ako, hinihintay ang aking pagpayag. 

"Ngh." Para namang may magagawa ako. Gusto ko sanang hindi sumali pero baka mamaya, isipin pa ng mga kasamahan ko na ang Killjoy ko. 
Ngumiti na lang ako, senyales ng pagpayag kaya hindi naman iyon inaasahan ni Reynald at parang nanalo sa jackpot kung magtatatalon sa tuwa.  

Kaso sa sobrang saya niya, natapakan niya 'yong sarili niyang sintas dahilan para masubsob siya sa simento. Pinagtawanan tuloy siya ng mga kaklase ko. What are you doing?

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko kung nasaan si Kairi na nakikipag-usap ngayon sa iba pa naming kaklase.
Subalit makalipas ang ilang sandali ay sinulyapan niya ako't laking gulat noong mapagtantong nakatingin din ako sa kanya. I was about to wave at her when she suddenly averted her eyes.

Hindi ko na lamang naipagpatuloy ang gagawin kong pagkaway. Hala?

*** 

NAG RING na ang bell kaya ibig sabihin ay kainan na-- lunch time.
Tumayo na ako at lalabas na sana noong pumukaw sa atensiyon ko 'yung babaeng na sa pintuan. Lumilinga-linga siya na animo'y may hinahanap, hanggang sa mapahinto ang tingin niya sa akin. "(Kayri)!" Tiningnan ko naman si Kairi na nakatingin din doon sa babaeng tumawag, 'tapos ay ibinalik ko ulit ang tingin sa tumawag na estudyante para ituro ang aking sarili. 

Ako ba tinatawag niya?

Dali-dali siyang pumasok sa classroom at nilapitan ako para kaladkarin ako sa kung saan. Nagtataka na nagpahila ay sinilip ko naman ang mukha niya. "Uhm...?"
Lumingon siya sa akin pagkatapos ay napabitaw when she realized that she's already dragging me without any particular explanations.

"S-Sorry. Na-overwhelm lang ako."

Tumango lang ako kahit hindi ko pa rin alam kung ba't niya ako hinila. 
May ganitong tao pa rin pala na mahilig mangaladkad, ano? "Who are you? Saan mo ba 'ko balak dalhin?" Hindi naman pabalang 'yung tanong ko, 'di ba? 

Ngumiti naman siya kung saan nakikita ko ang malalim na paglubog ng dimples sa kanyang pisngi. Gender bender yata ito ni Alden Richards.

"I'm Dimples Shiver, current vice-president of SSG. (School Security Group) Dadalhin sana kita sa meeting room gaya ng napag-usapan." Tumaas ang kilay ko't umatras. What is she talking about?
Gaya ko ay tumaas din ang kilay niya. "Bakit parang wala kang ideya?" Naguguluhan nitong tanong kaya mas kumunot-noo ako. 

Nagkibit-balikat ako. "Because I really have no idea." sagot ko naman. Halos malaglag naman ang panga niya.

"Seryoso?!" hindi makapaniwalang reaksiyon niya kaya pumukaw ang atensiyon ng estudyante sa amin. Lumingon-lingon naman ako. Na sa 'min lahat nung mata! Nakakahiya!
"Akala ko kasi kinausap ka na ng isang member ng SSG. Napag-- sabi ko nga doon tayo sa meeting room." Muli nanaman niyang hinawakan ang kamay ko upang hilahin.

***

NAKANGANGA LAMANG ako habang tinatapos ni Dimples ang paliwanag niya kaya rin ako nandito sa meeting room. "As the vice-president, it is my responsibility to look for a person who could handle the whole department. That's why we decided to approach--" Tumayo ako dahilan para mapatigil siya.

Ngumiti ako ng pilit. "Thank you, it'll be a good opportunity to accept this offer but," Napatingin na ang miyembro ng SSG sa akin. "I can't do it." Dagdag ko dahilan para mas makuha ko ang atensiyon ng lahat. They want me to be the next president of SSG after Keth Nua-- the former president of St. Matthew University of College. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon