Isang napakagandang umaga ang bumungad kay Trish masayang masaya sya dahil na tanggap na sya sa school na gusto nyang pasukan ang Brent International College
Ang BIC ay isang malaki at mamahaling eskuwelahan at kaya lamang sya nakapasok dito ay dahil kumuha sya ng scholarship dito at sa kabutihang palad ay nakapasa sya."Haysss sa wakas makakapasok na din ako sa eskuwelahan na ito hooo"
Masayang sigaw ni Trish agad na naghanda si Trish para sa kanyang pag punta sa mall mamimili kasi sya ng mga gamit na kakailanganin nya para sa pag pasok sa eskuwelahan habang pababa sa hagdan ay napatingin si Trish sa pader at nakita ang Larawan ni Ken ang lalaking kanyang iniidolo at pinapangarap na nasa paaralang kanyang pa pasukan bukas at isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit masaya sya sa araw na ito.
Malayo pa lamang ang naririnig na nya ang sigawan sa baba, wala namang bago eh lagi namang nag aaway ang mga magulang nya, na pahinga na lamang sya ng malalim dali dali na syang pumunta sa banyo para maligo habang naliligo ay napapaisip si Trish
"Ano kaya ang mangyayari sa akin sa eskuwelahang iyon, nakikita ko kaya si Ken??
Kilig na kilig na sambit ni Trish
Pagkatapos maligo ay nag bihis na agad si Trish at kumain. Habang nasa harap sya ng lamesa ay dumating ang kanyang ina at sinabing" Oh Trish kamusta? Ayusin mo ang pag aaral mo at nang matulungan mo ang mga kapatid mo sa Probinsya, mag aral ka ng mabuti para sa kanila ha, wala na tayong pera kayat pagbutihin mo"
"Opo ma"sabi ni Trish ng walang kagana gana agad na nyang tinapos ang kanyang pagkain at naghanda na sa pag alis.
Hindi lingid sa kaalaman ni Trish na Mayroong ibang lalaking kinakasama ang kanyang ina, ngunit hindi nya magawang sabihin ito sa kanyang ama dahil natatakot sya na maghiwalay ang mga ito.Nang may dumaang jeep ay agad na nya itong pinara at sumakay, ng dumating sa mall ay agad na nyang binili ang mga dapat bilhin para makauwi agad at maiayos ang kanyang mga napamili.
Habang naglalakad papuntana sakayan ay nakita nyang muli ang larawan ni Ken
"Makikita na kita bukas masaya nyang sabi,ngunit agad sing napalitan ng lungkot ang kanyang labi." Pero ang taas taas mo di kita maabot"isa kang langit at ako naman ay lupa"Malabong magtagpo tayo" at bumuntong hininga
Umalis na si Trish sa Harap ng Billboard kung nasan ang larawan ni Ken at pumunta na sa sakayan para makauwi, at ng makauwi na at agad na nyang inasikaso ang kanyang gamit.