Hidden Feelings

8 1 0
                                    

Ilo-llock ko na sana ang classroom namin pero biglang may humarang na kamay sa door knob. Lumingon ako para tingnan kung sino ito at laking gulat ko nang makita si Kian, my crush for a very long time. Mukha siyang pagod na pagod ah, tumakbo siguro tong bebe ko oopx wala pala ako nun..wala pa haha. "Anong ginaga-" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil nahila na niya ako papasok ng classroom. Inilapat niya ang pinto at kinig na kinig ko ang sound ng footsteps ng ilang mga tao sa labas. May tinataguan ba to'? "Hoy ano meron?" I whispered. Pero hindi niya ako sinagot, bagkus hinila pa niya ako papunta sa likod ng locker ko. WoweRz, I look dumb right here right now. Di niya ako kinakausap pero hinila ako? Ano ako aso? Nakuu talaga. "May problema ba?" Tanong ko. "Wala wala" sabi niya without looking. Pero tinitigan ko lang siya para naman magsabi siya ng totoo. "Hinahabol ako ng barkada ni Eric, gagantihan daw nila ako dahil ako ang nakascore kanina" sambit niya at hindi pa rin humaharap sa akin. Tae, para yun lang? Sasaktan pa nila bebe ko, oopx grr.
Tiningnan ko siya nang mabuti, mukha siyang kinakabahan as if magkakaroon na ng World War 3. Pawis na pawis pa, I offered him my handkerchief pero hindi niya ito kinuha and he did not even try to look. Pfft pa-hard to get pa ha. I decided na punasan na lamang ang noo niyang napuno na ng pawis, and there he was already staring right in to my eyes. Nakakakeleg na pangyayari, jusmeyo marimar. ""I'm sorry?" he finally talked. "Luh for what?" I asked. "Arghh ang tanga ko kasi, sorry talaga Deya. I intentionally ignore you, selos na selos kasi akoo" sambit niya na nagpamula ng pisnge ko. "S-selos? Bat naman?"

"Every time na nakikita kita kasama ang ibang lalaki, naiisip ko dapat hindi na lang kita nakilala. Nasaktan ako Deya. Pero ginusto ko eh, walang magagawa ang tadhana. Hindi ko talaga mapigilan, pakiramdam ko ang hina-hina ko kapag wala akong kibong ginawa. Damn, nagmumukha tuloy akong bakla dito arghh. Ikaw lag–" I cut him.
"Do you like me?" tanong ko, tama yan Deya..tama yan para malaman mo na ang totoo at para makahinga ka na nang maluwag. Tumango siya at biglang nag-init ang pisnge ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Tsk bat ngayon mo lang sinabi? Dapat kasi sinabi mo agad para hindi ka nasaktan ng matagal kakaiisip kung gusto din ba kita o may gusto akong iba kasi kung alam mo lang, gustong gusto kita matagal na. Mahal na nga siguro eh, ikaw na lang iniintay nitong pusong ito. Nasaktan din naman ako eh, iniiwasan mo na ako at hindi na pinapansin. Akala ko nga may girlfriend ka na eh, yung Jackie? Grr, pinapaasa mo lang ba ako ha?" tanong ko. "Hindi." tipid niyang sagot na nagbigay sa akin ng libo-libong rason para umasa. Tumayo siya at tinulungan din akong tumayo, pero pagtayo ko ay agad ko siyang inatake ng yakap. "I love you so, so much Kian..sana hindi ako nananaginip.." I said.
"I love too Deya, ikaw pa rin at ikaw lamang ang mamahalin ko. Take this bracelet na magpapaalala sayo kung gaano kita kamahal." may inisuot siya sa akin na bracelet na may nakasulat na Kian's Only. He's prepared? Aalagaan ko tong bracelet na to', tama nga ang sabi-sabi na kahit isang maliit na bagay kaya pang maipagmalaki, napatunayan ko yun dahil sa bracelet na na-receive ko from Kian. He kissed me on my forehead at niyakap ako nang mahigpit. Ikaw na talaga, Kian.

//Hidden Feelings
;Errors Ahead
@belleb 🌸

~•~•~

Don't forget to vote BBs!

BelleB's Love StoriesWhere stories live. Discover now