soundtrack:
sorry na - parokya ni edgar———————————————
"Seok! Seok!"
Sigaw ni Seungyoun pagkababa nila ng stage. Patuloy lang sa paglalakad si Wooseok at inakbayan si Hyeongjun.
"Okay ka lang Kuya?" Tanong ni Hyeongjun sa tila lugmok na mukha ni Wooseok. Ngumiti ng bahagya si Wooseok at tumango.
Nakarating na sila sa dressing room at nahuling pumasok si Seungyoun na hinahanap pa rin ng mga mata si Wooseok. Nakita niya itong nasa sofa katabi ni Hyeongjun. Nakayakap si Wooseok kay Hyeongjun at nakapikit. Pagod na pagod siguro naisip ni Seungyoun.
Lumapit si Seungyoun sakanila at tinabihan si Wooseok.
"Seok." Tawag niya at tinusok ang braso nito.
"Shoo! shoo!" Pagtataboy ni Hyeongjun kay Seungyoun.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Seungyoun.
Hindi sumagot si Hyeongjun. Kahit hindi sinabi ni Wooseok ang dahilan kung bakit para siyang binagsakan ng langit at lupa ay nagets agad yon ni Hyeongjun. Madalas kasi after ng performances nila hyper pa rin si Wooseok. Ngayon lang hindi. Kaya yung iba nakatingin na din sakanila at tila naghihintay ng rason kung bakit lugmok na lugmok ang makulit nilang pusa.
"Ano nanamang ginawa mo Kuya Seungyoun?" Tanong ni Dongpyo.
Naalala nilang lahat yung pagtatampo ni Wooseok dati dahil lumipat ng upuan si Seungyoun sa bus at hindi na sila magkatabi. Ang rason naman ni Seungyoun ay para makapagpahinga ng payapa si Wooseok sa byahe dahil ang ingay nila lagi.
Gulat at nagtataka naman ang mukha ni Seungyoun. Insert Bobbie's "Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" here.
"Ay pucha gets ko na." Sambit ni Yohan. "Wooseok lika dito! Hug nalang kita!"
"Ay gago! Gets ko na din." Hangyul's sudden realization. "Gago kayo." Sabay tingin niya kay Seungyoun at Seungwoo.
"Language Kuya Hangyul!" Sigaw ni Dohyon.
Agad namang nagsorry si Hangyul.
"Guys!" Bigla namang dumating ang Manager nila. "Magshower na kayo tapos may buffet sa kabilang room. After niyo kumain pwede na din tayong bumalik sa hotel."
"Okay po!" Sagot nilang lahat.
"Tara! Buffet!" Tumayo si Dohyon at naghila ng mga kasama.
"Hoy Dohyon! Sabi mag-shower muna!" Saad ni Hangyul.
"Gutom na ko! Walang shower shower diba Kuya Minhee?" Sinamaan naman ng tingin ni Minhee si Dohyon at nagtawanan sila.
Pumunta na sa buffet sina Dohyon, Minhee at Eunsang. Si Dongpyo at Junho naman ay magshoshower daw muna.
BINABASA MO ANG
x1 drabbles
Fanfictiondrabbles and one shots feat. x1! i suck at completing stories so i guess i'll dump random scenarios here to also help me with my writer's block.