DNP-DNE, She died, 10 signatures to bargain with God.

1.9K 11 2
                                    

Ang PINAKANAKAKATAWANG STORY EVER!!!!!

Yan ang DNP-DNE or in long ay Diary ng Panget-Diary ni Eya.

Sobrang nakakatawa siya as in simula pa lang hanggang sa dulo promise! Kwelang storya ng isang panget SABI NIYA (Eya) pero I don't think na panget siya. I mean maybe we people judge other people for their looks but based on my experience, mas masarap silang friends dahil sa kanila, walang kaartehan, walang kaplastikan, walang pretentions. They live by the saying na what you see is what you get.

Sobrang naaliw ako sa DNP-DNE dahil sa twists and turns nung story. Akala ko nung una magkakalove triangle ng hardcore kina Chad, Eya at Cross. 

The best din ang Teach me how to dougie scene nina Chad at Eya.

Yung..Amp! Natatawa ako sa LBM palusot ni Eya. Shems! Nakakahiya yun pero keri lang hahahahahaha

At love na love ko din ang knight in shining skirt ni Eya na si Lory. Hehe

Teka..Madami ng spoilers. Haha sa mga di pa nakakabasa neto na nalulungkot, nalulumbay, walang magawa sa buhay at naghahanap ng magandang mababasa.. NOW YOU HAVE THE PERFECT STORY TO READ.. Yun ang Diary ng Panget-Diary ni Eya.

Okay.. Next naman, hehe

SHE DIED.

Fantasy man siyang maituturing kung genre ang paguusapan, eto lang ang masasabi ko..

HINDING HINDI MO MAIISIP NA FANTASY YAN LALO NA PAG NAGETS MO NA YUNG MORAL LESSON NG STORY..PROMISE!!

Si Eros na basagulero, may attitude at tamad magaral kailangang magbago para sa isang wish na magagrant naman ng ANGHEL na si Eris. 

If you will look into this on a different view masasabi mo na ahm.. Medyo mahirap.. Pero may imposible ba kapag LOVE na ang pinaguusapan? LOVE CONQUERS ALL. I am not only pertaining to the "Romantic Love" but also the love for your parents, siblings and friends. 

Sa totoo lang ang She died ay dinadaan daanan ko lang kapag naghahanap ako ng mababasa. Dati kasi isa akong dakilang Silent reader. Hahahaha

One day, habang nagpapakalunod ako sa KAPE dahil antok na antok talaga ako.. Tapos nakita ko ulit yung SHE DIED. Nung mabasa ko yung description na tungkol siya sa Anghel, waaaaaaaaaaaa! Click ako agad para mabasa siya. Kasi naman.. Adik ako sa City of Angels. Hahahaha

 Hala, nagiging emosyonal na ako.. Hihihi. Okay next na! :D

PS: Alam niyo ba yung talagang tumatak sa akin sa story na to? Grabe umabot talaga ako sa point na ahm.. Pinost ko siya sa FB. Hehehehe

The law of inertia..

Di na ako mageelaborate. Hahaha. Basahin na lang. :Dhihihi 

10 Signatures to bargain with God.

SOBRANG NAIYAK AKO SA STORY NA TO. As in!! 

What would you do if you knew na malapit ka nang mamatay? Na iiwan mo na ang lahat ng mahal mo sa buhay? 

Masakit yun, masakit para sa mga taong nagmamahal sayo pero pinakamasakit yun sa taong mamamatay. 

That person doesn't have any other choice but to accept everything. 

Mahirap pero kailangan. Hindi man natin aminin pero walang makakapagpalakas ng loob ng mga tao sa paligid natin kundi tayo mismo. Masakit kasi, you couldn't plan for the future anymore. Kasi malaki yung chance na madisappoint ka. Mahirap yun. 

Pinakatinamaan ako nung malaman ko na ang pang10th pala sa signatures ay si... (Basahin na lang. Hihihihi)

Hindi biro yung tibay at lakas ng loob nung bida dahil napakahirap kaya na tanggapin na mamamatay ka na. Pero saludo ako sa dahilan niya kung bakit siya nangolekta ng 10 signatures.

There, yan ang tatlo sa pinakapaborito kong story na ginawa ni Ms. HaveYouSeenThisGirL.

She's my inspiration, mula nung mabasa ko yung mga story niya pati na rin yung WritingTips and FAQ's. I thought maybe I could write. Madame na akong story, poems at iba pa na nagawa dati eversince 1st year highschool pero wala akong lakas ng loob na ipakita, ipabasa or ipaalam man lang sa iba na nagsusulat ako. Kahit bestfriend ko hindi alam yun. 

But Ms.Denny inspires me a lot. Kaya ayun. Pinost ko ang isa sa mga story ko na ahm..Matagal ko nang itinago sa baul. Wahaha

Anyways, Ms. Denny.. Hope you create a lot more inspirational stories. And I just want to tell you that I really love your stories. Syempre pati na din yung writer! I love you Ms. Denny. And I wish you the best of luck in any case na magpapasa ka na ng manuscript. 

<3lots. Anghel. :))

Stories worth reading. :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon