December 2010 nangyari to sakin. Mga 9 years old palang ako nung nagka appendicitis ako. Kasi gumagawa yung pinsan ko ng bracelet edi maraming beads. Tapos ako kumuha ako ng isa, nilagay ko sa bunganga ko tapos ginawa kong parang pito tpos hinihipan hipan ko. Aksidente kong nalunok yung bead nayun at pagkatapos nun nagkasakit nako.Fast forward, naconfine ako sa East Avenue Medical Center dahil sasabog nadaw yung appendix ko. Sobrang sakit ng tyan ko. Tapos sabi ng doctor "kailangan ng tanggalin yung appendix ko" kasi may nakitang isang bagay dun (malamang yung bead na nalunok ko) na nagcause ng appendicitis. Lumipas ang ilang araw ay nagulat ako ooperahan napala ako hahahah wala akong kaalam alam, dinala ko sa OR, ininjectionan, pero kalahati lang ng katawan ko yung manhid talaga, nagagalaw ko pa yung itaas na bahagi ng katawan ko kasama kamay ko. sa panahon ng operasyon , parang nakikiliti ako habang may kinukha sila sa tyan ko hahaah dahil bata panga natatawa ako kasi nakakakiliti talaga sya tpos andaming nakapalibot sakin kahit nakahubad ako.
Nakikiliti ako kaya hahawakan ko sana yung tyan ko buti nalang napigilan ako ng mga doktor kung hindi nahawakan ko ng bukas yung tyan ko hahaha kadiri. After nung operasyon, dun ko naramdaman. Grabe as in sobrang sakit. Nawala na kasi yung anesthesia. Dinala ako sa recovery room yung mga kasama ko mga kakaopera lang din pero mga tulog pero ako GISING NA GISING. Hahaha iyak ako ng iyak kasi ang sakit sakit talaga as in. Sabi ko pa "Doc assist niyo ko ansakit oh bat niyo ko binutasan, jusko naman pengeng pain killers" hahaha natatawa parin ako pag naaalala ko mga pinagsasasabi ko dahil sa sakit. Tapos maya maya biglang may sumigaw.
Ang rinig ko at ng mama ko, sabi nung babae "Doc!! Doc!!!" Edi sabi ni mama, hayaan lang daw baka emergency lang. Tapos maya maya ang ingay na sa labas hahaha bigla kaming inalalayan ng mga nurse nagulat kami.
Nurse: Maam kailangan po nating lumabas dito sa building
Mama: ha bakit?
Nurse: Kuya kaya mo bang lumakad?
Me: po? Eh ang sakit sakit pa po ng opera ko.
Nurse: eh kasi po anoo ehh (medyo natataranta pero ayaw nyang magsanhi ng gulat)Yun pala yung sigaw ng babae sa labas "Sunoggg Sunoggg!" Hahahaa jusko edi nataranta na ang lahat. Alam niyo ginawa ko? No choice edi lumakad ang kuya niyo. Hahahaah imagine, kakaopera ko palang naglakad nako from ikaapat na palapag hanggang ground floor real quick hahaha. Bawal elevator kaya sa hagdan iyak hahaha. Syempre hirap ako ang sakit nga eh. At yung hinding hindi ko makakalimutan, yung mga kapwa ko pasyente, di ko alam kung maaawa ako o matatawa Hahaah.
Parang ganito eksena sa ospital:
-Yung mga pilay nakalakad
-yung mga kakaopera walang paki sa sakit basta makalabas lang ng building
-yung mga bagong anak na bata tag dadalawa bitbit nung ibang nurse
- tapos yung malala, nakakita ako ng pasyenteng inooperahan na nilabas sa ospital bes. Hahaha yung bukas pa yung tyan na walang malay nasa stretcher hahaha.Hay grabe paglabas namin ng building andaming media. Actually nahagip akp ng camera sa 24 oras habang naglalakad eh. Gusto ko sana mapanood ulit kaya lang wala nang nagupload ng episodes from 2010 eh.
Kung nabalitaan niyo yung sunog sa East Avenue nung december 2010. Nandun ako kakaopera ko lang. Naexperience ko yung mga eksena sa ospital habang nagtatakbuhan lahat ng pasyente na may dextrose tpos puro dugo na yung nasa tube hahaha. Literal, "run for ur lives". Hahaha