The Jeep (ONE SHOT)

49 0 0
                                    

Hi ako si Mae. Jeep ang paborito kong sasakyan dahil nasa harap ng eskwelahan, hindi mo na kailangang pang pumara kasi nakatambay na dun, naghihintay ng pasahero.

Ang bus kasi maglalakad pa kami lampas ng crossing. Ang layu layu, tapos mainit pa. Kaya mag jeejeep na lang ako.

Meron isang lalaki na lagi ko kasabay sa jeep, ang pangalan niya Mark. Gwapo, matangkad, at popular sa eskwelahan namin. Palagi siyang nakangiti sa kin kapag kasabay ko siya. Hindi ko naman binibigyan ng istorya un kasi mabait siya. Sa barangay namin, paborito siya ng mga matatanda.

Ako naman, hindi ako masyado lumalabas sa bahay kasi loner ako. Walang kaibigan. Ang tanging sandal ko lang ang laptop ko, with internet. Wala na akong hinihingi na iba. Basta meron akong laptop. Hilig ko kasi manuod ng korean drama. Un lang ang tanging kailangan ko. Kunin mo na lahat sa kin wag lang ang laptop at internet.

Sa jeep, katabi ko si Mark. Hindi ako madaldal. Silent type ako. Kakausapin ko sila kapag kinausap ko. Palagi ako kinakausap ni Mark. ung Kamusta ung pag-aaral ko. Basta kahit ano. Kung kasama ko siya parang nakapa gaan ng pakiramdam ko.

Habang nagdridrive kami, mabilis magpatakbo ang jeep. Palagi kong nasasakyang itong jeep na to. Talagang matulin kung mag patakbo. Habang nasa kalagitnaan ng highway. Hindi namin inaasahan ito. Meron bumangga sa likod ng jeep, isang 10 wheeler truck. Naitulak kami ng husto. Halos lahat ng sasakyan na nasa harap namin. Nahagip din ng truck. Nakaupo kami sa likod. Yakap yakap ako ni Mark. Pagkatapos ng aksidente, nagising na lang ako sa ospital. Himalang buhay pa ako. Fracture sa  legs ko at mga galos ang natamo ko. Napaluha ako ng sobra dahil nagpapasalamat akong buhay pa ako. Naalala ko si Mark. Tinanong ko ung nurse. Sabi niya patay na daw si Mark. Lumuha ako ng sobra, dahil siya ang nagsagip sa kin..

Iyak ako ng Iyak dahil nakokonsensya ako dahil ako ang nabuhay, hindi si Mark. Bakit niya ako sinagip? Bakit di niya na lang ako binuhay at sinagip na lang niya ang kanyang sarili? Lagi ito ang mga tanong ko.

Pagkatapos ng ilang buwan, magaling na ako. Pinasyalan ko si Mark sa sementeryo. At dun umiyak ulit ako. Paulit ulit kong tinanong sa kanya ito. At hindi ito masasagot kailanman.

Paguwi ko sa bahay. May binigay sakin ung nanay ni Mark. Isang diary. Sabi niya dapat mabasa ko daw ito.

Binuklat ko ng diary at sinimulan ko ng basahin.

Sept. 13, 2012

Nakasabay ko ulit si Mae. Nangitian ko siya ngayon pero as usual hindi siya ngumiti sakin. Alam kong hindi siya masyado ngumingiti pero sana kahit isang beses ngumiti manlang siya sa akin. Alam mo meron akong tinatago na di ko pa nasasabi sa kanya. Mahal ko siya, noon pang bata pa kami. Hindi manlang niya nahahalata. Alangan manhid yun eh. Hindi masyado nakikisocialize. Kahit pansin pa ako ng pansin, di niya nahahalata. Sana isang araw masabi ko sa kanya.......

Habang binabasa ko ito, lumuha ulit ako. Bakit di ko manlang naramdaman iyon?

---- THE END!

nakapamadrama yun ah? Nagustuha niyo ba? Kung oo, I - VOTE niyo!

COMMENT  din kayo kung ano ung masasabi niyo sa kwento ko.

thanks guys!!!

FICTION to! hindi makatotohanan! :)

The Jeep (ONE SHOT)Where stories live. Discover now