Lost Diamond: Assumed

15 3 0
                                    


Nandito ulit ako at nagbabakasakaling pupunta ulit si Cyrus. Nagtitipa ako sa cellphone ko dahil sa pagkabagot nang natanaw ko na siya mula sa malayo.

Nabuhayan ako ng loob nang makitang papunta sa pwesto ko.

"Uy bespren!" Sambit mo nang makalapit ka sa akin. Wow bespren ang tawag sa'kin di naman masaket konti lang huhuhu charooot.

"Oh! Ano nga ulit yung sinabi mo kahapon?" Patay malisya kong tanong habang nakangiti.

"Ah yun, gusto ko sanang manligaw" Sabi niya uli sa'kin. At ito na naman tong kumakawala sa tiyan sa kilig. Kalma self KALMAAA.

"Oo nam-" hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Talaga?! Payag kang ligawan ko ang kambal mo?!" Masayang sambit niya.

"Payag kang ligawan ko ang kambal mo"

"Payag kang ligawan ko ang kambal mo"

"Payag kang ligawan ko ang kambal mo"

Tila bang nabingi ako sa aking narinig. Putek ang sakit. Ganito pala yung feeling na umasa.

Huminga ako ng malalim at yumuko para hindi makita ang namumuong luha sa mga mata ko.

"O-oo naman p-payag ako basta wag mong sasaktan ang kambal ko gayangginawamosakinngayon" bulong ko sa panghuli.

"Ano? Ang hina ng boses mo" pangugulit niya pa. Tangina ang manhid mong gago. Sino ba naman ako diba? Isang hamak na bestfriend lang.

"Sabi ko payag ako" Pagkatapos tumayo ako at nilisan ang lugar na iyon nang biglang umulan ng malakas.

Ha-ha-ha pati ang langit nakiayon sa akin. Ayoko ng magmahal ulit.

1 month later...

Naging sila ng kambal ko pagkalipas ng isang buwan na pangliligaw. I decided na pumunta sa England para doon tapusin ang pag-aaral ko. Ang sakit pa din isipin na hindi kami ang nagkatuluyan. Parang 'hinarot lang pero di jinowa' ang sakit lang ha ha ha.

---------
Itutuloy

Lost DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon