Chapter 1
Saturday November 26
Today, wala akong plano. Actually may plano talaga ako. May date kame ni Jared kaso kinancel nya early this morning lang kase may meeting daw ang officers ng Varsity Club. So.. apparently nacancel nga ang plano and I have nothing to do today.
Dahil nga naman walang tao sa bahay, nagdecide akong lumabas nalang at magpunta ng Megamall. (Add feeeee naman jan oh!! Hahahaha.) Hayshhh... Ganun talaga.
Naglalakad-lakad lang ako sa mall nang accidentally e napadpad ako sa I Want My Bubbles. (Guys, advertiser talaga ako e. Hahahaha.)
And shoot! Andun si Jared. Wait sinung kasama nya? Whoah. He didn't told me na short pala sa members ang varsity nila at dalawa lang ata silang members o.
It's a girl. Well, she's a girl. Wala namang masama dun diba. Ayokong mag-isip ng masama about what's going on e. I'll just ask him later. So I continued walking. Pero hindi ko maalis ung mata ko sa kanilang dalawa.
Taena. Niloloko ko lang sarili ko neto.
And he started holding her hands and putting his arms on her waist. Malabo mata ko pero hindi pag may suot akong glasses. (Malamang. Hahahaha.) “Juice ko. I am not seeing this.”
Hindi ko na napigilan sarili ko kaya lumapit na 'ko sa kanila.
“Uhm. Hi Jared. I can't believe magkikita tayo dito.” Ngumiti ako ng sarcastic. Pero mukhang wa epek, medyo garalgal pa boses ko.
Si girl naman mukhang gulat na gulat. Sus! Multo ba 'ko? O maputi lang talaga.
“Ivy, uhmm... This is Arlene. Uh, kelan ka pa dumating dito?” Nako, mukhang natataranta na sya. Sige lang. Gusto mo to diba. Parate naman e.
“Uhm kararating ko lang. Medyo. Pero parang medyo kanina pa ata.” At inirapan ko yung girl.
“Uhm, Ivy katatapos lang ng meeting namen and-”
“Hi! Ako nga pala girlfriend ni Jared. Ivy.” Tameme ung girl and she looked confused kay Jared.
“Ivy, please. Let me explain.”
Dinampot ko yung milk tea shake nya sa mesa at sinaboy. San pa ba? E di sa mukha nya! Hahaha. Grabe, how can I laugh at this situation. Wawa naman ung girl. Nadamay pa sya. For one fleeting moment nabansagan syang kabet kahit na hindi ko sabihen sa kanya diretso.
“Ivy, please.” Gulat na gulat sya sa ginawa ko e.
“Anong please?!” Sorry. I'm making a scene here. E kasi naman e. “Jared!!” Sinigawan ko sya sa mukha nya. Nagtinginan tuloy ung ibang costumers samen.
Lumingon ako kay girl. Watery eyes na 'ko at that moment. Tas tumayo sya. “Uh, maybe I should go. I should be going.”
“No! Umupu ka jan.” Inirapan ko ule sya. “Jared! Argg!!!” Umiiyak na 'ko. May golaaayy. “Ano ba! Gusto kong sundutin ng straw yang mata mo!” Okay. Sorry na talaga. Nagwawala na 'ko.
So whisper shout nalang. Alam nyo un. “Pwede mo namang sabihen e! Akala mo ba hindi ko maiintindihan?! Why do you kept doing this Jared?! For the third time nakikipaglandian ka na na-na-nam-man s-sa i-ibang b-bae. Pw-pwede mo n-na-namang s-sa-bihen s-sa-ken kun gusto m-mo uleng maging single eh!” I can't belive I'm doing this. Iyaken talaga ako guys.
Mahigit one year naren naman kasi kame ni Jared. And I thought forgiving him and giving him chances to show he's sorry will take our relationship farther and stronger. Pero I was wrong. Nagtyaga ako sa kanya kase no matter what he kept returning kahet anong away pagdaanan namen. Grabehh!!! i was sooo wrong.
“Ivy, this doesn't-”
“Shu-shut up! Okay! Naiintindihan ko kun makate ka talaga. Then go. H-hindi ibig sabihen na pinagbibigyan kitait means na okay lang saken kahet ulit-ulitin mo.” I looked at the girl. “Sorry ha.” Then I wiped my tears tas nginitian ko sya.
Umales na 'ko dun sa Bubble Tea. Ayoko na ngan pumunta dun. Kilala na 'ko nung mga bantay. Nakakahiya naman.
Pagod na siguro ako. Siguro nga.
~end of chapter 1~