Featuring: Ebe Dancel
Ebe:
Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib
Gloc 9:
Simula pa no’ng bata pa ako,
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito,
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko’y pulang pulang pula,
Sa bubble gum na sinaba
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili “ano’ng panama nila”
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako’y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pikit matang bulol.
Ebe:
Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala ‘to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko’y iba,
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
“tama nanaman itay, di napo ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako’y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat