Chapter 25

494 39 0
                                    

Check Out "My Possessive Housemate" My second story😉

Hya's P.O.V.

Naglakad na kami ni Jaya sa gubat. Pilit kong inaalala ang daan papuntang sapa. Kaso naalala ko nagtakbuhan na kami no'n at kung saan saan na ako napadpad. Kaya nalilito na ako kung saan ako dapat dadaan.

"Ano ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Jaya sa'kin at huminto sa paglalakad. Napahinto rin ako at hinarap s'ya.

"Ang sapa." Maikling sagot ko.

Napakunot naman ang noo ni Jaya.

"Sapa?" Tanong ni Jaya.

"Noong araw na naligaw kami nina Jude, Carl at Maxine. Doon kami napadpad." Sagot ko ulit.

Halatang naguguluhan pa rin si Jaya.

"Teka lang! Ano naman ang gagawin natin doon sa sapa?" Takang tanong ni Jaya.

"Pwede nating sundan ang daloy ng tubig ng sapa. Malay mo hanggang dagat 'yon at may madaanan tayong tulay. Tulay na dinadaanan ng mga sasakyan." Sabi ko kay Jaya.

Nagulat ako nang natakot si Jaya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Hindi ba nakakatakot 'yon? Paano kung 'yong daloy ng tubig doon ay waterfalls pala?" Takot na tanong ni Jaya.

"Edi tumalon tayo." Sabi ko.

Umiling si Jaya. "N-nakakatakot 'yon." Sabi nito. "Baka may kung ano anong hayop doon."

"Jaya, kung 'yon lang ang tanging paraan para makalabas tayo dito. We need to take risk." Sabi ko kay Jaya.

Huminga ng malalim si Jaya. "I'll try." Sabi nito at tinignan ang paligid.

"Tara na?" Pag-aaya ko kay Jaya.

Tumango naman s'ya at sinundan ako sa paglalakad.

Maya maya ay naramdaman kong wala ng nakasunod sa'kin kaya nilingon ko si Jaya. Nakatingin s'ya sa lupa. Agad akong lumapit sa kanya at tinignan kung ano ang tinititigan n'ya. May dinampot s'yang bracelet at isinuot sa wrist n'ya.

"Nalaglag ko kasi. Sorry hindi na natawag." Sabi ni Jaya. "Importante sa'kin 'to."

Tumango-tango naman ako. "Ayos lang. Tara na?" Pag-aaya ko kay Jaya.

Tumango naman s'ya at sinundan ako sa paglalakad. Pinapakiramdaman ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kasi hindi ko talaga alam ang daan. Pero may isang puno akong natatandaan na malapit lang sa sapa. 'Yon ang kailangan kong hanapin.

"Grabe ang school natin, ano?"

Nagsalita si Jaya sa kalagitnaan ng paglalakad natin.

"Oo nga. Hindi man lang natakot na pwede silang masira." Sabi ko naman.

Tsk. Hindi ba nila naisip na pwedeng ikasira ng school 'to? Ginagamit ba nila ang utak nila?

Hindi na kami ulit nagsalita ni Jaya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Hay, walang katapusang lakad 'to.

"Hya."

Napalingon ako kay Jaya nang nagsalita s'ya. Bakas sa mukha n'ya na parang hindi s'ya mapakali at parang naiinis pa.

"Bakit?" Takang tanong ko kay Jaya.

"Babalik ako." Sabi n'ya.

Napakunot naman ang noo ko. "Huh?"

Anong babalik? Malayo na ang nalakad namin tapos babalik s'ya?

"Babalik ako kung nasaan ang mga classmates natin." Sabi ni Jaya.

Umiling ako. "Hindi na natin alam kung saan sila." Sabi ko kay Jaya.

"Then hahanapin ko sila."

Napakunot ang noo ko. "Bakit? I mean anong rason? Bakit ka babalik? Malayo na tayo Jaya."

"Hindi natin sila pwedeng iwan." Sabi ni Jaya na halatang nag-aalala.

"Hindi natin sila iiwan, Jaya. Kapag nakaalis tayo dito hihingi tayo ng tulong." Paliwanag ko.

Umiling si Jaya. "Hindi."

"What?" Naguguluhang tanong ko. May mali ba sa sinabi ko? Mali ba ang ideyang naisip ko?

"Mauna ka na. Basta babalik ako." Sabi ni Jaya.

Ano 'yon? Bakit bigla bigla na lang nagbago ang isip n'ya? Kanina pumayag naman s'ya tapos ngayon bigla s'yang babalik. And besides hindi naman talaga namin sila iiwan. We need help at para makahingi ng tulong kailangan na muna naming makaalis dito.

Totoo ngang bumalik si Jaya. Hindi ko na s'ya sinundan. Basta susundin ko ang naisip kong plano. Walang mangyayari sa'min kung lahat kami ay nandito. At mag-isa na kung mag-isa. Kung mamamatay man ako ngayon. Bahala na. Siguro hanggang dito lang talaga ang buhay ko. Atleast sinubukan kong lumaban at humanap ng paraan.

Bago pa man ako naglakad muli ay nakaramdam ako na may isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Sobrang sa'kit dahilan para matumba ako at mawalan ng malay.

Jaya's P.O.V.

"Mauna ka na. Basta babalik ako." Sabi ko kay Hya at iniwan s'ya.

Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at nakapag-decide na bumalik. May idea na si Hya at pumayag na ako. Pero bigla na lang akong nag-back out. Hindi lang dahil ayaw kong iwan ang iba. In fact tama naman ang idea ni Hya na hihingi ng tulong. Pero wala pa ring kasiguraduhan dahil hindi pa namin nahahanap ang sapa na kanina pa n'ya hinahanap. At may kailangan din akong kausapin.

Hindi ko na inaya si Hya na bumalik. Mas okay na gawin n'ya rin ang idea n'ya to help us.

Padabog akong naglakad palayo at inis na inis sa sarili. Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Bakit ngayon ko lang 'to naalala? Bakit ngayon lang gumana ang utak ko? Napakahina ko talaga.

Pero tama na ang inis at tanong. Ang kailangan kong gawin ay ang hanapin s'ya. Dahil nararamdaman ko. May alam s'ya dito. At alam kong hindi ako nagkakamali. Hayop ka.

Humanda ka na. Dahil hahanapin kita.

A/N: Pa-vote mga bebe bago ko kayo ipain sa killer. Choss. Eksdi

Dark Camping (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon