Prologue

39 9 0
                                    

Isang Maitim na pusa ang tumalon mula sa hinihigaan ko kung kaya't ngali ngali at humahangos akong napabangon. Napatingin pa ako sa kaliwa't kanan ng kwarto ko para hanapin ang itim na pusa pero ni anino nito ay hindi ko makita. Hindi ako naniniwala sa mga kasabihan ng mga matatanda na may dalang kamalasan ang itim na pusa pero sa pagkakataong iyon nakaramdam ako ng matinding takot.

Binalewala ko ang pangyayaring iyon at tumungo sa kusina para mag toothbrush sa hindi malamang dahilan ay napatulala akong napatingin sa sarili ko sa isang lumang salamin na medyo madilaw na at hindi gaano nakikita ang repleksyon ko.

Ganoon na lamang kabigat ang aking dinaramdam at hindi ko talaga mawari kung ano ang dahilan habang nakatitig sa salamin ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay pakiramdam ko may masamang mangyayari sa akin at sa mga taong malapit sa akin.

Sa pagdaan ng ilang araw ay malaki ang pagsisi kong binalewala ang senyas ng itim na pusa na dapat sana ay pinaniwalaan ko at hindi mauwi sa balitang...

Nawawala ang buong section namin.

Section Sunflower is Missing.

Missing section sunflower

Missing Section Sunflower ( Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon