Friends?

10 1 0
                                    

Mapapansin mo ba... Kaya ang tulad ko?
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pasulyap sayo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh, Chinito

Pangatlong beses na yata akong todo birit sa kantang ito. Napipika na nga yata yung ibang mga nakapila para gumamit ng karaoke machine dito sa mall. Sorry naman sa inyo, medyo malalim ang hugot ko. Mga eleven na ulit pa, pwede na kayong sumingit.

Wala akong pake kahit pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Song of the season ko po kasi ito. Feel na feel, swak na swak sa mga dinaranas ko ngayon. Todo relate pa ako sa song nang biglang may naki-join sa maliit na booth na kinaroroonan ko.

Medyo naagaw naman yung atensyon nung mga judger ko. Medyo pogi kasi yung bisita ko eh. Hindi siya gaanong katangkaran, hindi rin naman maputi. He doesn't exactly fit my definition of pogi, pero chinito siya. Kaya ayun, medyo pogi na rin sa paningin ko. Although kung maka-ngiti itong si kuya, erase na yang definition na yan. Ang pungay ng mata, may deep dimples pa cheeks nya and right below his lips. Pogi po si kuya. Period.

Kaso hindi kami talo eh.

"Teddy, awat na please," bungad ng best friend kong si Nick, sabay agaw sa mic. "Nakakasira ng araw yang kadramahan mo."

"Bro naman, eh... Late ka na nga, nang-aagaw pa ng mic. Kahit kelan basag trip." Sinubukan kong agawin pabalik yung mic, kaso medyo maliksi si friend, hindi ko makuha.

"Lech, mas basag trip ka. Tingnan mo, sinisira mo araw ng mga tao dito," pangungutya niya habang patuloy na iniiwas sa 'kin yung mic.

"Last na, please! Patapusin mo lang ako. Sayang yung token ko, oh! Bilis, malapit na yung fave part ko!" Sabay pout. Pa-cute minsan para mapagbigyan. Effective naman, eh. Kasi inabot rin niya sa 'kin yung mic.

Balang araw ay malalaman mo rin
At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita?

So, carry on lang ako sa pagkanta ko. Si Nick? Ayun, nakabusangot sa may upuan habang hawak yung phone nya. Nagffacebook yata. Ewan, wapakels. Fini-feel ko pa yung song eh.

Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Susulyap pa kuno itong si Bro, tatawanan din lang naman ako.

Ah sige tawa lang nang tawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw

And we're down to the last few lines. At dahil pa-finale na ako, todo effort na sa singing. Sabay emote and gesture pa sa puso ko habang nakanta.

Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...

Peace, sign. Pa-cute.

Na sinagot lang ng simangot nitong uber supportive kong best friend.

"Ano bang sinisimangot mo dyan? Di ba dapat ako yung bad trip? Dude, 10AM usapan natin , right? Alas dose na, oh." Nakapameywang pa akong nagsabi niyan. Nagtry akong tarayan siya, pero nakangiti pa rin naman ako. Eh sa good mood ako eh. Medyo maaga rin naman siya. Usually kasi 3 hours ang intay ko sa kumag na 'to.

"Kakanta-kanta ka kasi dyan, sintunado naman. Bad trip. Gutom na nga ako, sinira mo pa ear drums ko." Reklamo naman niya. Kahit kelan ang sungit kapag umaga.

"Hoy, hindi ko po kasalanan na gutom ka, no. May time naman kumain sa bahay. Tutal late ka naman na, bakit di mo pa sinulit na paghintayin ako?"

"Ewan ko sayo. Daming reklamo. Tch." Kinuha niya yung bag ko sabay walk out na sa booth. So, kinuha ko na lang yung mga natitira ko pang tokens sa may machine tapos sumunod na rin ako sa kanya sa paglabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chinito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon