one shot

3 0 0
                                    



"Doon mahal!" Turo ko sa isang cart ng street foods sa aking boyfriend.

"Huwag mo na lang ituro mahal, alam ko namang iyan ang paborito mo." Napangiti ako sa sinabi ni Troy. boyfriend ko siya, 2 taon at kasalukuyang nagbibilang na ang relasyon namin. Masuwerte ako sa kaniya dahil napakabuti niya sa akin. Binubuo niya palagi ang araw ko at laging sinusuportahan ang mga gusto kong gawin. Boyfriend material sa madaling salita.
Hinila niya ako sa bilihan ng street foods na tinuro ko. Masaya kaming kumain at nagkulitan rin.

"Mahal paano kung isang araw, mawala ako sa buhay mo?" Nasamid ako sa kaniyang tinanong at napataas ng kilay.

"Hindi mangyayari 'yun baliw, e 'di parang panaginip lang lahat ng ito." Napangiti naman siya sa aking sinabi.

"mahal kita!" Banggit nito at nilapit ang mukha sa akin, napansin kong nag-init ang aking pisngi.

"Heh! Mahal mo, mukha mo, bilhan mo muna ako ng isang baso ng kikiam!" pataray na sabi ko at napatawa naman ito.

Puno ng saya ang araw ko at dahil iyon sa kaniya. Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa mga parke, malls at nagpunta sa mga arcade.

Pagkatapos lahat ng ito ay inihatid na niya ako sa aming bahay.
"Kita tayo bukas ha, mahal kita, mahal!"

"mahal din kita." at hinalikan niya ako sa aking noo bago umalis.

Maaga akong nagising at nag-ayos para mapagkita kay Troy.

Nandun na siya nung ako'y makarating.
Agad naman akong tumabi sa kaniya.

"Hello mahal! Magandang araw,  mahal kita."

Umihip ang malamig na hangin at nakapikit kong dinama ito habang dumadampi sa aking balat.

Nakangiti kong minulat ang mata ko.

Kinuha ang lighter sa bag at sinindihan ang namatay na kandila sa tabi ng kaniyang lapida.

"mahal kita, mahal, sana tulog na lang ako palagi. Doon lang kita nakakasama eh."

Yeah, panaginip lang lahat ng iyon, matagal nang patay ang aking boyfriend. Sa panaginip ko lang siya nakikita't nakakasama.

Unti-unting tumulo ang aking mga luha.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Favorite Nightmare"Where stories live. Discover now