Thursday to Wednesday

3.6K 21 1
                                    

Ako si Ron.

Masasabi kong swerte ako kasi nabigyan ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa.

Tatlong taon na din akong OFW.

Nasanay na akong mamuhay ng mag-isa at malayo sa pamilya.

Sanay na rin ako sa paulit-ulit na takbo ng buhay ko.

Bahay - Trabaho. Trabaho - Bahay.

Okay naman yung trabaho ko at sahod bilang Product Controler.

Mas malaki kumpara sa sinasahod ko sa Pinas pero naiisip ko na ding mag-resign at humanap ng mas okay na work.

Yung mas malaki ang sahod at yung mas may opportunity akong ma-promote.

Araw-araw akong sumasakay sa metro train station papasok sa trabaho.

'Di tulad sa Pinas, mas convenient ang metro dito.

Maisip ko palang ang MRT, sumasakit na ang ulo ko.

Imagine, kailangan mong pumila ng dalawang oras o higit pa.

At ang masaklap, standing ovation ka pa, pwera na lang, kung mag ninja moves ka.

Amoy araw ka na pagdating mo sa opisina.

Buti na lang, ayos ang metro dito.

Hanggang sa malaman kong pwede rin pala akong sumakay sa bangka papasok sa work.

Out of curiosity, sinubukan ko lang.

Thursday

First time ko sumakay ng bagka.

8:15 a.m. ang alis nito mula sa boat station.

2 minutes na lang, aalis na ang bangka, ako pa lang ang sakay.

Parang nirentahan ko lang, ha-ha-ha

Paalis na yung bangka ng biglang may humabol na babae.

Kabayan.

Tumatagaktak ang kaniyang pawis at ang dami din niyang bitbit na sa paningin ko ay tila kay bigat-bigat.

Nakaka-impress kasi nadala niya lahat iyon.

Base sa itsura ng babae, tantiya ko ay naglakad siya mula apartment nila hanggang boat station.

Oo, matatapos na ang summer, pero mainit pa rin kaya siguro pawis na pawis siya.

Nagmamadali siyang puwesto sa upuan sa likuran ko, umupo at saka dumukayok.

Siguro inaantok pa siya.

Anyway, naisip ko, okay pala sumakay sa bangka.

Una, komportable kasi walang masyadong sakay.

On time din itong umalis.

Pakiramdam ko eh isa akong foreigner na namamasyal.

Ang ganda kasi ng view.

Tapos, swabeng-swabe ung dampi ng hangin sa mukha.

Nakaka-good vibes bago pumasok sa work.

Habang tumitingin ako sa kapaligiran, napapasulyap ako sa babae sa likuran ko.

Hindi na siya nakadukayok, nakaupo na siya.

Kampanteng-kampante siya sa pagkaka-upo niya at pakiramdam ko ay pilit niyang nililibang ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa view.

Thursday to Wednesday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon