AN: First story ko ito kaya libre mag judge para mas marami pa malalaman ko :)
XOXO ~
------------------
Third Person P.O.V
Habang abala ang guro nila Jarls Kian at Ezrah Feir palihim ang dalawang batang nakatitig sa relos ng paaralan na nakasabit sa taas ng pintuan dahil gustong gusto na nilang mag laro at magkainan sa paborito nilang lugar, ang tree house na gawa ng mga ama nila.
"Ayan na ayan na Ezih malapit na tumapat" Bulong ni Kian kay Ezrah pero hindi niya pinansin ang batang lalaki dahil titig na titig ito sa relos
"7 6 5 4 3 2 1 yeheyyy! labasan na!!!!" sigaw nilang dalawa dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman nila, nagulat ang mga kaklase ng dalawa maging ang guro nila na pinipigil ang inis dahil sa kakulitan nilang dalawa pero wala na rin ito nagawa dahil tumunog na din ang bell
"Ezrah and Kian, sa susunod wag niyo na yun gagawin ah makakauwi naman kayo masyado kayong excited kayong dalawa lang naman lagi magkasama" Paalala ng guro bago lumabas at tumango nalang ang dalawa at tumakbo para makalabas na
Pero dahil mahina ang katawan ni Kian mas nauuna si Ezrah sa kaniya na tumakbo kaya walang magawa si Kian kung hindi magpahintay sa kaibigan "Ezih saglit lang hinihingal nako magpahinga muna tayo saglit" saad ni Kian pero kanina pa pala nakahinto si Ezrah at nakatitig sa puno ng cherry bloosom saglit na natahimik si Kian at tinitigan ang kaibigan hanggang magsalita ito
"Kian .. "
"Hmm bakit? ano tinitingnan mo diyan sa puno ng cherry bloosom?"
"Sa tingin mo, makaparehas lang ba ng bilis ng pagbaksak ang cherry bloosom at snow?"
Napaisip din ang batang lalaki dahil sa tala ng buhay niya hindi naman siya nagiisip ng ganon at hindi pa naman siya nakakakita ng snow
"Hindi ko alam di pako nakakakita ng snow eh sa TV palang kasi di pa naman ang iisnow dito" sagot nito kay Ezrah
"Nabasa ko sa libro na pinahiram sakin ni Hannah yung bilis daw ng pag baksak ng bulaklak ng cherry bloosom ay 5 Centimeters per seconds, ang bilis diba?" paliwanag ni Ezrah kay Kian na nakalahad sa harap ng puno at hinihintay may bumaksak ng bulaklak ng cherry bloosomNapangiti si Kian sa naisip niya "Ganito nalang Ezih magpromise tayo sa isa't-isa na sabay tayong manunuod ng pagbaksak ng snow sa ibang bansa pag malaki na tayo. Ano catch ka?" nakangiting aya ni Kian kay Ezrah at hindi naman nagdalawang isip si Ezrah at tumago ito sabay hila sa kaibigan para makapaglaro na
"Pangako yan Ezih ah wala ng bawian yan"
"Oo na nga eh catch na nga ako, dalian muna"
"Walang iwanan niyan pag ganon Ezih"
"Tumigil ka nga kaka-Ezih mo, Ezrah kasi"
"Mas madali kung Ezih kaysa sa Ezrah- hoyyy Ezih hintayin mo ako wag kana kasi tumakbo, saglit!!!"
"Ang bagal mo Kiantot HAHAHAHAHA"Naghabulan lang ang dalawang magkaibigan hanggang makarating sa paroroonan nila at inubos ang maghapon sa paglalaro haggang makatulog silang dalawa sa tree house
Lumipas ang maraming taon at ngayon ay Grade 6 na sila at malapit ng magtapos, sa mga lumipas na taon ay silang dalawa lang ang lagi magkasama kaya hindi maiwasan ang panunukso ng ibang tao sa kanilang dalawa
May iba nga'y nagsulat pa ng KIAN LOVE EZRAH sa pisara na kinagulat ni Ezrah at nakaramdam ng hiya at sabay pasok ni Kian sa kwarto at nakita din ito, dali daling binura ito ni Kian at hinila si Ezrah palabas at dinala sa may canteen at niyayang kumain dahil napansin niyang matamlay ang kaibigan
habang kumakain sila napansin ni kian na matamlay parin si ezrah
YOU ARE READING
5 CENTIMETERS PER SECOND
FanfictionI just love the original story of 5CPS Ctto para save :) XOXO ~