Chapter Two: The Meeting -- Continuation

350 7 0
                                    

       Hindi alam ng babaing ito ang kanyang pangalan. Posible kayang may Amnesia siya? Posible kayang bago pa niya nakita ang babae na biglang tumawid sa harapan ng kanyang kotse na muntik na niyang masagasaan ay nabangga na ito? Posible kayang napabagok ang kanyang ulo kung kaya't hindi nito matandaan kung sino siya? Totoo bang may pangyayaring ganito?

     Pinagmasdang mabuti ni Karlo ang babae mula ulo hanggang paa. Naghahanap siya ng marka na sugat o gasgas o kahit anung makikitahan na nabangga ito o nasaktan bago pa niya ito makita. 

      Maganda ang mukha ng babae. Malaki ang malamlam at mapungay niyang mga mata na tila may nakatagong lungkot. Mahaba at tuwid ang maitim nitong buhok na walang bahid ng split ends. Tila napakasarap haplusin ng kanyang buhok dahil mukhang napakalambot nito. Makinis ang maputi nitong kutis na tila napakapino ng balat. Maganda ang hugis ng binti ng babaing ito. Walang mababanaag na peklat o kahit anung marka na nagkasugat ito simula sa pagkabata. Maputi at makinis ang kanyang napakagandang mga paa na tila hindi nakaranas na yumapak sa matigas na sahig o mag yapak man lamang. Bahagyang humilig sa kaliwa ang ulo ni Karlo upang makita ang sakong ng hindi nakikilalang babae. May pagka - kulay pink ang sakong ng babae. Dito pa lamang ay halata na ni Karlo na galing sa mayamang Pamilya ang babaing nasa kanyang harapan.

    Pero bakit tila hayok na hayok kung kumain ang babae? Ah... siguro ay matagal na itong nasa kalye. Nag stow-away? Ipakakasal ng mga magulang sa lalaking hindi niya mahal? Napagalitan ng mga Magulang? Kung anuman ang dahilan ng paglalagalag nito ay ang babae lamang ang makakasagot. Ngunit paano niya ito masasagot kung ang mismong pangalan niya ay hindi niya matandaan? Napakunot ang noo ni Karlo habang pinagmamasdan ang babae. Naisip ni Karlo, kung matagal na itong gumagala sa kalye ay bakit walang bahid ng lupa, putik o dumi ang mga paa ng babae? Dapat ay nanglilimahid na sa dumi, lupa o putik  ang mga paa nito.

      Napansin ng babae na pinagmamasdan ni Karlo ang parteng ibaba ng binti niya. Napahinto siya sa pagkain ng sopas. Ibinaba niya ang sopas sa mesa. Inakala  niya na sinisilipan siya ni Karlo. Nakaramdam siya ng takot. Bakit siya basta na lamang sumama sa lalaking hindi niya kilala? Baka masamang tao ito? Baka gawan siya ng masama, baka gahasain siya nito. Bakit tila sinisilip ng lalaki ang ibaba ng kanyang binti? Anong hinahanap nito sa binti at paa niya? Nanginginig na ang katawan ng babae dahil sa takot.  Bahagya niyang binatak ang bistida upang maitago ang binti.

     Napansin ito ni Karlo.  Napangiti siya sa babae dahil naisip ni Karlo na binigyang malisya ng babae ang pagkakatitig niya sa sakong nito.

      "Uhmmm... Pasensya ka na Miss. Pinagmamasdan ko kasi ang mga paa mo at sakong. Mukha namang hindi ka pa natatagalan na maglayas sa inyo. Kasi hindi ka madumi tulad ng ibang palaboy. Nagtataka lang ako na mukhang ilang minuto o oras ka pa lang umaalis sa inyo ng muntik ka ng mabangga ng kotse ko pero parang gutom na gutom ka at parang hindi kumakain ng mga....ammm... sabihin na nating... mga isang linggo," ang paliwanag ni Karlo upang mawala ang takot sa kanya ng babae. 

      "Pasensya na po.  Talaga lang pong gutom na gutom ako. Saka maraming salamat po sa sopas. Masarap po kayong magluto," papuri ng babae.

      "Hindi ako ang nagluto niyan.  Pinaluto ko kay Manang Simang. Maid ko siya dito. Pag Friday night eh umuuwi ako dito sa Tagaytay para magpahinga. Pag Sunday ng hapon eh bumabalik na ako sa Manila. Doon ako nakatira kasi doon ang trabaho ko," paliwanag ni Karlo.

      "Ganon po ba Sir?"

      Nakalmante ang babae ng malaman na may babaing kasama si Karlo sa bahay na iyon.

      "Oo.  Kaya huwag kang matatakot sa 'ken.  Kasi may kasama tayo dito.  Saka hindi kita gagawan ng masama."

      "Eh Sir. Sobrang nakakahiya na po kasi.  Kaya magpapaalam na po sana ako."

WEEPING ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon