My name is Mackenzie Altamirano, 16, Philippines! I am a fourth year student of St. Therese Academy. Galing no?
Nanggaling ako sa may-kayang pamilya. Kaya nakakapag-aral ako sa magandang eskwelahan. Kaso,di mahahalata na anak ako ng may-ari ng isang sapinakamalaking grocery sa probinsya namin kasi nga, simple lang ako.
Simpleng manamit, simpleng umayos at walang arte sa katawan at mukha. Iyon ako eh. Ayoko ng maraming arte. Kahit anong encouragement sakin ni Mama na magpaganda, ayoko. Maganda na kasi ako. Hahahaha joke! Kontento na kasi ako sa itsura ko, dito ako komportable.
Enough of my autobiography. Mabo-bore lang kayo sa buhay ko.
Binuksan ko ang slumbook na hawak ko ngayon. Uso pa pala to? Tsk. Pakana tong lahat ng principal namin. Kailangan daw naming magpa-sign sa fifty friends namin sa slumbook namin. Ito daw yung project namin this year. And by the end of the school year, kung hindi umabot ng fifty, walang signature na makikita sa clearance namin. Saklap no?
"Paano ba 'to? Mabibilang lang yata ng mga dalirikoang mga kaibigan ko eh" Iyan ang nangyayari pag introvert ka. Yes, I prefer to be alone. Di ako mahilig makipag-socialize. Sabi ko nga, mabo-bore lang ang mga tao pag kasama nila ako. Pero ewan ko ba kay Jeremy. Nagtitiyaga siyang makasama ako, Naalala ko tuloy yung araw na kusa ko siyang pinagtabuyan...
One year ago
"Ba't ka ba sama nang sama sakin?" naiirita kong tanong sa kanya. Nasa labas kaming canteen. Lumabas ako kasi naiinis na ako sa pagmumukha niya. Ilang beses na akong nagpahiwatig nagustokong mag-isa pero sumasama talaga siya sakin. Kulit!
Natawa siya. "Ang sarap mo kasing kasama"
"Siraulo ka ba?" Matapos kong itanong iyon sa kaya ay natawa pa siya.
I stomped my feet. "Sige na nga! Bahala ka na sa buhay mo! Basta wag kang mag-expect na magiging mabait ako sayo! Saka mabo-bore ka alng pag kasam mo ko!"
Indeed, kahit tinaray-tarayan ko siya noon, naging matiyaga parin ang makulit na lalaking iyon kaya naging mabait na rin ako sa kanya. Noon ko narealize na di ko pala kaya na walang kaibigan. Masaya rin pala. Kahit siya lang ang lagi kong kasama, at least alam kong totoo siya sakin.
*bell rings*
Muntik na akong mauntog sa locker ko nang may humila sakin.
"Tara na! Nandoon daw si Mr. Malabiro sa room natin!" Tinutukoy niya yung principal namin. Yes, his surname sounds silly. Pero mabuting tao naman siya.
Pagpasok namin sa room namin, binati namin si Mr. Malabiro.
"I am here to remind you of your slumbooks. Siguro naman ay nangangalahati na kayo? For all I know, the students of St Therese Academy are very friendly. I see no reason for you to have difficulties in your slumbooks. If you have concerns, my office is always open for you. Thank you." Iyon lang at nagpaalam na si Mr. Malabiro. If he only knows how difficult this is for me. I'd rather he ask me to do a hundred term papers.
---
Please VOTE if you liked the first part of my story.
Comment lang sa suggestions niyo. Thank you!