Si aira san juan ay lumaki sa isang ampunan. Simula bata pa lang ay nandun na siya dahil iniwan siya ng kanyang ina. Ngayong malapit na siya mag 18 kinakailangan na niyang umalis sa kinalakihang tirahan. Pero bago siya umalis may kailangan siyang gawin para naman maibalik lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa ampunan."aira anong tinutunganga mo diyan ha?" napatigil siya ng marinig ang boses ng babaeng kinaiinisan niya
"sister" maagap niyang sagot
"palamunin ka na nga dito ang tamad mo pa. Bwesit na bata ka! baka gusto mong lumuhod ulit sa monggo?" galit na sigaw nito sa kanya.
Kuyom ang mga palad na umiling si aira.
"hindi po sister. Gagawin ko na po."
"yun naman pala e. Gawin mo na kung ayaw mong mapalayas ng maaga."
Tumalikod na si aira para umalis. Diretso ang lakad papunta sa dapat niyang puntahan. Habang naglalakad nakasalubong niya si travis na may mabibigat na dala.
"tulungan na kita" alok niya pero umiling lang ang binata
"kaya ko na" yun lang at umalis na ang binata
Napabuntung hininga na lang ang dalaga. Sa lahat ng mga narito sila palagi ni travis ang palaging inuutusan simula pa ng mga bata pa sila palibhasa sanggol pa lang ng iwan na sila sa ampunan.
Pagdating niya sa cr kung saan kailangan niyang linisin dahil na rin sa utos ng magaling nilang sister. Sanay na siya sa paglinis kaya parang wala na sa kanya kung marumi ito. Binilisan niya na lang ang paglilinis dahil alam niyang marami pang iuutos sa kanya ang matanda.
Dahil sa pagiging busy niya hindi niya namalayan ang pagpasok ng isang babae. Jelly is one of the mean girl here. Palibhasa palaging kampi sa kanya si sister. Iniisip din ni aira na baka mag ina ang dalawa dahil sa sama ng ugali. Natatawa na lamang si aira sa naiisip.
"look who's here? bagay na bagay ka nga talaga dito sa cr parehas kayong madumi at mabaho." nakangising sabi ni jelly
Dahil na rin sa gusto niya agad makatapos ng paglilinis hindi na lang pinansin ni aira ang dalaga. Napansin yun ni jelly kaya naiinis na tiningnan niya ang dalagang kinaiinisan niya mula ng bata pa siya. Sa inis niya ang basurang nakalagay sa trashbin ay walang habas na ibinuhos niya sa malinis na sahig. She smirk to aira.
"pakilinis niyan ah Ang kalat pa kasi" patawa tawa niyang sabi
"bakit hindi ikaw ang gumawa?" balik ni aira habang nakakuyom ang kamao
"inuutusan mo ako? how dare you? ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang katulong dito ikaw ang maglinis niyan o baka gusto mong isumbong kita kay sister?" nanghahamong saad nito
Dala narin ng inis, matalim ang mga matang tumingin si aira kay jelly habang may kakaibang ngisi. Hindi maiwasaN na kabahan ang dalagang kanina lang ay matapang. Dahil sa kaba dahan dahan siyang umatras upang umalis dahil nakita niyang humakbang palapit sa kanya si aira. Tatakbo na sana siya pero mabilis na nahagip ng kamay ni aira ang buhok niya at malakas na hinila.
"where do you think your going?" malamig ang boses na sabi ni aira
"bitawan mo ko! siste--" hindi na niya natapos ang sigaw dahil mabilis siyang iniumpog ni aira sa lababo na malapit sa kanila
"bitch!! matagal na kong nagtitimpi sayo and now tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo jellybeans!" masayang sabi ni aira
"aira aira bitawan mo ko pleasee." pilit inaalis niya ang mahigpit na pagkakahawak sa buhok niya
Nahihilo siya pero nakikita niya pa rin ang mga ngisi sa labi ni aira. Ito ang unaNg pagkakataon na nakita niyang nakakatakot ang dalaga. Palagi kasi itong mahinahon kahit na inaaway at palaging inuutusan. Napatili na siya ng hilahin ulit ni aira ang buhok niya hanggang mapaupo sila at tumapat sa mga basurang kinalat niya. Mas lalong lumakas ang tili niya ng walang anong isinubsob ang pagmumukha niya sa mga basura. Halos di siya makahinga dahil na rin sa masyadong pagkakadiin ng kanyang mukha sa sahig. Nananalangin siyang sana ay makarinig at tululong sa kanya pero wala. She cant believe it Aira is a MONSTER!!!
BINABASA MO ANG
Monster in Me
Mystery / ThrillerA psychopath story ~Psychopath Series~ start: oct.16 2019