NANAGINIP AKO

89 1 2
                                    

NANAGINIP AKO.
A short story by blueeljay

11.02.14

Madaling araw.N

Nanaginip ako.

Doon may sakit ako at may taning na ang buhay ko.

Nagulat ako nang makita ko si Marc sa panaginip ko. Nagtaka ako dahil matagal na kaming hindi nagkikita pero naroon sya sa panaginip ko.


Dito nag simula ang aking panaginip.

Umiiyak ako dahil sa nalaman kong balita. Binigyan ako ng taning ng duktor dahil ako ako daw aybmay kanser sa hindi ko maintindihang sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung saan ako pupunta. Biglang pumasok sa isip ko na may isa pala akong lalaking minamahal at iyon ay si Marc ngunit hindi ko alam kung parehas rin ba ang nararamdaman nya para sakin.

Pumunta ako sa kanilang bahay at nadatnan ko doon ang kanyang ina. Tinanong nito kung anong nangyari sa kin. Hindi ko sya sinagot at ang tanging nasabi ko nalang ay kailangan kong makausap ang anak nya.Sinabi nito na nasa kwarto ang anak nya.

Pagka-akyat ko sa kwarto niya agad akong lumuha. Nataranta sya at hindi nya alam ang gagawin sakin.

"Kailangan kita." Ang sabi ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" Ang sabi nya sakin.

"Kailangan kita kasi Mahal kita!" Nagulat kaming parehas sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Marc, may taning na ang buhay ko. Mamamatay na ako." Hagulgol ko.

"Mahal din kita. Ako ang magiging lakas mo. Kakayanin na tin to." Nabigla ako sa mga sinasabi nya dahil hindi ko inaasahang mahal din nya ako.

"Mamahalin mo ako kahit na may taning na ang buhay ko?"

"Oo,kahit na ano pang meron sayo minamahal kita"

Niyakap namin ang isa't-isa. Gumaan ang pakiramdam ko sa panahong yun, para bang tinaggalan ako ng mabigat na pasanin sa buhay.

Lumipas ang mga araw, ginawa naming masasaya ang mga natitirang buwan sakin. Bawat gagawin namin ay ginagawa naming espesyal, bawat puntahan namin ay may masasaya kaming alaala. Mahal na mahal namin ang isa't-isa.


"Anak?! Anak!! Gising na!" Nagising ako sa boses ni mama.

nandito nanaman pala ako sa apat na sulok na kwarto na may kulay puting pintura. Makukulong nanaman ako dito panigurado.


"Uminom ka na ng gamot mo anak!" Inabot nya sakin ang mga gamot na dapat kong inumin. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay kinuha ko ang salamin sa tabi ng aking kama. Nakita ko ang pangit ko nang itsura. Napaka-kaunti na ng buhok ko at ang putla ng aking mukha.

Bigla kong naalala ang isang panaginip na akala ko ay totoo na.

Wala palang lalaking umaalalay at nag aaruga sa akin.Walang lalaking nagpapalakas ng loob ko na lumaban pa. Walang lalaking sasamahan ako hanggang sa mabawian ako ng hininga. Wala si Marc.

Wala.

Isang panaginip lang ang lahat. At kahit kailan ay hindi ito magiging totoo. Hindi ito mangyayari sa isang katulad ko na nakakulong lang sa isa sa mga kwarto dito sa ospital. Panaginip lang pala.

T H A N K Y O U V E R Y M U C H ! ! !

first time ko lang po kaya medyo balu-baluktot pa ang kwento. Haha ;) Sana po nagustuhan nyo :)

-blueeljay<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NANAGINIP AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon