Pagpasok niya, inilibot niya ang kanyang paningin. Biglang kinabahan ang dalaga. Dahil mukhang may pumasok sa kanyang apartment. Hindi muna niya ini-lock ang kanyang pinto, dahil kapag may magnanakaw man, mabilis siya makakalabas. Dahil ang buong apartment ay soundproof. Kaya wala man ang makakarinig sakanya kapag nangyari man iyon.
Ibinaba niya ang kanyang gamit sa sala, at dahan-dahan siya lumapit sa maliit na kabinet na nakalagay sa tabi ng pinto. Kinuha niya ang isang kutsilyo. Oo, may kutsilyo siya nakatago doon. Isa yun sa mga armas na itinago niya sa buong apartment. Hindi naman kasi niya alam kung papasukan ba siya o hindi. Lalo na, isa ito sa bilin ng kanyang ama dahil sa oras na mangyari iyon, wala ang kanyang ama sa tabi niya upang protektahan ito. At ang araw na iyon ay ngayon.
Kinapa niya ang switch ng ilaw, medyo nahirapan siya na hanapin kaagad ito, siguro kinakabahan talaga siya ng sobra sobra. Noong makapa niya na ang switch hindi muna niya ito binuksan kaagad. Inilibot niya muli ang kanyang paningin, at maya maya pa--
*click*
Pagbukas ng ilaw, lalong naging alerto ang dalaga. Dahil baka may biglang bumulaga sakanya at handa niya itong harapin na buong loob. Kahit siya ay kinakabahan makikita mo parin sa mukha niya ang kanyang katapangan.
"May tao ba diyan?" Tanong niya, walang sumagot. Pero hindi parin mapakali ang dalaga, dahan dahan siya naglakad sa kusina, kinapa niya ulit ang switch at binuksan ito. Wala rin siyang nakita. Ibababa niya na sana ang kanyang hawak na kutsilyo ngunit may narinig siyang ingay sakanyang kwarto.
Lalo humigpit ang kanyang hawak at buong tapang siya lumapit sa kanyang kwarto. Dahan dahan niya ipinihit ang doorknob, at pagbukas niya, bigla nanlaki ang kanyang nga mata at lalo siyang kinabahan.
"I hope she likes it" nakangiting wika ng binata sa kanyang sarili. Mukhang alam ata ng binata na sa mga oras na ito ay nakita na ng dalaga ang kanyang supresa na iniligay sa kanyang kwarto.
Lumapit ang dalaga, sa kanyang higaan at kinuha niya ang isa sa mha sulat na nakalagay sa kanyang kama. Kinabahan bigla ang dalaga dahil sa mga mensahe na nakalagay.
"I love you"
"No one can have you except me~"
"I'll kill someone, just to have you"
"You're my world, Pauline"
Nanginginig ang dalaga sa kanyang nabasa. Hindi niya tuloy alam ang kanyang gagawin kaya umiyak nalang ito sa takot.
Hindi nakatulog si Pauline dahil sa nangyari kagabi. Ala-sais na ng umaga at mugtong-mugto parin ang mga mata niya. Dahil iyak siya ng iyak tuwing naaalala niya ang mga mensahe na nakasulat sa papel na nakalagay sa kanyang kama.
Hindi na inalintana ng dalaga ang kanyang mata na hanggang ngayon ay pula parin. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili, at pumasok na ng maaga sa eskwelahan.
Habang siya ay naglalakad papunta sa silid aralan, pinagtitinginan siya ng mga estudyante na naroroon. Hindi na iyon pinansin ng dalaga, dahil nakakaramdam siya ng pagod at antok. Nagmamadali siya papunta sa silid aralan upang wala makapansin sa mga kaklase niya na mugtong mugto ang mga mata niya.
Pagpihit niya sa pinto sa silid aralan nila, natagpuan niya na may nauna na palang isang estudyante sakanya. Yumuko ng kaunti ang dalaga upang hindi mapansin ang namumulang mata. Ngunit hindi siya nagtagumpay ng tawagin ang pangalan ng dalaga.
"Pauline? Are you okay?" Tanong ng binata na mukhang kakarating palang. "A-ah oo ayos lang ako Chad, I'm so-" at biglang humagulgol ang dalaga. Nagtaka ang binata at nilapitan niya ito upang pakalmahin siya. "Shh, everythings gonna be alright okay?" Pagtatahan niya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
"WHAT IF'S"
Mystery / ThrillerWhat if mangyayari ito sa tunay mong buhay? Ano kaya ang gagawin mo? What if ikaw ang nasa sitwasyong iyon, nakakapag desisyon ka pa ba ng maayos? Magagawa mo kaya? Makakaya mo kaya? Maiisip mo ba ang lahat na posibilidad na mangyari? What if hindi...
