Chapter 1

0 4 0
                                    

Third person POV

Wala na yung matapang na jelly ngayon. Pagkatapos ng nangyari sa banyo takot na yung nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si aira. Wala siyang magawa dahil hindi siya pwedeng magsumbong sa kanilang sister. Baka nga gawin nito ang banta sa kanya. Mas okay na lang na iwasan niya ito wag na inisin.

Napansin ito ni sister gina. Hindi na niya nakikita na inuutusan ni jelly si aira kaya labis ang pagtataka niya.

Malalim ang gabi ng magising si sister gina kung saan napansin niya na may tao sa kwarto niya. Pinilit niyang hanapin ang switch upang buksan ang ilaw ng may kamay na humagip sa kanyang ulo. Pinilit niyang manlaban kahit alam niyang hindi niya kaya dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak. Pilit niyang inaaninag ang isa pang tao na papalapit sa kanya. Nahagip ng kanyang mata ang kumikinang na dala ng taong yun. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil na rin sa takot.

"s-sino kayo?" pinipilit niyang labanan ang takot na pilit na lumulukob sa kanya

"no need to know" sagot ng nasa harapan niya

Narinig niya ang mahinang tawa ng nasa likod niya. Alam niya kung kaninong mga boses ang narinig niya.

"sister gina sorry not sorry but we have to do this."

"galing mo mag english A" natatawang sabi ng isa

"aira,travis" may halong takot na sabi ni sister gina

Humagikhik si aira. Hindi maalis ang ngisi sa mukha nila.

"anong ibig sabihin nito?"

Nasilaw sa liwanag si sister ng buksan ang ilaw. Nasa likod niya pa rin si travis habang nasa unahan lang niya si aira. May mga inosenteng ngiti ito. Napansin din niya ang kutsilyo na hawak nito. Napa sign of the cross na lang siya. Alam na niya kung bakit nandito ang mga to.

"hello sister" magiliw na tawag sa kanya ni aira. Parang wala lang kung ipakita nito ang kutsilong hawak.

"you can scream but no one can hear" tumawa ito pagkatapos niyang sabihin

"anong ibig mong sabihin ha? ano to aira? travis? bakit niyo to ginagawa? gusto niyo akong patayin?" para nang mahihimatay ang matanda

AN: sorryyyy for the late update🥺
Thank you for reading:)

Monster in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon