BEWIN-COMEBACK

12 1 0
                                    

Nasa library ako nagpho-phone sa sahig sa dulo, hideout ko kasi to' after the whole class. Wala lang, gusto ko lang magtago. Nagf-facebook ako at nags-scroll sa news feed ko nang maisipan ko na i-stalk ang ka-love team ko sa room. Damn that bio, 'study first' huhu. Napakabait talaga nito kahit makulit, nagmumukha nga siyang babae kapag natawa pero I find it cute naman. Seatmate kami nun pero ala eh, binago ang seat plan. Nagitla ako nang may humawak sa balikat ko– "ay pwet ng kabayo!" sigaw ko at biglang hinawakan ang dibdib ko dahil sa gulat. "Tae ka Sherwin!" at nakinig ko siyang tumawa pagkatapos kong sabihin iyon. "Sino yan? Patingin!" pangungulit niya. "Bleh! Ala ka na dun!" sabi ko at itinago ang phone ko sa aking bulsa. Bago pa man ako tumayo, he offered his hands for me. I took it at tinulungan niya ako. "Tara kain tayo?" tanong niya sa akin. "Sige ba! Basta libre mo, san ba?" hindi niya ako sinagot bagkus hinila niya ang kamay ko at sabay na kaming tumatakbo. "H-hindi ba tayo sasakay?' tanong ko. Pero dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na nasa Sisig House na pala kami. Naka-order na ako kaya siya na lamang ang natitira sa baba dahil hindi niya maisip kung ano ba ang gusto niya, pwede naman kasing ako oopx eh kasi kalalaking tao niya aba'y choosy. Habang nag-iintay, naisipan kong mag-backread sa convo namin. Habang nagi-scroll, medyo naluluha ako kasi sobrang sweet namin noon and sobrang open sa isa't isa pero ngayon..kain as a friend.. holding hands as a friend..iwas iwas. Hindi naman sa I still like him pero tae parang ganun na nga. Dumating si Sherwin dala ang aming order kaya dali dali kong pinunasan ang aking pisnge't mata. Umupo siya sa harap ko at nagtanong, "Bat ka umiiyak? May masakit ba sayo?" tanong niya."Luh di ako umiiyak no'!" sagot ko at ngumit. Pero parang hindi sapat ang aking sagot para maniwala siya. "Sorry" sambit niya. "Hoy bat ka nagsosorry?" tanong ko. Pero di siya sumagot kaya nagtanong uli ako. "Actually, why are you still doing this?" at doon ako ay naiyak na naman."Sorry kung sa tingin mo pinapaasa kita. Ayoko kasi na mapunta ka sa iba habang bumabawi ako sa pag-aaral. Gusto ko sa akin ka pa rin naka-focus kahit mas inaatupag ko pa ang pag-aaral ngayon. Hindi kita kayang makita na nakatingin sa iba lalo na pag nandun ako, gusto ko sa akin lang. Selfish na kung selfish basta akin ka lang, ayokong mahulog ka sa iba. Bat pa kita sinasamahan? Kasi ayokong mawala yung nararamdaman mo para saken. Kaya wag mong isipin na taga-sana ol na lang ang role mo sa room, kasi tandaan mo na taga-akin ka lang." paliwanag niya at naramdaman ko ang init sa aking pisnge. Tumayo si Sherwin at pumunta sa likod ko. Naramdaman ko na may inilagay siya sa aking leeg, ah kwintas. "Keep this, it'll remind you of me kapag malayo tayo sa isa't isa, ito ang magpapaalala sayo kung gaano kita kamahal. Kahit bumabawi pa ako lalo sa pag-aaral, ikaw pa rin ang biya ko. It'll be always you Bea, mahal kita" sambit niya at dahil dun ay tumayo ako para yakapin siya. "Thanks for telling me the truth, ngayon nalinawanagan na ako.. mahal din kita" sabi ko and I gave him a kiss on the cheek. Kumain na kami at kitang kita ko ang ngiti niya, this guy is so sweet. Tanggap ko na ang sitwasyon namin, kasi alam ko naman na ang totoo, all the time meron pa rin palang kami. Pfft mahal ko to' kaya hindi ko papakawalan. "I'm winwin and I'm the only guy who could win your heart " omg he just did an aegyo, so cute.

//Comeback - BeWin
;Errors Ahead 💢
@belleb 🌸

~•~

If you wanna be advance on my stories, add me on Facebook Belle Bitoin ^•^

BelleB's Love StoriesWhere stories live. Discover now