Chapter 2

247 18 3
                                    

Stella's POV

Pinagsisisihan kong umamin ako kay Steven. Wala naman kasi talaga akong balak na umamin sa kanya kahapon. Ewan ko ba rito sa bunganga ko at yun ang sinabi ko.

Hindi ko pa nasasabi kay Denise na umamin na ako kay Steven dahil hindi siya pumasok ngayong araw.

Hayst.

"Stella,hinahanap ka ni Steven." Agad akong tumayo at lumabas ng klase. Mabuti na lang at absent ang teacher namin sa mga oras na to.

"A-anong ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot pero hinila naman niya ako sa braso at pumunta sa rooftop ng building namin.

"You're my P.A. from now on diba? I'll just have my rules."

"Rules? Seriously?"

"Yes." He nodded then get a paper from his pocket.

"Rule #1 Stella,kung nasaan ako, andun ka rin dapat."

"Excuse me Mr. Lee pero nasa pilot section ako at ikaw naman ay nasa kabilang section." Sabi ko.

Kahit anak si Steven ng may-ari ng school na 'to ay lagi lang siyang nasa pangalawang section. Based on ehat I've heard,ayaw daw mismo ni Steven na mapunta sa Pilot Section dahil ang boboring ng mga tao which is hindi naman totoo.

"Not anymore Stella. Simula bukas, sa inyo na ako papasok." Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy.

"Rule #2,Ako lang ang lalaking pwede mong kausapin sa school na to. Pwera na lang if I give you my permission."

"At bakit ko naman gagawin yan?" Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

"You're mine Stella. Mine." Kahit deep inside ay nakakaramdam ako ng kilig, naiinis pa din ako.

Like duh,andaming lalaki sa school namin. May mga pagkakataon na kailangan kong kumausap ng isa sa kanila noh.

"Last Rule,Rule #3,Follow all the rules."

"What kind of rule is that?"

"Just my rule Stella." He said then laughed a bit.

Nairipan ko na lang siya sa sobrang inis.

"Sige na. Papasok na ko." Bago pa ako makalayo sa kanya, narinig ko pa siyang nagsalita.

"Remember my rule Stella."

"Yeah, whatever."

Lutang akong pumasok sa klase namin. Kasunod ko naman ng pumasok ang teacher namin. Mabuti na lang at naunan ako sa kanya kundi ay baka pagalitan niya ako.

Hirap akong makinig sa teacher. Gustong-gusto ko pa naman ang subject na to pero Steven keep on disturbing my mind. Hindi siya mawala sa isip ko.

"MS. DELA CRUZ!" I blinked.

Napatingin ako sa buong klase. Silang lahat ay nakatingin sa akin, kasama na dun ang teacher ko.

Gash! Napansin atang hindi ako nakikinig.

"Detention now!" Agad akong tumayo sa upuan ko lumabas ng klase.

First time kong ma-detention. Hayst.

Pagkarating ko sa detention room, isang teacher at isang estudyante lang ang nadatnan ko.

"Name?" Bungad sakin ng teacher.

"Stella Dela Cruz po."

"First time mo ata hija?" Tumango naman ako sa kanya.

"Section?"

"4-A po." Pagkasabi ko ng section ko ay tumingin siya sakin ng nanlalaki ang mga mata at umiling-iling.

"Akala ko matino lahat ng nasa 4-A"  bulong niya na narinig ko.

Hindi ko na lang pinansin at umupo na sa bakanteng upuan.

I'm a disgrace of our section. Nakakahiya talaga.

"Hey Ms. Stella" Napatingin ako sa lalaki na akala ko ay natutulog.

"He-hey.." Bati ko pabalik.

"I'm Andrew by the way." He introduced. Ngumiti naman ako sa kanya.

Pagkatapos niyang magpakilala, he started talking. About random stuffs. Buti na nga lang at hindi kami pinapagalitan ng teacher na nakabantay samin.

"Seriously?! Naihi ka talaga sa pants mo habang nagcoconfess sa crush mo nung grade 3 ka?!" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Inirapan naman niya ako.

"Kailangan pang ulitin?" Tumawa na lang ulit ako.

Gosh. Hindi ko maimagine.

"You two, you can go na." Sabi samin ng teacher kaya lumabas na kami.

"It's good to talk to you Stella." Sabi ni Andrew nung pagkalabas namin ng detention room.

"Yeah." I nodded.

"Una na ko ah. See you around." Sabi niya sabay kaway. Ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.

"What.I.told.you?" When I heard that cold voice, nawala yung ngiti ko sa labi.

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko and there, I saw Steven with mad eyes, black aura.

"H-ha?"

"Rule #2" Naramdaman kong nanghina ang tuhod ko. Nakakatakot talaga ang tingin niya ngayon. Parang anytime ay papatay siya.

"Talk to him again, the next day, you will surely see his body lifeless." He said then walk away.

Damn.

Campus CrushWhere stories live. Discover now