KABANATA 3

187 0 0
                                    

- Sancha -

“Miss Sancha?” katok ni mark

“pumasok ka” agad naman itong pumasok at umupo

“Ano mark may impormasyon na ba kung sino ang biktima?” ani ko

“May nahanap akong impormasyon tungkol sa biktima ayon dito ay siya si Avery Mendez 23 taong gulang isa siyang guro sa elementarya ulila na kaya sa kanyang tiyahin siya nakatira” ani niya

“bat wala ang kaniyang tiyahin sa kanilang bahay kung saan nangyari ang krimen?” tanong ko

“Nagtratrabo daw ang kaniyang tiyahan sa mga oras na iyon at walang kaalam alam sa nangyari kay” sagot niya

“wala bang mga witness na nakakita sa nangyari?”

“sa ngayon ay wala pang naibalita kung may nakakita ba sa pangyayari” sabi niya

“Sige salamat iyan na lang muna at maaari ka nang lumabas” utos ko sakanya

“Anong motibo ni Victoria para patayin si Avery?” sabi ko sa aking sarili

agad kong hinanap ang pangalang Avery Mendez at agad ko na mang nakita ang isang litrato ng isang pamilya na may dalang dalawang sanggol hindi ko alam kung bakit lumitaw tong larawan na ito pero parang pamilyar ang isang sanggol sa akin parang nakita ko na ito pero di ko maalala

agad na mang sumakit ang aking ulo kaya hinayaan ko na lang ito at napag ispang ipag pabukas nalang ang imbestigasyon na ito

umuwi na lang ako at nagpahinga

- Victoria -

“May kaso na naman ng pagpatay ang naitala sa isla ng Del fuego” ani ng tiga pagulat

“madami pang dugo ang dadanak ng dahil sa inyo sisiguraduhin kung magdudusa kayo dahil sa ginawa ninyo sa aking buhay”saad niya

“iisa-isahin ko kayo wala akong ititira bawat galaw niyo ay babantayan ko”ani niya










Ang PaghihigantiWhere stories live. Discover now