Yuan Zong (Steve Chen ) is on the media 😉 Enjoy your reading !!!😂
Rein
Yaaaaaaawwnnnn !!!!
Nag inat-inat ako pagbangon ko tapos ay chineck ko ang oras and masyado atang napaaga ang gising ko hindi ko rin alam kung bakit siguro kasi, today is the day and I hope hindi mangyari ang kinakatakutan ko. Ayoko pang pumasok ng buhay mag asawa....
Dahil napaaga ang gising ko ay napagdesisyonan kung magjogging, agad akong pumunta ng banyo para maghilamos then nagsuot ako ng short na may kaiksihan at nagsapatos na pagkatapos ay bumaba na ako at nadatnan ko ang mga katulong namin na naghahanda for the visitors mamaya, pinagsawalang bahala ko na lang sila at lumabas ng bahay saka nagsimula ng magjogging .....
Medyo malayo na rin ako sa bahay ng makaramdam ako ng panghihilo, kaya bahagya akong tumigil dahil sa matinding hilong nararamdaman ko, ng medyo humupa ito ay naisipan ko ng bumalik baka kung ano pa ang mangyari sakin. pero bigla na naman akong mahilo kaya diko agad nabalanse ang sarili ko at matutumba na ako pero may sumalo sakin at inayos ang tayo ko.
" hey are you okay? " tanong sakin ng lalaki at bakas ang pag aalala doon pero nasungitan ko ito dahil. masyadong naive ang question niya, I mean hindi na niya nakikita na hindi ako okay.
" do I look okay? " pagsusungit ko saka inirapan ito. narinig ko pang natawa ito kaya tiningnan ko siya ng masama.
" Tss ibang klase ka rin no? Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa ang nagsusungit. " sabi nito sakin ng may ngisi sa mukha.
" Did I tell you to help me, diba hindi? Alam mo kung isusumbat mo lang ang tulung na ibibigay mo, pwede na umalis na lang " masungit kong tugon rito at tinulak siya ngunit natumba ako pero nasalo lang niya ako ulit.
" alam kung sa ibang pagkakataon lang ito nangyari yung hindi masama pakiramdam mo, kanina pa kita iniwan kaso sa lagay mo hindi ko pwedeng gawin yun. kaya kung ako sayo ititigil ko na ang pagsusungit ko, pasalamat ka bukod sa mabait, gwapo pa ang tumutulong sayo. " mahabang litanya nito na nagparealize sakin na hindi dapat ako magsungit lalo pa at kailangan ko ng tulong, bahagya naman akong natawa sa kahanginan nito.
" oh ayan! mas maganda ka pala pag ngumingiti. " dugtong pa nito na feeling ko ay ikinamula ko kaya nakayuko ako then nakita ko sa watch ko na mag seseven na ng umaga, maaga pa naman daw darating sabi ni mama yung family nila Jacob.
" excuse me but I have to go, kailangan kong maka uwi ng mabilis kundi malalagot ako sa mama ko. " natataranta kong sabi sa kanya nagulat na lang ako ng tumalikod ito sa akin at sinusubukan ako nitong ipiggy back.
" wait what are you doing, malelate na ako wala akong time makipaglaro sayo kaya get out of my way mister! " iritado kong sabi rito.
" sino ba kasing may sabing nakikipaglaro ako atsaka sabi mo nagmamadali ka kaya ipipiggy back na kita baka nakakalimutan mong nahihilo ka, so shut up at sumampa kana sa likod bago ka pa malate. " mahabang litanya nito kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumampa na ako.
" ang gaan mo naman para kang babae Hihi " pahabol pa nito pero tumahimik lang ako dahil sa hiya, at nagsimula ng siyang maglakad. Habang binabagtas namin ang daan papuntang bahay ay nakakafeel ako ng guilt dahil sa pagsusungit ko sa kanya kaya napagpasyahan kong kausapin ito at magpasalamat.
" uhm okay lang ba? kung nabibigatan ka pwede mo naman akong ibaba eh malapit na rin naman tayo. " nahihiya kong sabi rito.
" wow first time mo atang hindi nagtaray siguro ang ganda mo pag hindi ka nagsusungit, sayang at nasa likod kita. " pilyong sabi nito kaya napalo ko ito sa likod pero mahina lang.
" Che! Ewan ko sayo! " back to my mataray tone but deep inside natatawa na kinikilig sa mga banat nito.
" haha sa totoo lang, ang gaan mo talaga kaya wag kang mag alala binibini, atsaka sayang naman tong laki ng katawan ko kung hindi ko kaya magbuhat ng magandang dalagang katulad mo at the same time nakakakonsensya pag pinabayaan ko ang magandang dalagang katulad mo na maglakad kahit may sakit Hihi. " sincere na sabi nito, buti na lang at hindi niya ako nakikita kundi makikita niya kung gaano kapula ang mukha ko ngayon. Bwesit! nakukuha niya yung kiliti ko ....
" tumahimik LA nga, ang dami mong alam! And FYI I'm gay po not a girl, mambobola!" kunwaring naiinis yung tono ko. Baka kasi isipin nito crush ko siya.
" alam ko naman na hindi ka babae pero kasi your much beautiful than a real girl so you deserve to treat like them BTW I'm Ethan Salvador, and you? " naku! Hindi na ba nauubusan ng banat tong si kuya, I mean Ethan? kanina pa ako kinikilig dito, Bwesit siya! kyaahh
" paki ko sa pangalan mo and sorry hindi ko binibigay name ko sa guy. " sabi ko dito habang pinipigil ko ang ngiti ko ng dahil sa kanya. Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa bahay sakto naman ang paglabas nina mama, papa at may kasama itong babae at lalaki rin na kaedaran lang din nila habang napanganga dahil sa gulat. At siya namang paglabas ni kuya at ni Jacob na mukhang nagkakamabutihan na.
" hi po, good morning !" bati nitong kasama ko then unti-unti ako nitong binaba, pagkababa niya sakin ay laking gulat ko ng bigla na siyang natumba dahil sinuntok ito ni Jacob, balak pa sana itong sugurin ulit ni Jacob ngunit napigilan ko ito atsaka agad akong lumapit kay Ethan.
" ano ba ang problema mo Jacob, ba't mo siya sinuntok?! " Hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan ito.
" Problema ko? Yang lalaking yan ang problema ko, tang*na!! " sigaw din nito sakin at minura pa talaga ako.
" minumura mo ba akong gago ka!?
Ano suntukan na lang hindi kita uurungan.." Galit na galit kong sigaw rito." atsaka alam mo ba na yang sinuntok mo ay ang tumulong sakin kanina? Dahil hilong hilo ako at diko kayang maglakad pauwi kaya nagmagandang loob siyang tulungan ako! " pahabol ko pang sabi kaya bigla itong natahimik ngunit ibang tingin pa rin ang pinupukol nito kay Ethan. bigla na naman akong nahilo pero sa pagkakataong ito ay si Jacob na ang nakasalo sakin at binuhat ako nito pabridal style at pinasok sa loob......
To be continue....
***********
another character na naman, sa next update ko makikilala niyo na ang mga gaganap sa mga bagong characters! Exciting to!
BINABASA MO ANG
You Belong With Me (Gayxstraight)
RandomStory of a two person with a different attitude and characteristics: The one with a jolly pero the mataray yet sweet, he is chasing by some of the guys in his school because of his natural beauty despite of his gender identity. and he really hate t...