" I am Miles, lumaki ako sa maayos at masayang pamilya. Yung mom and dad ko are both businessperson pero kahit busy sila they can still manage to have time with us. Bunso pala ako sa tatlo naming magkakapatid. Yung kuya ko grumaduate bilang seaman, yung ate ko naman piloto, kaya anytime pwede ako pumunta ng ibang bansa mapa-sea or land pa in terms of travel. Odiba? Swak! Hahahaha, anyways balik tayo sa 'kin. Ang kinuha ko pa lang course ay art major, kasi mahilig ako sa arts ang arte arte ko kasi eh, charot. Ganun pa man kahit art major kinuha ko, tumutulong pa rin ako sa business ng mom and dad ko. Ako na lang kasi naiwan dito sa Pilipinas eh.
Everytime na I'm gonna start to make my new art I always wanted to do it in a safe and parang makakalikasan na lugar kasi wala lang nakakarelax kasi kaya yun, One time, there's this bridge na napuntahan ko, it was quiet and peaceful, naririnig ang huni ng mga ibon, tapos pati yung tahimik na agos ng tubig ng napakalaki at napakalalim na ilog, pati na rin yung tunog ng hinahangin na dahon ng mga puno, ang sarap sa pandinig at pakiramdam. Yung ilalabas ko na sana yung art materials ko, I saw this weird-looking man. HALAAAA! Mukhang tatalon ata! Di ko alam gagawin at that time. Kung lalapitan ko ba o hahayaan ko na lang. So ayun may conscience pa naman ako kaya agad ko syang nilapitan, kaso sa sobrang nervous at nagka-adrenaline rush na ako. Di ko na alam pinagsasabi ko. Medyo nakakahiya ang nasabi ko pero at least bumaba sya.""Ako si Lester, I become the breadwinner at the age of 18, habang nag-aaral ako nagtratrabaho ako. Tatlo na lang kami magkakasama, ako, tatay ko at ang aking little brother. Namatay kasi ang mama nung nanganak sya sa bunso namin, Tapos yung tatay ko naman, dati syang Jeepney driver kaso nagkaroon ng aksidente noon, nabangga yung jeep nya ng truck, kaya naparalyzed kalahati ng katawan nya sa may bandang binti dahilan kaya di na sya makapagwork, nagbibigay naman every month yung nakasagasa kaso sakto lang para sa pang bayad namin ng upa at bills. Kaya napilitan akong magtrabaho para maitaguyod kami.
School, bahay, work, school, bahay, work. Laging ganun ang schedule ko. Kinakaya ko pa naman. Entrepreneur ang kinuha kong kurso, at dahil may work ako noong nag-aaral ako nakapag-invest ako ng business, yung simpleng franchise lang. At dahil dun napaaral ko na din kapatid ko, medicine ang kinuha nyang kurso. At napagtapos ko na din sya.
Nalulungkot ako kasi tuwing nakikita ko ang tatay namin patanda na sya ng patanda kaya every weekend my bonding kami punta sa park o kain sa restaurant ganun. Isang weekend nagkayayaan kami ng mga colleages ko, dahil minsan lang naman to kaya pumayag na ako. Yung kapatid ko naman may importanteng aasikasuhin sa hospital na pinagtratrabahuhan nya. Napasaya ang kwentuhan namin ng mga colleagues ko kaya napatagal ako, hindi na tuloy kami nakalabas ng tatay ko. Pag uwi namin ng kapatid ko, nagulat kami sa nakita namin ang daming ambulansya ang nakapaligid sa bahay namin, dali dali kaming sumilip ng kapatid ko pag tingin namin. Si Papa! San nyo dadalhin si Papa? Anong nangyare kay Papa!? Sumunod kami sa ambulansya na isugod sa hospital si papa. Nung nasa hospital na, chineck ko yung phone ko. Ang daming missed call ni Papa at may mga message din sya.
"Nak, san kana?"
"Nakabihis na ko nak."
"Gamit ko yung pabango na bigay mo."
"Nak, matagal ka pa ba dyan?"
"I love you, anak."
Napapatak yung luha ko, tapos yung kapatid ko may mga nareceive din text na parang ganun.
Lumabas na yung doctor. "Doc, ano na po? Kamusta na po? Ano pong lagay nya?" Napayuko at nalungkot ang doctor, parang biglang natahimik ang lahat sa buong paligid ko. Tanging ang iyak ko at iyak ng kapatid ko lang ang naririnig ko. "IKAW KASI KUYA EH! UMUWI KA SANA NG MAAGA PARA SANA SUSUNOD AKO SA FAMILY BONDING NATIN DIBA?? KASO ASAN KA? ANONG GINAWA MO!!? BAKIT DI KA UMUWI NG MAAGA!?" "NAKALIMUTAN MO BA? BDAY NI PAPA NGAYON?" WALA TALAGA AKONG AASIKASUHIN SA WORKPLACE KO INASIKASO KO LANG YUNG SURPRESA KO SANA SA KANYA!" .
Hanggang sa binurol at nailibing na si papa pero si Dylan, ang nakababata kong kapatid, ay ganun pa rin ang trato sakin, galit pa din sya sakin, malamig pa din ang pakikitungo nya sakin na halos parang di na nya ako kinakausap kahit nasa iisang bahay lang kami. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Isang araw nagising ako, wala na mga gamit ni Dylan, pati sya, tapos nag iwan na lang sya ng letter sabi nya sa Canada na daw sya magtratrabaho at wag ko na daw sya subukang sundan o hanapin magiging maayos naman daw sya. Nalungkot ako sa nabasa ko, kasi mag isa na lang akong maiiwan.
Sinubukan kong magfocus na lang sa trabaho ko at umuwi na walang sasalubong sa akin sa bahay na kung paano ko iniwan yung bahay ganun ko pa rin babalikan. Sobrang nalulungkot ako ng mga panahon na yun kasi tuwing sinusubukan kong kausapin si Dylan kapag tuwing nahahanap ko sya lagi nya akong iniiwasan sa sobrang lungkot ko, parang gusto ko na lang tapusin lahat may alam akong lugar kung saan ko pwedeng tapusin lahat kaya pinuntahan ko yun. Sa may tulay na may malalim na ilog. Handang handa na akong tumalon dun, tapos biglang may lumapit na babae sakin. Ang weird ng sinabi nya kaya napababa ako...

BINABASA MO ANG
The Bucket List
RandomThis is a story about life and not love. It is worth the read. Di pa sya masyadong kumpleto tapos wala pang mga pics, di pa kasi ako marunong magdrawing eh, huhuhu pero sige aalamin ko ganun tas update at edit ko na ulit to.