Waiting For You

7 0 0
                                    

"Naghihintay pa rin ako..."

Simula't sapol pa lang, hindi ako mapakali. Lagi ko kasing naiisip ang mukha mong mala-anghel sa kagwapuhan. Nararamdaman ko pa rin ang paglalapat ng ating mga balat lalong-lalo na ang iyong mga labi. Ito ba yung feeling ng na-iinlove? Namumula ata ako dahil sa kilig.

Unang araw sa eskwela, sabi mo sa akin, pareho tayo ng papasukan. Excited na akong pumasok, sabi ko pa sa mama ko. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa iyo. Medyo nagulat nga siya. Akala niya siguro hindi ako magkakaroon ng kaibigang lalaki. Ningitian ako ng mama ko at lumabas na ako ng bahay.

Unang pasok ko sa silid-aralan ko ay ikaw agad ang hinanap ko pero sayang. Hindi ka pa dumating. Ring ring. May nagtext. Sabi mo umupo ako sa upuang malapit sa bintana, pasensya na daw kasi malelate siya. Hintayin niya muna ako.

Naghintay ako sa kanya. Umuwi na ang lahat ng mga kaklase ko pero hindi ka parin dumadating. Nasaan ka na ba? Umuwi ako sa bahay namin nang may nakakunot na noo. Kahit na pinagalitan ako ay hindi ako nakinig at diretso lang na pumunta sa kwarto ko. Tinext kita na nagagalit ako sa iyo, nagsorry ka at sabi mo, hintayin daw kita at nilagyan mo pa ng kiss emoticon. Napawi lahat ng galit ko.

Sa mga sumunod na araw, hindi ka parin nagpakita. Hinihintay kita araw-araw sa may silid-aralan, sa upuang inilaan mo para sa akin. Tinanong ko rin ang aming guro kung nasaan ka pero sabi lang nila hindi nila alam. Pero hindi ako nawalan ng loob kasi sabi mo sa akin maghintay lang daw ako at dadating ka rin. Naniwala ako at kinapitan ko ang mga salitang yun.

Birthday ko. Naghihintay ako sa iyo kasi nasasabik ako sa pagdating mo. Kagaya nung una kong kaarawan na kasama ka. Binigyan mo ako ng isang teddy bear at homemade cupcakes mo. Alas-dose nang gabi pero hindi ka parin dumadating. Nagtext ka sa akin ng Happy Birthday,napangiti ako. Hindi ka makakarating pero may ipinadala kang regalo sa akin. Ngayon naman, isang unan na may mukha mong nakakatawa. Natawa ako sa gift mo sa akin. May isa ka pang regalo sa akin na iniyakan ko. Isang engagement ring. Sabi mo sa liham, papakasalan mo ako kapag nasa tamang edad na tayo.

Pasko at Bagong Taon. Naghintay ako sa malaking Christmas tree sa plaza. Dito tayo nagkita at sabi mo rin sa akin, dito ulit tayo magkikita. Hinintay kita hanggang umulan nalang. Buti may dala akong payong. Binalikan ko ulit ang lugar na iyon. Magkasabay kasi nating sinasalubong ang Bagong Taon. Okay lang naman kay mama kasi kilala ka niya. Medyo naiyak siya kasi hindi siguro ako makakadalo sa party niya. Naghintay ako hanggang nagpaputok na ang mga tao hudyat ng isang bagong taon naman. Tumingala ako sa langit at lumihis sa aking mga mata ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Hindi ka nanaman dumating. Umuwi ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko. Nakita ko ang regalo mo. Isang scarf at isang human-sized teddy bear. Hindi nagsalita si mama at iniwan ako sa kwarto kong umiiyak. Binati mo ako sa text at sabi mo pa, yakapin ko yung teddy bear habang iniisip na ikaw yan. Ginawa ko nga at laging ikaw ang naiisip ko.

Valentine's Day at Prom. Naghintay ulit ako kasi sabi mo ikaw ang magiging escort ko. Suot ko ang isang red velvet dress na pinili mo para sa akin. Ikaw na ata ang pumili ng lahat ng susuotin ko. Haha. Tinanggihan ko lahat ng gustong sumayaw sa akin dahil gusto ko ikaw ang una at huli kong makakasayaw. Pumatak ang alas-dose. Ang oras kung saan ang huli mong kapartner ay ang magiging kasintahan mo ayon sa isang kuwento. May naglahad ng kamay sa harapan ko. Akala ko ikaw pero pagtingin ko, ang bestfriend mo pala. Tatanggihan ko sana siya pero sabi niya hindi ka daw makakapunta dahil may nangyaring emergency. Kinuha ko ang kamay niya at isinayaw niya ako. Walang gana akong sumayaw at umuwi pagkatapos nun. Tiningnan ko ang engagement ring,kinuha at inilagay sa isang kahon. Tinext kita na break na tayo at umiyak buong gabi.

Graduation. Hindi na ako nakatanggap ng kahit na anong text galing sa iyo. Masakit man pero inaamin kong mahal na mahal kita. Kinuha ko na ang diploma ko. Ako nga pala ang valedictorian sa eskuwelahan natin. Galing ano? Nag-aabang pa rin ako. Naghihintay sa pagdating mo at sana ay magmakaawang ibalik ang dating tayo pero wala ka. Umuwi ako sa bahay at nagpalit. Pumunta ako sa parkeng palagi nating pinupuntahan noon. Ring ring. May nagtext at muntik ko nang binitawan ang cellphone ko. Nagtext ka at sabi mo pumunta ka sa lugar na ito at maghihintay ka. Walang alinlangang tumakbo ako sa lugar na iyon.

Bumigat yung pakiramdam ko sa unang pagtapak ko sa lugar na iyon. Naglakad pa ako ng ilang metro. Sabi ng utak at puso ko, tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon. Pero tinatag ko ang loob ko. Nang nakita ko na sila ay tumingin sila sa akin nang may malulungkot na mukha. Mga mukhang sinasabing pasensya na. Nakitako ang matalik niyang kaibigan na mugto ang mga mata sa kakaiyak. Nakita ko rin ang mama ko doon. Tiningnan niya ako at yinakap.

"Pasensya na anak."

Lumapit ako sa kabaong na malapit ng ilibing sa hukay at humagulhol ako.

"Hintayin mo ako."

Inakap ko ang kabaong na parang ayaw ko nang bitawan. Minura ko siya at sinuntok ang kanyang kabaong. Sinabi ko sa kanya ang mga pagpapaasaniya sa akin. Sinigawan ko siya na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko. Sabi ko sa kanya kung gaano ka-imposible ang nakikita ko. Dumating ang hapon at hindi parin ako natinag. Inawat na ako ng mga trabahador dahil ililibing na daw siya. Ayaw ko. Ayaw ko! Inakap ako ng bestfriend niya at doon ay umiyak na rin siya. Sabi niya sa akin, tama na.

Umuwi na kami sa bahay.Lutang ang isip ko habang nag-uusap ang mama ko at mama mo. Nandoon rin ang bestfriend mo. Sabi nila, may brain cancer ka daw. Hindi ka lang nanghihina, nalilimutan mo na rin ang mga memorya mo. Sa tuwing magkikita daw tayo ay malilimutan mo. Tapos, maalala mo pagkatapos ng ilang oras. Umiiyak ka daw. Gusto ng mama mo na hiwalayan ako pero matigas ang kokote mo. Gusto mong maging makasarili. Gusto mong hintayin kitang gumaling dahil papakasalan mo pa daw ako. Hindi man sang-ayon ang mama mo ay pinayagan ka niya. Sa tuwing malilimutan mo ang ating tagpo ay may inihahanda kang regalo para sa akin. Ipinapadala mo ito sa bestfriend mo. Nung araw ng prom ay handa ka na daw na pumunta pero bigla kang inatake kaya pinapunta mo ang bestfriend mo doon at isinayaw ako. Sa graduation ko ay nandoon ka daw. Ngumingiti at umiiyak dahil nakagraduate na ang pinakamamahal mo. Pagkaalis ko ay inatake ka ulit ng sakit mo. Nang nakita mo ang huli kong text, ngumiti ka at sinabi kong gaano ka makasarili. At doon ay pinikit ang mga mata mo.

Tinanong ako ng mama mo kung paano ko nalaman na ililibing ka doon. Sinabi ko na nagtext ka. Nagulat sila at nagsimulang umiyak. Ibinigay nila sa akin ang isang liham at binuksan ko iyon. Sabi sa liham, pasensya na at sinabi mo rin ang mga nangyari sa iyo habang nasa ospital ka. Ang huli mong isinulat?

"Wag ka nang maghintay dahil wala na ako. :')"

Umiyak ako ng todo. Hindi ko matanggap. Ring ring. Nagtext ka ulit. Tiningnan ko ang mga magulang natin. Sa text mo, nagpakilala ka sa akin at nagtext ng isang joke. Gaya ng una nating pagkilala sa isa't isa.

Nandito ako sa harap ng puntod mo. Nagbake ako ng favorite cookies mo at mango-flavored juice. Napakaselfish talaga nating dalawa. Nag-aalala ang parents natin pero sabi nating dalawa okay lang. Kasi sabi mo magpapakasal tayo diba? Tiningnan ko ang engagement ring na ibinigay mo sa akin noon. Tiningnan ko na rin ang wedding ring na ibinigay mo sa akin. Happy anniversary hon.

Ring ring. Nagtext ka. Happy anniversary rin hon. I love you. I'll be waiting for you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon