Pagibig at Sakit

4 0 0
                                    

Kakaiba ang aking nararamdaman,
Sa tuwing ika' y nasa aking harapan,
Ang lahat ng problema'y nalilimutan,
Pag nasisilayan ang 'yong kagandahan,
Damdami'y di maampat ang kagalakan,
Sa pagibig na ating pinagsasaluhan.

Pangakong sa puso'y hindi mawawala,
Ipagkaloob lang ang buong tiwala,
Sa iyong ngiti'y laging natutulala,
Titingalain kang parang isang tala,
Puno ng kasiyahan ang bawat gala,
Higit pa sa sapat ang ligayang dala.

Mabilis na lumilipas ang maghapon,
Nililibang ka ng oras at panahon,
Iginugol sa iba ang 'yong atensyon,
Maraming nasayang na pagkakataon,
Pagmamahal ay naglaho't itinapon,
Nawalan ng halaga ang bawat taon.

Di nakatiis ikaw saki'y nagtapat,
Ako'y hindi sapat at di nararapat,
Nagsusumigaw na damdami'y naawat,
Nadurog ang pusong sa iyo ay tapat,
Ikaw ang nasasandalan at kasabwat,
Ngunit panandalian lang pala lahat.

Ang aking pusong walang tigil ang pintig,
Bumabalik sa ala-ala ang tinig,
Mapaglarong pangakong sayo'y narinig,
Pagsusumamo at sakit ang nanaig,
Ang inakalang maswerte sa Daigdig,
Nagpapasalamat sa iyong Pagibig.

Ang namumuo saking galit at sakit,
Nagmula sa paglisan mong sobrang pait,
Ang istoryang ako lang ang kumakapit,
Ang ala-alang kakalimutang pilit,
Pangakong di na magtitiwala ulit,
Salamat sa iyong Pagibig at sakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagibig at SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon