Pudding's POV :
* RIINNGGGGG *
Nasa hallway kami ngayon ng mga kaibigan ko na sina Apple at Avo. Si Apple ang best friend ko simula bata pa lamang. Si Avo naman, well, siya ang aking boyfriend. Hehe. So yun na nga, nandito nga kaming tatlo sa hallway, naglalakad nang biglang nagkwento si Apple.
" Guys. I heard something about sa church doon sa likod ng school. " sabi ni Apple. Nagkaroon naman agad ako ng interest as sasabihin niya.
" Ano yun? " Tanong ko
" Meron daw bunker doon " Sabi ni Apple
" Ano yung bunker? " Tanong ni Avo
" Yun yung parang safe house or basement sa ilalim ng mga gusali na kung saan, kung mayroong giyera na mangyayari, doon sila maaring tumira upang maging ligtas " Sabi ni Apple
Nagkatinginan naman kami ni Avo at sabay napa " Ahhhhh "
" So ano nga bang meron doon? " Mabilisan kong tanong.
" Dati raw, may limang mag kakaibigan na naghahabulan tapos napadpad sila sa may church. At doon, na-discover nila ang bunker. Pagkatapos daw nilang pumunta sa bunker, isa-isa silang namatay. Ngunit may isang nabuhay at hindi nila alam kung sino ito. " Sabi ni Apple
" Soo... " Maikling litanya ni Avo " Bagong case and adventure na ba ito? "
Nagkatinginan kami ni Apple at sabay na nagsabi nang " Heck yeah it is!!! "
" Kailan natin pupuntahan yon? Eh diba restricted area na yun sa mga students? " Tanong ko.
" Siyempre, hindi natin yun gagawin agad agad. On friday, after class natin yun gagawin. Isa pa, yung janitress ang isang estudyante na natira sa lima. At every friday ay nagsisindi siya ng mga kandila doon. So when the school ends, pupunta muna tayo sa janitor's quarter at hihintayin muna siya then tsaka natin siya susundan. Pag pasok na tayo sa bunker, hintayin natin siyang umalis bago natin isagawa ang adventure. " Pag-eexplain ni Apple.
" Okay. So on friday, set na yan ha? " Paninigurado ni Avo.
" Of course. " Siguradong sabi ni Apple.
----- TIME SKIP-----
Friday na ngayon at nandito kami nila Avo at Apple sa kanto malapit sa janitor's quarter. Kasalukuyan kaming nakadungaw at iniintay si ate janitress.
Maya-maya lang ay nakita na namin si ate janitress na umalis sa kuwarto at may hawak siyang kandila. Sinundan naman namin agad si ate janitress at sinigurado naming hindi niya malalaman na may sumusunod sa kaniya.
Nakarating na rin kami sa church makalipas ng ilang minuto at binuksan nga ni ate janitress ang gate na humaharang sa kahit na sinong nagbabalak na pumasok sa church.
Sinundan namin siya hanggang sa nakarating na kami sa sinasabing bunker na nakakabit sa lupa. Sinundan naman namin siya agad nang tahimik. Nag-intay kami dito sa isang sulok sa loob ng bunker hanggang sa narinig namin si ate janitress na umalis na at sinara ang pinto.
" Phew. Matagal tagal din iyon ha. Kanina pa ko nangangating magsalita eh. " Pabuntong hiningang sabi ko.
" Yeah. I have to agree. " Pagsang-ayon ni Apple.
YOU ARE READING
Bunker ( One-Shot )
HorrorTungkol ito sa tatlong magkakaibigan na na-curious kung anong meron sa bunker sa kadahilanang Ito ay nasa likod ng simbahan sa kanilang eskwelahan. Mahilig silang mag-adventure. Delikado man Ito o hindi. Kaya basahin na ang istoryang ito at samahan...