Prologue

3.4K 106 7
                                    

A/N: UNEDITED. EXPECT TYPOS AND WRONG GRAMMAR.

Credits to maiarix for the book cover.

Sama ka sa camping namin. Magiging masaya 'to. Kasama mo kami. Lahat ng kalokohan pwede nating gawin. Wala tayong bantay kaya malaya tayo. Walang gadgets at kung ano mang communication device. No contact from others means no disturbance.

Solid ang mga classmates ko. Masaya kami kasama. Sama sama kami sa lahat ng bagay. Walang iwanan kaya naman lahat talaga kami ay nagtutulungan.
Nilalabanan namin lahat ng pagsubok. Upang lahat kami ay magtagumpay at umangat.

Pero 'yon ang akala namin sa isa't isa. Sa buong klase hindi pa rin maitatanggi na may mga makasarili at mapagpanggap na kaklase. Kayang kaya kayong iwan maisalba lang ang sarili. Kayang talikuran ang samahan para sa kanyang kaligtasan.

Ngayon, kung matapang ka halina at sumama. Kung totoo kang kaibigan, makikipagtulungan ka sa amin. Kung hindi ka makasarili, hinding hindi mo kami iiwan. Dahil sa camping na ito, dito masusubok kung sino at anong pagkatao ang mayroon ka. At kung handa mong itaya ang lahat pati sarili mo, kahit ang kapalit nito ay ang kamatayan mo.

Sa camping na ito, you only have two choices. If you choose to live, then cooperate. If you choose to die, go away and try to save yourself. Let's see how far you can go or you'll survive by your own.

Pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon. Dahil sa camping na ito. Ay walang makakatakas.

So what are we waiting for? Let's start our camping. I mean, the dark camping.

Dark Camping (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon