One Shot

1 0 0
                                    

Mika's POV

Intramural's 2019 sa Pangasinan State University, freshman year ko noon ng nakita ko syang nakikipaglaro sa basketball ang maganda pa doon ka-department ko pala sya. Dati tamad na tamad akong pumunta sa mga event na ganito pero noong nakita ko syang maglaro hinde ko na maaalis ang mata ko sa court, sa tatlong araw na ginanap ang aming intrams everyday akong nandun, silently cheering for him, nakikisabay sa chant ng mga ka department ko. Sa mga panahon na nanonood ako narinig ko ang pangalan nya, siguro dahil sa galing nyang mag three points at lay up ay sya talaga ang pinag uusapan. Miko Umina isang 3rd year college. Nang nakuha ko ang kanyang pangalan di na ako nag aksaya ng panahon para I search ang kanyang pangalan sa Facebook syempre habang nag hihintay na i-accept nya ang aking friend request inistalk ko muna ang kanyang account,at una Kong tinignan kung may girlfriend ba sya o wala, at thanks god at wala naman akong nakitang kahinahinala. Kinagabihan natanggap na nya ang aking friend request pero diko alam kung mag wa-wave ba ako sa messenger o hinde, pero sige na nga pakapalan na lang ng mukha, kung di man sya mag reply within 1 minute di sasabihin ko na napindot ko lang. Mag so sorry na sana ako sakanya ng bigla syang nag wave back, di ko alam kung anong nangyayare sakin pero bumilis bigla ang tibok ng aking puso. At doon nagsimula ang pagiging close namin sa messenger, kada umaga sakanya ako nag go-goodmorning, sinasabi ko din sakanya kung anong ulam ko sa breakfast hanggang sa dinner, sa campus naman kapag nakikita ko sya simpleng ngitian lang ang tanging komunikasyon namin, sa tatlong buwan naming mag kachat marami na akong nalaman tungkol sakanya at syempre marami na rin akong sekretong nasabi sakanya. Kapag di sya nakakapag reply pero online sya nagagalit ako, kapag nakikita ko syang may ka usap na iba nagagalit ako, kapag may pinapayungan sya nagagalit ako pero bakit naman ako magagalit
kung wala naman akong karapatan sakanya, isa lang akong ka- chat. Nang napagtanto ko na sobra na ang pagtingin ko sakanya at alam ko naman na di maibabalik, sinanay ko na ang sarili ko na huwag na masyadong mag chat muna sakanya, na hahayaan ko na muna na humupa ang pagtingin ko sakanya na dapat pagkakaibigan lang ang meron saming dalawa. Pero kung kailan naman nasasanay na akong di mag chat sakanya sya naman tong mag cha-chat sakin at gusto daw nyang magkita kaming dalawa sa labas ng campus after ng klase ko tatangi sana ako pero dahil sa tanga Kong puso di ko mapigilang mag reply ng "sige".

Saaming pagkikita, napaka awkward lalo na at uwian napaka raming mata ang nakatingin samin, si Miko Umina ba naman may kasamang freshman.

" Tara muna sa shed," Miko

"Uhmm, di kase ako pwedeng magpa gabi."

"Di naman tayo aabutin ng gabi, gusto lang kitang maka usap" Miko

"Para saan ba?, pwede mo naman akong iChat."

"Pano ko sasabihin sa chat, di ka naman laging online, kung online ka out naman ako, dati naman 6 pm online ka na, di ka rin gaanong nag rereply" Miko

"Busy lang ako sa academics ko"

"Talaga ba? Tingin ko iniiwasan mo ko eh, may nagawa ba akong masama?" Miko

"Wala naman tsaka bakit naman kita iiwasan. Friends naman parin kita eh"

"Sabi mo yan ah, ano mamayang 6 pm, online ka ah, miss na kitang ka chat" Miko

"Okay"

Naging mag ka chat nga ulit kami, Pero sa panahong ito sya na ang i- initiate ng pag uusapan namin madalas din nya akong hinihintay sa labas ng campus, minsan na ring may nag tanong sakin kung ano bang meron samin ni Miko, "kaibigan lang" Pero di sila naniniwala. Isang araw pinag hintay nya ako sa labas ng campus kase may gusto daw syang sabihin, dati naman sya Iyong naghihintay sakin Pero ngayon may gagawin pa sya, lumipas ang sampung minuto wala pa sya nagpasya na akong I chat sya at sabihing uuwe na ako, ng nakita ko syang may hawak na bulaklak at palapit ba sya sakin, hinde lang ako ang tumigil ang mundo, ang mga mata ng tao ay napunta saming dalawa dahil ang sikat na si Miko Uminga ay narito ngayon sa aking harapan at may dalang bulaklak.

"Hi." Miko

"Ha-hai, ano toh?"

"Surprise, Mika di ko alam kung anong ginawa mo saakin, nung di ka na nagrereply sa mga messages ko bigla kitang namiss at noong nakausap naman kita diko na mapigilang tumitig sayo, at ngayon gusto kitang tanungin kung pwede ba akong manligaw sayo?" Miko

"Wh-what??, liligawan mo ako? Totoo ba toh?

" Mika, can I court you, kase di ko na Alam ang mangyayare sakin kapag hinde ka naging akin, ano sagot na, naiinip na ako. Hahah" Miko

" Of course yes."

Sa araw na iyon sa mata ng maraming mata ng estudyante ng PSU ako ay nagdiwang, kase masasabi ko na na magkakaroon na ako ng karapatan sakanya, pero bilang isang dalagang pilipina di ko muna sya sasagutin agad, Pero alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko talaga sya, at tingin ko mahal din nya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miko & MikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon