"Saan isinulat ni Rizal ang Noli?"
Ugh. Noli, nakalimutan kong mag-basa ng book kagabi. May nagvi-vibrate. Phone ko ata.Grabe, may klase ako ngayon text 'to ng text.
"Uy! Sabay tayo uwi, ha?"
Aba sasabay 'to saking mokong na 'to.
"Ayoko! Ililibre mo ba ako?"
"Hindi! May kwento ako."
"Tungkol kay Loreen na naman ba yan?"
Hindi na nag-reply. Hayy.. Malamang. Ilang buwan na siyang nanliligaw kay Loreen. Pero hindi pa rin siya masagot nito. Grabe kakaiba talaga tong si Tris eh.
"Uhm. Miss Coleen, busy ka ba? Gusto mo lumabas ka ng room."
"Ah eh. Sorry Miss."
Napagalitan pa ako. Nako bwisit. Malapit na palang mag-time.
"Okay class. Bukas may pagsusulit tayo. Mag-aral ha!"
"Okay Miss."
"Goodbye."
"Goodbye and thank you miss."
Buti na lang hindi na ako kinausap at sinermonan ni Miss. Inayos ko na yung gamit ko, ang kalat. Maglilinis pa ako ng room.
"Hoy Coleen, yung boyfriend mo nag-aantay na sa labas."
"Sira ka."
"Oh Tris, akala ko ba si Loreen yung gusto mo? Ba't pati si Coleen?"
"Sira ka talaga Paul. Bestfriends lang kami ni Tris."
Eto talaga si Paul kung pwede lang ibato ko sa kanya tong hawak ko na eraser eh.
"Malapit ka na bang matapos?"
"Oo saglit lang. Ilalagay ko lang to sa loob ng cabinet."
"Bye Paul! Una na kami ni Tris."
"Sige ingat!"
Lumabas na kami ni Tristan. Dumaan muna kami sa may faculty, gusto kong mag-sorry ulit kay Miss Santos dahil sa kanina. Pagkatapos, ay naglakad na kaming papuntang tambayan namin ni Tris, ang rooftop ng school.
"Baliw, dapat kasi inayos mo yang pagtatago mo habang nagte-text."
"Sira ka pala eh, ewan ko sa'yo."
"Nga pala Coleen"
"Oh ano?"
"Si Loreen kasi."
"Oh anong meron kay Loreen?"
"Hindi pa raw siya sigurado kung sasagutin niya na ba ako."
Hay nako Tris, si Loreen na naman? Ano ka ba, wag mo nang antayin yan. Dito naman ako.
"Hindi ka parin ba susuko?"
"Mahal ko siya Coleen, higit pa sa lahat ng bagay sa mundo."
Grabe, higit pa sa lahat? Pa'no ako?
"Ano ka ba, marami pa namang iba dyan."
Oo Tris, ako, andito lang.
"Pero siya lang talaga."
Ouch. Aray, ang sakit naman. Napapaiyak na siya. Yayakapin ko ba 'to?
"Tris, kung mahal mo, ipaglaban mo, kung masaya ka, ipagpatuloy mo, pero pag sobrang nasasaktan ka na, tumigil ka muna, baka may iba pa."
Parang sa sarili ko ata 'to sinasabi. Simula grade 5 ko na bestfriend itong si Tris. Magkakilala ang parents namin. Parehas kami ng birthday, February 14. Tawag samin ng iba, kambal dahil simula pa lang noon magkasama na kami. Kay Tris ko natutunan ang magmahal. Sa kanya rin ako nasaktan. Pero hindi naman niya napapansin na gusto ko siya. Hindi ko nga rin alam, kung nagustuhan niya rin ba ako kahit konti lang. Sa tingin ko hindi. 3rd year na kaming pareho. Maga-apat na years na kaming mag-kaibigan at kahit kailan hindi niya talaga napapansin yung lihim kong pagtingin sa kanya. Siguro kasi, iba yung pagtrato ko sa kanya. Iba rin yung pagtrato niya sakin. Pero para sakin, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya.
Niyakap niya ako bigla ng mahigpit.
"Hindi ako susuko, Coleen! Mahal ko siya! Siya lang wala ng iba!"
Masakit, na makita yung taong mahal mo, nasasaktan dahil sa iba. Siguro hindi ko na mababago hanggang BESTFRIEND NA LANG ATA TALAGA AKO.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionMag-bestfriend sina Tris at Coleen. Pero sa paglipas ng panahon, iba na ang nararamdaman ni Coleen sa kanya. Nahirapan siyang aminin ito kay Tris dahil iba ang gusto nito. Pero nang masabi niya na rito ang nararamdaman, maraming pangyayari ang nagan...