Glaiza comes out

759 42 9
                                    

Glaiza's POV: 

Yesterday was a success, natuwa naman si Rhian sa paandar ko kahapon. We had so much fun, she was easy to laugh at all my jokes, kahit yung iba korni. Inamin na rin nito ang nangyari sa kanila ni Jeremy. It was my first time to arrange a date like that. Dati kase hindi naman ako ang umeeffort para sa babae o sa lalake. Sila naman talaga ang umeeffort sa akin. I was clueless sa totoo lang, I just did what I felt was right. Nakakahiya nga kasi simpleng lutong bahay lang ni Nanay ang dinala ko at yung Lechon Kawali at Inihaw na isda ni Tatay. Nagising ako ng maaga ngayon, tuwing linggo kasi nagsisimba kami nila Nanay at Tatay. Mag-aagahan muna bago ang lahat. Bumangon ako para mag-luto ng agahan nila Nanay at Tatay. May natira pang kanin kahapon, kumuha rin ako ng tatlong itlog, bawang at longganiza. Iginisa ko muna ang bawang at kanin, tapos nag luto ako ng malasadong itlog sa kabaling pan, tapos longgoniza sa kabila.

Maya-maya lamang, bumaba na si Nanay mula sa kanya kwarto. 

"Anak? Ang aga mo namang bumangon?" Nanay said to me. 

"Opo, nay. Para maka-gala tayo mamaya." I said smiling at her. 

"Hindi ka ba napapagod? Pabalik-balik ka sa Batangas anim na araw kang naglalagi doon." Nanay said expressing her concern.

"Naku nay, hindi ho." I said smiling at her. 

"Oh ano nga palang sabi ng kaibigan mo doon sa Pinakbet na niluto ko?" 

"Nasarapan po siya, pinapasabi nya salamat daw ho." I said smiling at Nanay. 

"Ano na ngang pangalan ng kaibigan mong iyon?" Nanay asked me.

"Si Rhian Denise ho." I said to her. 

"Oh siya nga pala, wala ka bang boyfriend na ipapakilala sa amin ng Tatay mo?" Nanay asked me. 

Pero bago pa man ako naka-sagot, biglang lumitaw si Tatay. 

"Cristina, sinabi ko na sayong wag mong tinatanong ng ganyan ang anak mo." Tatay Boy said. 

"Aba Ramon, trenta'y-dos anyos na ang anak mo. Dapat nga kasal na yan at may anak na." Nanay said.

"Eh paano kung hindi pala iyon ang gusto ng anak mo?" Tatay said to Nanay. 

Sa totoo lang alam na ni Tatay ang pagiging Lipstick Lesbian ko, matagal na nitong alam iyon, pero si Nanay hindi pa nya alam. Dahil ito sa takot ko na masermonan ni Nanay. Mataas kasi ang boses ni Nanay palagi, aakalain mong galit siya, kahit na normal lang naman yun para sa kanya. Madalas rin itong mang-bully sa pananalita nya, mabigat ang kamay ni Nanay, madalas itong mamalo noon ng kahit anong hawak nito. Mabuti na lang at hindi ako pasaway nung bata ako, tahimik lang akong nag-babasa ng mga libro ko noon. Pero minsan may time na napapalo ako ni Nanay lalo kung hindi ako kumakain ng tama sa oras. Madalas kasi akong naka-tutok sa libro at sa pag-dodrawing ko ng mga plano para sa dream garden ko. Iyon lang ata ang tanging ikinagagalit ni Nanay sa akin. Bukod doon, wala ay wala naman akong naging problema.

"Nay, tama si Tatay. Paano ho kung ayaw kong mag-asawa ng Lalaki?" I said to Nanay. 

"Pwede ba iyon?" Nanay asked me.

"Pwede ho." I said to her.

Nanay frowned at me and started to question me again. 

"Bakit mo alam ang bagay na yun?" She said as I plated every breakfast item I have just cooked. 

"Isa ho kasi ako sa kanila." I said to her.

"Anong sinabi mo?" Nanay said. 

"Isa ho akong Lesbiana." I said to her.

"Ramon! Alam mo ba ang pinagsasabi ng batang ito?" Nanay asked Tatay Boy. 

"Cristina... Hamo na siya, malaki na yang anak mo, hindi ba sinabi ng pastor nung nakaraan na dapat ang magulang ang unang tumatanggap sa kanilang mga anak?" Tatay Boy said to Nanay.

"Nay, pasensiya na ho kayo, pero hindi ko na ho kasi kayang itago ito sa inyo." I said to her as I laid the plates down. 

Nanay was silent for a moment as Tatay sat on the table, bringing Nanay along with him. Nang maka-upo na si Nanay, bigla itong nag-salita. 

"Iyan na ba talaga ang gusto mo, Glaiza?" Nanay asked me. 

"Opo Nay." I said to her gently. 

"Oh siya, kung iyan talaga ang gusto mo at tinitibok ng puso mo, sige. Payag na ako." Nanay said. 

"Talaga ho nanay?" I asked her again. 

"Oo." Nanay said smiling. 

We started to eat and soon got ready for church, si Tatay ang nagmaneho ng pick-up truck ko papunta sa Victory Church. Mas malaki ang Victory church dito sa South kesa sa North. Dahil ang mga victory church sa Norte ay maliliit lang. Dahil sa Norte karamihan ay mga katoliko, naglalakihan ang mga simbahang katoliko sa Norte. Hindi ko rin alam kung bakit sa Norte malalaki ang mga simbahang katoliko. We attended church and prayed and sang songs of praise. Magaling kumanta si Nanay at Tatay, dati silang kumakanta sa simbahan na kinabibilangan nila sa Tarlac. Minsan din silang sumali sa mga singing contest sa probinsya noong kabataan nila. Pag-tapos naming mag-simba ay namasyal kami at nagpaikot-ikot sa mall.

Tapos ay kumain kami sa isang restaurant na medyo may kamahalan pero sulit naman. Tuwang-tuwa si Nanay at Tatay dahil ito ang unang beses ko silang nailibre mula nang mag-sarili ako sa Maynila. Walang paglagyan ang ngiti sa mga labi sila nanay at tatay, first time nilang makaka-kain sa isang restaurant. Madalas kasi puro lutong bahay ang kinakain nila. Namumuhay sila ng simple hangga't sinuwerte na nga ako at nagkaroon ng sarili kong landscaping business. 

Nasa loob na kami ng Supermarket ni Nanay, namimili ito ng mga bibilhin niya. 

"Anak, bakit ang mahal naman ng mga paninda rito?" Nanay said as she perused the Vegetables laid out on the shelves. 

"Nay, kasi ho may aircon sila dito eh. Tapos siguradong malinis pa." I said to her. 

Nanay's face frowned at the vegetables before her. 

"Nay, kung gusto ninyo, pwede naman tayong mamalengke sa palengke mismo." I said to her. 

"Maige pa nga. Pero mura ang mga karne nila rito, dito na tayo bumili ng mga karne, isda at kung ano pa." Nanay said.

"Okay nay." I said smiling at her. 

Umikot na kami sa grocery at maya-maya lang natapos na din kaming mamili ni Nanay. Si Tatay naman naka-upo lang sa isang parte ng mall, nang binalikan namin siya ay andun pa din ito, naka-upo at nanunuod ng Youtube sa cellphone. Ngumiti si Tatay nang makita kami at tumayo na ito para tulungan kami buhatin ang mga pinamili namin. 

A/N:

This chapter is for Vi_AndreA, I hope you had a safe trip back to Venice. (Buzzer beater na publish), ingat ka.

Spread light and love people! 

- Sky  








Time CapsuleWhere stories live. Discover now