Chapter 9

119 34 0
                                    

THIRD PERSON OF POV

Mag isa si Luhan sa kwarto habang tahimik lang na nagmamasid si Luhan sa Group chat nila ng tropa niya, Yung mga tropa niyang mga naglihim sa kanya pero pinatawad pa din. Naki sleep over pala si Baekhyun sa kanya, Si Dyo naman ayaw dahil tinatamad umalis. Pinag uusapan sa Gc nila ang about sa mga lilipat ng School ngayong taon;

"Ako, baka sa Ohorat University ako mag aral" (eme lang yung walang ganyan haha) - Sehun

Halos manghina siya na malaman na lilipat na si Sehun sa next school year, Kahit anong oras ay pwede siyang bumagsak, parang natutuyuan na din siya ng dugo. Hindi naman pwede yun dahil kahit naman nagkagalit sila ni Sehun ay mamimiss niya pa din yun, Because they're friends, Hindi magbabago yun kahit History ang pag uusapan. Kahit nagkaaway sila magkaibigan pa din sila, Sabi nga nila Love your Enemy lol.

Sakto namang pumasok si Baekhyun habang napatingin kay Luhan, Malapit na kasi itong umiyak halatang pinipigilan lang.

"Hoy baklang usa, Ano nanamang dramarama mo diyan?" asar na bungad ni Baekhyun

"Si Sehun kasi..." malungkot na sabi ni Luhan

"Bakit? Ano mayroon sa bulol na yun? Mahal mo na ulit tanga kana ulit ganern?-" Hindi natapos ang sasabihin ni Baekhyun na kaltukan siya ni Luhan

"Hindi yun gaga, Si Sehun kasi lilipat na daw ng School sa Next School year-" Di natapos si Luhan sa sasabihin na sumingit si Baekhyun

"Sher? Mamimiss mo naman ganern! Hayaan mo siyang lumipat choice niya yan" sabi ni Baekhyun habang inaayos ang kobre kama niya.

"Totoo kaya yun Baek? Totoo kaya na lilipat siya?" tanong ni Luhan habang naka pout ito

"Hindi yun totoo, baka nagpapansin lang sa Gc ninyo!" sabi naman ni Baekhyun habang humiga na sa kama

"Malay mo diba alam mo naman si Sehun kapag sinabi niya gagawin niya yun" mariin naman na sabi ni Luhan na kinainis ni Baekhyun

Alam mo ikaw Don't tell me na hindi ka makakatulog kakaisip sa Sehun babalu na yun, Matulog ka na nga! Wag mo ng isipin yun di ka naman iniisip, Assumera tong usa na to!" inis na sabi ni Baekhyun habang tinalikuran si Luhan, Inirapan na lang siya ni Luhan at bumulong "Kahit kailan talaga bakla to!" sabi niya at napangisi sa loob looban.

Hindi pa nakuntento si Baekhyun na kakasatsat, Humarap pa ito at dumaldal

"Kung yung mga sinasabi niya gagawin niya, Dapat matagal na niyang sinapak si Xiumin, Hindi niya nga magawa" sabi ni Baekhyun habang naghihintay ng sagot ni Luhan

Oo na gaga ka ingay mo, Ikaw ang matulog!" sabi ni Luhan habang binato ng unan sa mukha si Baekhyun

"Aray gaga kang usa ka! Mapanakit ka!" pikon na sabi ni Baekhyun napangisi si Luhan

Maya maya pa ay nakatulog na din silang dalawa.

𝑴𝒚 𝑩𝒆𝒔𝒕𝒊𝒆 𝑳𝒐𝒗𝒆 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon