This short story is actually based on my own experience of First Love. This is my very first story and I know my writing is not that good so bear with me. Hehe…
Less than 2 weeks na lang pasukan na. Start na ang new chapter ng buhay ko. College na ako! Last week, nag-take ang lahat ng freshmen ng placement test sa English. I thought wala lang yun kasi nakapasa na nga ako at naging scholar sa La Salle so binasta ko na lang ang pagsasagot. Ang hindi ko alam, pre-requisite yun ng Communication Skills. Pag bagsak sa Placement test, you have to take a one week program of English Plus Subject para makuha mo yung Communication Skills na subject for the first Sem.
It’s Monday. And yes! Bagsak ako sa placement test so I have to take that English Plus for a week. One whole week of pure English from 8am-5pm… Gross! Too good, I am not alone. Bagsak din ang mga friends ko na sina Reggie at Joy.
“Mare, kanina pa nakatingin sa’yo yung classmate natin na yun, oh.” Sabi ni Reggie. Tinuro nya sa’ken yung lalaki few rows away my front. Nag smile sya sa’ken. Tumingin ako sa Likod ko and I realized na nasa Last row pala ako nakaupo.
“Kilala mo?” Tanong ni Joy.
“Hindi.” Then nagkatawanan kami saka itinuloy ang pagsasagot sa activity na ginagawa namin.
Lunch break na. Nasa canteen kami at kumakain. May lumapit sa aming lalaki.
“Pwede maki-share.” Tiningnan ako nina Reggie at Joy tapos nakangisi pa. Anung meron? Hahaha.
“Sige po.” Sagot ni Reggie. Umupo yung lalaki sa tapat ko sa tabi ni Reggie.
“Po? Magkakasing tanda lang naman tayo ah.”
“Haha. Oo nga. Kaklase ka namin, di ba?” Tanong ni Reggie. Feeling close agad to talaga kahit kailan.
“Yup. Jaycee nga pala.” Kinamayan nya si Reggie.
“Reggie.”
“Joy.” Sabi naman ni Joy na kinamayan din ni Jaycee.
“And?” Tumingin sya sa’ken.
“Sally.” Tapos kinamayan nya ako pero mas matagal yung hawak nya sa kamay ko kesa kayna Reggie at Joy.
“Ehem… So, Jaycee, anong course mo?” Tanong ni Joy.
“ECE.” Kayo?”
“BS Psychology ang sa’ken” Sabi ni Joy.
“Kami ni Reggie, Education.” Sagot ko.
“So… Future Teachers. Pwede mo ba akong turuan?” Tinitigan nya ako tapos naka smile sya. Cute pala sya.
“Pick up line ba yan?” Tanong ko. Tumawa lang sya. Grabe, sya yung lalaki pero sya yung madaldal. Ang dami nyang kwento at wala na kami ginawa buong lunch kundi tumawa. Di ko na nga naubos ang kinakain ko dahil sa kakatawa.
3 days na nung magsimula ang English Plus Program. Ganun pa rin kami. Bored pero paminsan-minsan masaya dahil kay Jaycee. Binibiro pa nga nya akong chuchay dahil kaya ko gayahin yung boses bata na yun.
Saturday na! Finals na! Sa wakas last day na ng program! Nagrereview ako katabi si Reggie. Nakita ko sya na nagsosounds habang nagbabasa ng notes nya. Tumungo ulit ako saka nag review.
“Huy!” Lumingon ako para tingnan kung sino yung nag huy sa’ken. Nagulat na ang ako na muntik ko na mahalikan si Jaycee sa lips dahil sobrang nakalapit yung mukha nya sa mukha ko. Uminit yung feeling ko. Feeling ko nanigas ako sa pagkakaupo ko.
YOU ARE READING
FORGET ME NOT [ONE-SHOT]
Teen FictionIf it's meant to be it will happen. Not all promises are meant to be broken. Some are meant to be kept and fulfill what was said. True love waits. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kahit gaano katagal pa kayong hindi magkita, love will always...