Too Late

353 14 7
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang pangalang naka-ukit sa puntod ng lalaking ngayon ko lang minahal nang mawala sya sa mundong ito.

He is Jonas Buenafe, an ugly guy. Kaya hindi ko kaagad napansin ang nararamdaman ko para sa kanya. Binalewala ko sya at kung kailan narealize kong mahal ko pala sya, huli na ang lahat.

This is the start...







I was walking home alone at 10:30 na ng gabi. Hindi ko maiwasang kabahan kasi sa buong buhay ko ay ngayon lang ako makaka-uwi ng ganitong oras at nang nag-iisa.

Nasanay na kasi akong hinahatid sundo ng Daddy ko. Pero ngayon ay nasa States ito with Mom para daw magkapag bonding naman silang dalawa. Kaya nakakapanibago na ako lang mag-isang uuwi. Lalo pa't may secret admirer ako.

This past three months, nagsimula akong makatanggap ng mga love letter, chocolates and flowers. I don't even bothered to tell this to my parents kasi malaki na naman ako eh.

Anyway, I am Felicity Jimenez.  24 years old, and I'm single. Pero may nanliligaw sakin na handa ko ng sagutin sa araw mismo ng birthday nito which is eight months from now.

So I don't bothered myself na kilalanin ang secret admirer ko. Isa pa, wala akong tiwala sa ganoong klase ng mga tao. Why they don't just revealed their face, hindi iyong itatago pa nila ang pagkatao nila. Maybe may dark secret sila kaya ganoon, kaya hindi ko sila pagkakatiwalaan.

Napangiti ako nang may humintong taxi sa harapan ko. At nung aabutin ko  na sana ang hawakan ng pinto ay nagring ang phone ko kaya mas inuna ko iyong sagutin kesa buksan ang pinto.

Pero ganun nalang ang pagbuka ng bibig ko nang  humarurot paalis ang taxi. Bastos lang Manong driver? Sasakay pa ako eh.

"Hello?" I greeted to the caller.

(Hi) he respond.

He is a guy at ngayon ko lang narinig ang baritonong boses nya. But I admit na magandang pakinggan ang boses nyang baritone.

"Who are you?"

(It's JB) mabilis akong natigilan at natahimik.

Naalala ko lahat ng love letter ng secret admirer ko, puro from JB ang nakalagay. So he is my secret admirer? Bakit ngayon lang sya tumawag sa loob ng tatlong buwan, dahil ba sa wala akong makakasama sa loob ng two months? What a creep!

"Don't call again!" I shouted at ibababa ko na sana ang phone ko nang magsalita itong muli.

(Sandali! Alam kong natatakot ka sakin, and I understand you. Pero maniwala ka, mabuti akong tao at wala akong balak na masama sayo)

"I don't believe you! Hindi ko nga alam kung gusto mo ba talaga ako o kung may kailangan kalang"

(Kailangan?)

"Yeah. Like sex, money at kung ano-ano pa na maaaring wala sayo. Kayo back off!" after that, I ended the call.

Naglakad nalang ulit ako patungo sa mismong sakayan ng taxi. Pero hindi pa ako nakakarating sa dapat kong puntahan ay may humigit na sa kamay ko at dinala ako sa madilim na eskinita.

The h*ll, who is this guy at anong balak nyang gawin sakin? Kidnapped me, holdup me, rape me or kill me? Hwag naman sana. Madami pa akong pangarap sa buhay.

"Kuya, pakawalan mo ako!"

"Mamaya na Miss, magpapa-init lang ako" sagot ng boses matanda na lalaki bago dinilaan ang sariling labi. Yuck.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng bonet. I need to run bago pa nito matuloy ang masama nyang balak sakin. Hindi pa ako ready na ma-unvirginize lalo na ng isang tulad nya.

Too late (Short Story)Where stories live. Discover now